Solene Akasha POV
After our memorable graduation ball ay sumunod naman ang pinaka-ayaw na naming lahat, ang final defense namin. Na-postponed kase ito dahil sa iba-ibang schedule ng mga panelists for the defense. Imbes na naghihintay na lang kami sa Graduation namin ay may pahabol pa na sakit sa ulo.
Hindi naman kami ganun nahirapan sa papers namin dahil tinulungan kami rito nila Ate Zianah at Ate Zeej. Since nasa STEM strand kami ay mas pinili namin ang field of medicine since I will be taking Biology habang Nursing naman si Calix. Mas dumali ang papers namin ng tulungan din kami ni Ate Lexy na forte talaga ang ganitong topic.
Nandito kami ngayon sa school auditorium para sa aming graduation practice, may practice na kaagad eh hindi pa naman namin sigurado kung makakasagot kami nang maayos sa finals defense namin. Ayun na lang talaga ang hinihintay namin dahil tapos na ang aming Research Papers.
"Nasaan si Zeeian?" tanong ko kay Calix na prente lang na naka-upo sa tabi Iyah. "Hindi ko alam. Baka bumili na naman ng kape." sagot niya at hinawakan ang kamay ni Iyah.
Sana all talaga may label na.
Nagpahalumbaba na lang ako habang pinanonood ang ibang strand na umaakyat sa stage. Kitang-kita ko ang nakangising itsura ni Irish na nakatayo ngayon sa stage.
Siya kase ang Salutatorian sa HUMMS strand kaya mayabang niya lang akong tinitignan mula sa stage.
"Pst." rinig kong sitsit mula sa likuran ko. Paglingon ko ay nakita ko si Zeeian na may bitbit na bouquet ng pink tulips. "Ano 'yan?" nagtatakang tanong ko ng ilahad niya sa akin ang bulaklak na hawak niya.
"Congratulations, bal. Valedictorian ka hindi lang sa strand natin kung hindi sa buong Senior High school." masayang balita niya sa akin.
Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Zeeian dahil hindi magandang biro ito kung nagkataon.
"Promise, bal! Ikaw ang valedictorian at ako naman ang salutatorian." aniya.
Mabilis akong lumingon sa kinaroroonan ni Irish na ngayon ay masama ng nakatingin sa akin. At syempre hindi ako magpapatalo kaya niyakap ko si Zeeian nang mahigpit habang nakangising nakatingin sa kaniya.
At dahil Valedictorian at Salutatorian kaming dalawa ay nagcelebrate kaming dalawa ni Zeeian sa isang korean restaurant pagkatapos ng practice namin.
Nagtataka nga ako kung paanong valedictorian ako eh hindi pa naman tapos ang defense namin. Pero ipinaliwanag naman ni Zeeian na ia-add na lang daw ang magiging grade namin sa final grades namin.
Medyo malayo-layo rin ang agwat ng grades namin ni Zeeian kaya wala rin talaga raw makakahabol ng grades ko sabi ng dean namin.
"Bal, gusto ko yung medyo toasted yung beef ha?" sambit ko sa kaniya dahil siya ang nagluluto ng samgyup namin.
Tiga-hiwa lang ako ng meat at paminsan-minsan ay sinusubuan ko siya dahil busy siyang magprito.
"Bal, ayaw ko ng kimchi na hindi crunchy." reklamo niya ng ipasubo ko sa kaniya ang hindi crunchy na part ng kimchi.
"Taste this, bal. Ang sarap!" masayang saad ko at sinubo sa kaniya yung cucumber na medyo matamis ang lasa.
"Tamis!" reklamo niya. Ewan ko ba rito. Hilig na hilig ko ang matamis na pagkain pero siya naman ayaw niya ng matamis.
Hindi ko alam baka may diabetes siya or masyado lang siyang strict sa diet niya eh maganda naman na yung katawan niya.
"Damn! Busog na busog ako, bal!" sigaw niya habang iniaalis ang butones ng pantalon niya.
YOU ARE READING
Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)
RomanceSolene and Zeeian have been best friends since they were kids. They share everything-secrets, laughter, and adventures. Recently, Solene has started to feel differently about Zeeian. The hugs linger longer, and the jokes spark butterflies in her sto...