Solene Akasha POV
It's been five days since the incident happened, nagising na lang ako noon na nasa hospital bed na ako kasama sila Zeeian at Kuya Seve na natutulog sa tabi ko habang naka-upo sa monoblock, hawak pa nga ni Zeeian ang mga kamay ko nun pagkagising ko. I spent additional two days sa hospital to check if may organs daw ba akong naapektuhan dahil sa pagsuntok ni Miguel sa akin. Luckily, wala namang organ na naapektuhan o natamaan but, I have a broken rib.
Sabi naman ng doctor it will heal on it's own pero I needed to take pain relievers and cold compress sa area na malapit sa broken ribs ko. Hindi rin ako nakakapasok sa university at hindi rin natuloy ang photoshoot namin ni Iyah dahil sa nangyare sa aming dalawa that night.
Regarding naman kay Iyah ay medyo nagiging okay naman na siya mabuti na lang at sakto ang dating nila Zeeian at Calix nun. Medyo iwas pa rin siya sa mga lalaki pero nagiging okay na rin naman dahil paunti-unti niya ng naip-process ang nangyare.
"B-bal.. May gusto ka ba? Huwag ka muna maggagagalaw dahil kailangan mong magpahinga muna." nag-aalalang sambit ni Zeeian nung sinubukan kong tumayo.
Katulad ko ay hindi rin siya pumapasok sa university pati na rin si Calix na hindi na iniiwan si Iyah mag-isa. Kahit si Tita Ash at Tita Ianah ay napa-uwi bigla mula sa Thailand ng malaman ang nangyare para masigurado kung ayos ba talaga ako at para kausapin si Zeeian na kailangan niyang pumasok sa eskwela.
Pero itong kolokoy na ito ay parang walang narinig kahit pa si Tita Ianah na mismo ang nagsabi sa kaniya. Wala na rin namang nagawa sila tita kaya hinayaan niya na nila si Zeeian. Nagpadala na lamang si Tita Ianah ng mga bantay ko lalo na kapag gabi. Ganun din si Ate Alora, pinahahanap na nila ang mag-ama para maipakulong ngunit simula ng masibak sa pwesto ang tatay niyang mayor ay hindi na sila muli pang nakita.
"Bal.. Gusto mo dalhin kita sa ospital? masakit ba? sabihin mo sa akin, bal. Sagutin mo ako." nagpapanic na saad ni Zeeian.
"OA mo, bal." saad ko habang nakahawak sa tiyan ko. "Huwag ka nga muna kase bumangon, bal. Hindi pa gaano nawawala ang pasa sa tiyan mo." paliwanag nito sa akin. "Paano mo nalaman? Tinignan mo siguro habang tulog ako 'no?!" tanong ko sa kaniya.
"Huy! H-hindi 'no. Si Mommy Kim nagpunta rito kanina para icheck ka bago siya pumasok sa hospital kaya sinabi niya sa akin ang kalagayan mo." paliwanag niya.
"Oh anong sabi ni Tita?" tanong ko.
"Okay ka naman na raw at nag-iinarte ka na lang. Kung gusto mo ng inaalagaan kita sabihin mo lang, bal. Hindi mo na kailangan umacting." natatawa niyang saad sa akin.
"Ang kapal din ng mukha mo eh 'no?!" mataray kong sagot sa kaniya at inirapan siya.
Tumayo ako para sana magbanyo nangpigilan na naman ako ni Zeeian. Binuhat niya ako ng parang bagong kasal at maingat na dinala sa loob ng banyo. Pagkalapag niya sa akin ay nanatili siyang nakatayo sa harap ko.
"Oh?" mataray na sambit ko sa kaniya. "Umihi ka na." utos niya. "Panonoorin mo ko umihi? Ano? Huhubarin mo ang panty ko?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya. "H-hindi! Ito na nga lalabas na. Tawagin mo na lang ako kapag tapos ka na, hmm?" saad niya at nagmamadaling lumabas ng banyo.
Akala mo naman baldado ako, nasuntok lang naman ako sa sikmura at hindi naman ako naputulan ng paa. Masyadong OA talaga itong isa na ito halos limang araw na siyang ganiyan kaunting daing ko lang ospital na kaagad, hindi ba pwedeng pain killers lang muna?
"O-ouch!" daing ko ng medyo sumakit na naman ang parte kung saan ako nasuntok.
"BAL!? Are you okay?" nagpapanic na sigaw ni Zeeian mula sa labas habang kinakatok ang pinto ng banyo.
YOU ARE READING
Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)
RomanceSolene and Zeeian have been best friends since they were kids. They share everything-secrets, laughter, and adventures. Recently, Solene has started to feel differently about Zeeian. The hugs linger longer, and the jokes spark butterflies in her sto...