Solene Akasha POV
"S-solene.." naiiyak na tawag sa akin ni Iyah ng magising ako.
She is just seating beside the bed while waiting for me to wake up. Halatado sa itsura niya na puyat na puyat siya siguro dahil sa kaaalaga sa akin magdamag habang wala pa akong malay.
"Mabuti naman at g-gising ka na." masayang saad niya ngunit bakas pa rin sa kaniyang boses ang lungkot.
"Iyah, na s-saan ang anak ko-"
"Wait lang, Solene ha? tatawagin ko lang si doc saglit." sabi niya at tumayo na palabas ng kwarto para tawagin ako doktor.
Pinilit kong maupo mula sa pagkakahiga. Gusto ko ng makita ang anak ko. Gusto ko na siyang mahagkan. Kaya tumingin ako sa paligid ko pero parang hindi pa rin nagagalaw ang mga gamit niya na nasa isang bag na ibinili ko para sa kaniya.
"Sa wakas, nagising ka rin Solene." bungad ni Bernadett sa akin pagkapasok niya sa kwarto ko bago lumakad papalapit sa akin.
Naalala ko pa yun. Siya ang nagpa-anak sa akin imbes na si Doctor San Juan na obgyne ko talaga na nagmula kay Zendrick.
"D-doc, nasaan ang a-anak ko?" tanong ko habang ineexamine niya ang lagay ko ngayon. Hindi siya sumagot bagkus ay tumingin lamang siya sa kinaroroonan ni Iyah.
"Doc...y-yung anak ko n-nasaan?" tanong ko ulit sa kaniya. Nakakaramdam na ako ng kaba dahil sa mga kinikilos at tinginan nilang dalawa. Ang dali-dali lang naman sabihin sa akin na nasa nursery room ang anak ko pero ni-isa sa kanila ay wala pa ring sumasagot.
"Kailangan mo munang magpahinga Solene. You've been sleeping for almost a week at kailangan mo munang makarecover." saad sa akin ni Doc at tsaka nagmamadaling lumabas ng kwarto ko.
Hindi ko na mapigilan ang pangingilid ng mga luha sa aking mga mata. Sana mali ang kutob ko. Sana mali ang iniisip ko. Sana hindi ito totoo.
"Iyah..Nasaan si Zeelene?" tanong ko kay Iyah. Nag-iwas kaagad siya ng tingin sa akin habang patagong pinupunasan ang kaniyang mga mata.
"Parang awa mo na, Iyah. N-nasaan si Zeelene? Nasaan ang a-anak ko?" pagmamaka-awa ko sa kaniya.
"Sagutin mo naman ako! Nasaan ang anak ko, Iyah?!" sigaw ko.
Malungkot siyang nag-angat ng tingin at isinalubong ang tingin ko. Dahan-dahan siyang umiling at kasabay non ay ang sunod-sunod na pagtulo ng kaniyang mga luha.
"A-anong ibig mong sabihin? W-wala siya rito? D-dahil ba nasa nursery room siya? Nagpapahinga lang d-din siya katulad ko, 'di ba? Sabihin mo na nasa Nursery room lang siya, Iyah." sunod-sunod na tanong ko.
Hindi siya umimik at nanatiling nakatayo lamang sa harap ko habang umiiyak.
"G-gusto ko na siyang makita, Iyah. G-gusto ko ng mahawakan si Z-zeelene. Pwede mo ba s-siyang kunin?" paki-usap ko sa kaniya.
"K-kahit sandali lang, Iyah. Pagkatapos magpapahinga na rin a-ako katulad ng paalala ni d-doc. G-gusto ko lang s-siya makita at m-mayakap. Gusto ko lang m-makita ang anak ko k-kahit saglit lang." dagdag ko.
Pinilit kong ngumiti dahil ayaw kong paniwalaan ang kutob ko.
"I'm s-sorry, Solene. P-pero hindi kinaya ni Zeelene. W-wala na siya.. Wala na si Zeelene, S-sol.."
Halos gumuho ang mundo ko ng marinig ko ang sinabi niya. Parang durog na durog ang puso ko ngayon. Wala akong ibang magawa kung hindi umiyak at sumigaw para lang maibsan ang sakit na nadarama ko.
Bakit?
Bakit pati siya kailangan akong iwanan? Si Zeelene na nga lang ang mayroon ako bakit pati siya kinuha pa rin sa akin? Siya na nga lang ang mayroon ako! Siya na lang ang tanging iniwan ni Zeeian sa akin pero bakit kailangan pang pati siya ay mawala sa akin!?
YOU ARE READING
Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)
RomanceSolene and Zeeian have been best friends since they were kids. They share everything-secrets, laughter, and adventures. Recently, Solene has started to feel differently about Zeeian. The hugs linger longer, and the jokes spark butterflies in her sto...