Andrea's PoV
"GET UP! GET UP! GET UP! GET UUUUUP!" Sigaw ng isang abnormal sa kwarto ko. Ano ba yan ang ingay! Nagtabon ako ng kumot at bumaling sa kabilang side ng kama.
"BANGOOON!" Sigaw nung abno at hinatak yung kumot ko. Kinapa ko yung kumot kung san na napunta kaso di ko makapa. Dumilat ako.
"Enebeeee? Natutulog akoehhhhh..." Sabay bagsak ulo sa unan.
"HOY IMPAKTITA! BUMANGON KA JAN!" Sigaw ni Alice.
"OYOKOOOOOO!" Ungot ko.
"BABANGON KA O IHUHULOG KITA?!"
"O." Labas sa ilong kong sagot.
"O BUBUHUSAN NG DALA KONG JUICE?!"
"YAN NAAAA!" Bigla akong bumangon sa kama ko. Nak ng tokwa. Buhusan na niya ko ng tubig, wag lang juice o soft drinks o mainit na kape! Lalong lalagkit ang pagmamahalan namin ng kama ko. Literally.
"Andy! Ano ba? Bat ang sarap pa rin ng tulog mo? Last JS Prom na kaya natin mamaya!" Sigaw ni Alice.
"Onga teh! Gora na tayo! Excited na ko para magpaayos!" Sigaw ni Mitch habang parang kinikilig-kilig pa.
"Kung kayo excited, ako hindi.." Sabi ko habang kinukusot yung mata ko.
"Bakit naman?" They asked in unison.
"Eh kasiiii... Alam niyo naman na hindi masyadong memorable yung JS ko last year diba?" Sabi ko. Kinuha ko na yung tuwalya ko at dumiretso sa banyo.
"Edi make this one memorable!" Sigaw ni Mitch sa labas.
"And fun!" Dagdag ni Alice.
"Onaaaaa.." Labas sa ilong kong sagot.
"Sige. Wait ka namin sa baba. Wag ka na magpaganda ah. Sila na bahala dun." Sabi ni Mitch.
BINABASA MO ANG
Destiny Series Book 1: Entangled Destinies
Roman pour Adolescents[1] "Never play with the feelings of others because you may win the game but the risk is that you will surely lose the person for a lifetime." ~ Shakespeare Sadly, a campus heartthrob just can't understand this quote. He plays, he fools, he cheats...