Chapter 63

6.4K 195 18
                                    

Solene Akasha POV

"It's so hot in here, Nanay!" reklamo kaagad ni Skye habang iniaalis ang mask na suot niya ng makababa kami ng eroplano dalawa.

Tanghali na kase kami nakarating sa Pinas dahil we spent almost a day sleeping sa hotel room namin sa Hongkong dahil sa sobrang pagod. Morning na lang rin ang nakuhang flight ni Zeeian papuntang Pilipinas kaya wala kaming choice kung hindi tiisin ang tirik ng araw ngayon.

"Wear your mask properly, baby. Later you can remove it naman na since someone will fetch us."

Airport is still a public place at kung may makakilala man sa aming dalawa ni Skye ay paniguradong magte-trending kaagad ito nationwide. Mainit ang mata ng publiko sa akin ngayon dahil sa pagkamatay ni Zendrick.

Marami kaming fans na naghihintay patungkol sa statement ko regarding sa totoong relasyon namin ni Zendrick noon. Up until now ay hindi pa rin ako nagpapakita sa public at hindi ko pa rin nililinaw sa lahat ang kung ano talaga kami ni Zendrick noon.

"Sol!" ang manager ko.

Dali-dali kaming naglakad ni Skye papunta sakaniya. Bakas ang pagtataka sa mukha ng manager ko pero hindi na muna siya nagtanong pa at inalalayan lang kami ng anak ko hanggang sa makasakay kami sa loob ng sasakyan niya.

"Who's this kid, Solene?" tanong niya kaagad sa akin habang titig na titig kay Skye. "She looks exactly like... you."

"Hi, Miss Beautiful." nakangiting bati ni Skye. "I am Solana Kye Saavedra Bravo."

Nanlaki kaagad ang mata ng manager ko ng marinig ang buong pangalan ni Skye at kasabay non ay ang pagbukas ng pinto ng kotse niya. It was Zeeian na nakasuot pa ng pilot uniform niya habang bitbit ang bagahe niya.

"Momma!" sigaw ni Skye at mabilis na nagpakandong kay Zeeian na katabi ko na ngayon.

Masama ang tingin ng Manager ko kay Zeeian dahil alam na alam niya ang nangyare sa aming dalawa noon. Kung galit ako ay paniguradong mas galit siya kay Zeeian. Parehong-pareho silang dalawa ni Iyah.

"Hindi ko alam kung ano ang nangyayare. I need an explanation, Solene!"

Alanganing ngumiti si Zeeian sa Manager ko. "H-hi, Miss Beautiful." 

Pareho talaga silang malakas mambola ng anak niya pero hindi niya nadaan sa pambobola ang Manager ko.

Buong byahe ay kinuwento ni Zeeian ang totoong nangyare sa pamilya nila sa manager ko. Unti-unti naman itong naintindihan ng manager ko pero nandun pa rin ang mga pagdududa sa mga tingin niya na sinagot din naman kaagad ni Zeeian.

"Hey, Skye. Do you want to be a model like your Nanay?" mahinahong tanong niya kay Skye.

Kanina pa nga niya ito sinasabi sa amin ni Zeeian na ang laki raw ng potential ni Skye na maging model katulad ko. Hindi nga lang ata model pwede ring mag-artista dahil marunong siyang kumanta at pati na rin ang magsayaw.

"I don't like po." pinal na sagot ni Skye habang hawak si Olaf niya.

"Why? You're so pretty pa naman like your Nanay."

"I don't like spotlight po. I don't like hiding and I want to live my life peacefully, away from cameras."

Mabilis kaming nagkatinginan ng manager ko, alam ko na kaagad ang pinahihiwatig niya sa akin dahil sa sagot ng anak ko.

Ang buhay na mayroon ako ngayon ay kabaliktaran sa buhay na gusto ng anak ko. Sinabi naman na ni Zeeian sa akin ang tungkol dito kaya mas pinili ko na rin na magkaroon ng tahimik na buhay pansamantala kasama sila.

Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)Where stories live. Discover now