Chapter 77: Our Love Stories

328 10 5
                                    

A/N:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A/N:

PAUNANG-SABI: Ang dyosa niyong author ay hindi alam ang tama at hula-hula lang ang inilagay sa bandang ibaba ng chapter na ito. LOL xD (A/N continued at the end of the chapter)

=======================================



Andrea's PoV



Few days later...


"Eric tara dito daliiii~!" Sabi ko habang excited kong hinihila si Eric papasok ng bahay. Wala kasing tao sa bahay ngayon. Si Kuya Alex, may interview daw sa pinag-applyan niya. Si Mitch naman, may date ata kasama si Daniel. Pero parang nananadya rin sila kasi sabi sakin ni Mitch kanina dapat mag-bonding rin kami ni Eric sabay wink. Feeling ko sinadya nilang i-timing sa job interview ni Kuya Alex yung date nila eh. Pero ang hindi ko maintindihan, 6:30 P.M. na, wala pa rin si Kuya Alex.


"Ayan na nga, ayan na ngaa. Ikaw talagaaa! Namiss mo ko sobra no?" He grinned while following me. Tingnan mo to. Parang nung isang araw lang iiwanan na ko ng lalaking to, tapos ngayon andito siya ulit kasama ko at hindi binibitawan ang kamay ko. Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti.


Sa totoo lang, muntikan na pala talaga niya kong iwanan. Kaso nga lang, sabi niya naalala raw niya na Friday next day at may performance ako. Naisip lang daw niya na gusto raw niya ko makita one last time kaya naisipan niyang bumaba ng eroplano at ipa-rebook yung flight niya ng Saturday morning. Nung nalaman ko yun, napabugtong-hininga talaga ako nang bongga. It was *sooooo* close! So close to leaving me! Pero instead, nangyari iyong ma-drama, pero masayang pangyayari sa restobar namin. Feeling ko tuloy destined talaga kami sa isa't isa.



"Osige na, umaamin ako. Namiss talaga kita. At yung yung mga panahon na masaya tayo." Sagot ko sa kanya. Pumasok na kami sa loob ng bahay at umakyat sa second floor.


"Yiieee~! Kinikilig akoooo! Pero ano bang meron at sobrang excited ka?" Tanong niya sakin.



"Bastaaaaaa~!' Nakangiti kong sagot sa kanya. Pumasok kami sa kwarto ko at pinaupo ko siya sa isang side ng kama ko.


"Wait lang ah--" Sabi ko. Pero bago pa ko makaalis, hinila niya ko papalapit sa kanya. Our face were a few inches apart.

Destiny Series Book 1: Entangled DestiniesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon