Solene Akasha POV
"I'll talk to her alone muna para hindi siya gaanong mabigla kapag nakita ka, hmm?" she said before we went inside their house.
Bitbit niya ang mga gamit naming dalawa, hindi naman ganoon karami yung akin dahil biglaan lang din ang pagpunta namin dito. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon lalo na't alam kong buhay ang anak namin.
Matatanggap niya kaya ako? Mahal pa rin kaya niya ako kahit ganun ang nangyare sa huling pag-uusap namin?
Hindi ko alam.
Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Hindi ba dapat masaya ako dahil buhay siya? Pero bakit parang mas lamang ang takot? Dahil siguro alam kong nasaktan ko siya. Nasaktan ko ang anak ko.
"Kash?!" sabay-sabay na tawag sa akin ng buong pamilya ni Zeeian ng makapasok na kami sa loob.
Lahat sila ay gulat ng makita akong kasama ni Zeeian, nagpapalipat-lipat pa ang tingin nila sa aming dalawa pero wala silang nakuha kay Zeeian na sagot dahil dere-deretso lang siyang nagtungo papasok at hindi na ako hinintay.
"Why are you here? I thought you're already married to that guy?" nagtatakang tanong ni Tita Ash sa akin.
"Masasaktan ka lang sa malalaman mo Ate Kash." malungkot na saad ni Amora sa akin.
"Masasaktan?" nagtatakang tanong ko.
Mabilis niyang tinakpan ang bibig niya habang ang mga pinsan naman niya ay pinagbabatukan siya.
"Ang ingay mo talaga!" sigaw ni Kuya Kian sa kaniya.
Pansin kong wala si Ate Zianah at Ate Zeej dito at tanging mga pinsan lang nila ang sumalubong sa akin.
"Mahal mo pa ba si Zeeian, Kash?" seryosong tanong sa akin ni Justin.
Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam kung mahal ko pa rin ba siya matapos ang lahat ng ginawa niya sa akin. Una iniwan niya ako, pangalawa nakipagrelasyon siya sa pinsan ko at panghuli, tinago niya sa akin ang anak naming dalawa.
"Kung oo, sana handa ka ring maging step mom." habol ni Ate Khali.
Step mom? hindi ba nila alam na ako ang nabuntis ni Zeeian noon? At ako ang nanay ni Skye? Parang ang impossible naman ata na hindi nila alam lalo na ni Tita Ash.
"Oo, tama 'yang iniisip mo." biglang sabat ni Zeeian habang may hawak ng baso ng tubig at iniabot yun sa akin.
"May hindi ba kami alam?" sabay-sabay na tanong nila.
"Si Solene ang nanay ni Skye. Siya yung babaeng nabuntis ko noon." walang emosyon niyang saad na ikinagulat nilang lahat.
"Oh My Gosh!" halos mawalan ng malay si Ate Khali dahil sa narinig.
"Akala ko mahal mo si Ate Kash pero bakit mo ginawa 'yun?" tanong naman ni Khaius.
"Ang daming tanong sa isip ko! Hindi ako makapaniwalang tinago mo sa amin ni Calix ang tungkol dito!" sigaw naman ni Justin.
Deretso lang siyang tumingin sa akin na para bang wala siyang pakielam sa mga sinasabi ng mga pinsan niya tungkol sa amin.
"Hindi ko sinabi yun sakanila noon hindi dahil pagkakamali ang ginawa natin. Mahal kita Solene kaya hindi naging kamalian ang ginawa natin noon, wala akong pinagsisisihan sa lahat. Hindi ko sinabi sakanila ang tungkol sayo dahil alam kong kapag nalaman nila lalo na ni Mommy ang totoo, alam kong gagawin nila ang lahat para mabuo ang pamilya natin." pagkwento niya.
Seryoso lang ang mukha niya habang lahat sila ay nakikinig nang mabuti sa bawat salitang sasabihin niya at ganun din ako.
"Really, Zeeian? Ayaw mong bigyan ang sarili mong anak ng masaya at kumpletong pamilya? Napakamakasarili mo naman!" medyo galit na tanong ni Tita Ash sa kaniya.
YOU ARE READING
Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)
RomanceSolene and Zeeian have been best friends since they were kids. They share everything-secrets, laughter, and adventures. Recently, Solene has started to feel differently about Zeeian. The hugs linger longer, and the jokes spark butterflies in her sto...