This story contains spoilers for Bravo Series #1 and #2. Kindly read first the story stated before reading this.The song that is used in this chapter is an original composition that is made only for this story unless otherwise stated.
***
"AND IT'S A WRAP! Congratulations to all of us!" sigaw ng mga producers ng fashion show.
We just finished the most-awaited fashion show here in London, United Kingdom. Isa ito sa pinamalaking fashion show na nasalihan ko aside sa Paris Fashion week.
"Grabe ka, Solene! No doubt bakit ikaw ang most paid model ngayon." sabi ng co-model ko.
"You did well, too! Congratulations!" sagot ko at binigyan siya nang mahigpit na yakap.
As much as possible ayaw kong ma-attached sa mga co-models ko lalo na I am a free agent. Some of them ay ilang beses ko ng nakakatrabaho habang ang iba katulad niya ay ngayon pa lang ata.
Ayaw ko na kaseng ma-attached ulit tapos bigla na lang maiiwan ng walang paalam. Mapakaibigan man o muntik na maging magka-ibigan basta kahit sino kapag alam kong panandalian lang iniiwas ko na kaagad ang sarili kong ma-attached sa kanila.
"Congrats, Solene." bati sa akin ni Kenneth at inabutan ako ng isang bouquet na bulaklak. Isa rin siyang male model katulad ni Zendrick pero bago-bago pa lang siya unlike Zendrick na kasabayan ko lang.
"Thanks." sagot ko at nagpunta na sa dressing room bitbit ang bulaklak na ibinigay niya.
"Girl! May celebration daw na inihanda ang Baleatty Group of Company para sa atin." masayang sigaw ni Iyah pagkapasok ko.
"Baka hindi na ako pumunta, napagod ako masyado magpapahinga na lang ako." sagot ko habang hinihilot ang aking legs.
"Hindi pwede! Ikaw nga ang main event ng fashion show tapos ikaw lang ang wala sa celebration?" sigaw niya kaya halos ang ibang mga co-models namin ay napatingin sa amin.
"Main event pinagsasabi mo riyan." natatawa kong saad.
"Napakahumble mo talaga! Basta pupunta ka kung hindi magtatampo ako."
"Oo na, tawagin mo na lang ako sa room ko. Magpapahinga na muna ako." sabi ko at inayos na ang mga gamit ko para umalis at bumalik na ng hotel.
"10pm. Yan ang call time natin." sabi niya bago ako umalis para magbihis.
Nang matapos ako mag-asikaso ay nagpahatid na ako sa hotel para magpahinga. Hanggang ngayon hindi pa rin ako gaano sanay mag-heels ng matagal kaya ramdam ko ang pananakit ng legs ko.
Nagising ako bandang alas otso ng gabi. Dinamdam ko muna ang sakit ng katawan ko dahil sa sobrang pagod. Kung pwede lang hindi na umattend ay hindi na talaga ako pupunta pero dahil isa ito sa mga malalaking modeling agency sa buong mundo ay dapat maging professional ako para may susunod pang oppportunity.
Nagmadali naman akong mag-asikaso dahil 10 pm ang usapan namin ni Iyah. I just wear a white tube together with a white coat and a white slacks with a 3 inches white heels and a gray purse. I just kept it simple dahil kami-kami na lang din naman ang attend sa inihandang event kaya hindi na ako nag-ayos pa masyado. Tama na yung spotlight na nakuha ko kanina sa Fashion show.
Exactly 10pm ay kumatok na si Iya at sakto namang nakabihis na ako. "Girl! They invited local singers para magperform mamaya!" kinikilig niyang sigaw.
"Good for you. Just enjoy the night dahil hindi rin ako magtatagal mamaya." sagot ko dahil parang babagsak na ang katawan ko sa sobrang pagod dahil sa sunod-sunod na byahe at fashion show.
YOU ARE READING
Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)
RomanceSolene and Zeeian have been best friends since they were kids. They share everything-secrets, laughter, and adventures. Recently, Solene has started to feel differently about Zeeian. The hugs linger longer, and the jokes spark butterflies in her sto...