Chapter 29

3.1K 100 18
                                    

Solene Akasha POV

After the Thailand trip ay nagback to normal na ang lahat. Zeeian and I never talked about the kissed that happened during the lantern festival pero kahit na ganun ay walang awkwardness ang nangyare sa pagitan naming dalawa.

It was my first kiss. At wala naman akong pinagsisisihan sa nangyare dahil I surrendered my first kiss with the person I really loved, and that is Zeeian.

After my 18th birthday ay inirelease na rin ang poster ko from a liquor brand that happened in Cebu. I am wearing a red two piece while holding a liquor. Nagulat nga ako ng biglang magtrending ang photos namin ni Zendrick sa photoshoot na 'yun.

Nakahawak ang kaliwang kamay niya sa baywang ko habang ang isa naman ay may hawak-hawak na alak habang ako naman ay pasexy lang na nakatingin sa camera habang nakahawak sa dibdib ni Zendrick ang kanang kamay ko at nasa abs naman niya ang kaliwang kamay ko.

Nagtrending yung mga photos namin sa social media dahil isa ring sikat na male model si Zendrick at ito rin ang unang beses na nagpakita siya ng katawan sa isang photoshoot.

May mga headline na nagsasabing in a relationship na daw kaming dalawa. May mga fans club din kami na bigla na lang lumabas after the photo release na ikinagulat ko.

Mas prefer ko yung dating issue namin ni Zeeian kaysa sa aming dalawa ni Zendrick.

"Hindi mo sinabi sa akin na may ganiyan pala kayong scene nung kupal na 'yon." malamig na sambit ni Zeeian na kauupo lang sa tabi ko.

Dito kase kami palaging tumatambay sa may garden kapag pareho naming free time. Nauna lang akong dumating ngayon dahil mukhang may binili pa siyang pagkain para sa aming dalawa.

Hindi ko mawari kung galit ba siya pero seryoso lang ang itsura niya at ang lamig din ng way ng pananalita niya sa akin.

"S-sorry, bal. Nagulat lang din ako ng bigla kaming ipagpair dalawa ni Zendrick." paliwanag ko sa kaniya.

Hindi siya kumibo at naglaro na lang sa phone niya ng CODM. Ipinulupot ko ang mga kamay ko sa braso niya at sumandal sa balikat nito.

Nakatitig lang ako sa mga mata niya na nakafocus sa phone niya pero hindi nakalagpas sa paningin ko ang panga niyang umiigting dahil siguro sa galit.

"Bal, huwag ka ng magalit." pagsuyo ko sa kaniya. Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa braso niya dahil alam kong hindi naman ako matitiis ni Zeeian.

"Tss. Bakit hindi mo-" naputol ang sasabihin niya ng biglang may magsalita mula sa likuran naming dalawa.

"Hi, Solene." paglingon ko ay si Zendrick ang naroon habang may bitbit na bouquet ng red roses.

"Z-zendrick.." halos bulong na saad ko.

Napakarami ngayong mga estudyante ang kumukuha ng litrato sa aming dalawa. Mukhang pinaninindigan nito ngayon ang dating issues naming dalawa.

"Anong ginagawa mo rito? Kung gusto mo ng atensyon ng ibang tao huwag mo kaming idamay, pre." nakatayo na si Zeeian ngayon sa harapan ni Zendrick habang naglalabanan silang dalawa ng tingin.

"B-bal.." hinila ko si Zeeian papalapit sa akin dahil alam kong kapag sumagot si Zendrick ay masasapak talaga siya ni Zeeian.

"What's your problem, dude? Bibigyan ko lang naman ng mga bulaklak ang babaeng nililigawan ko." nakangising saad ni Zendrick kay Zeeian.

Malakas ang pagkakasabi niya non na mukhang sinadya niya talagang gawin. Rinig ko ang malalakas na tili ng mga estudyanteng nagvivideo ngayon sa amin.

"So, nililigawan ka na pala ng kumag na 'to?" seryosong tanong ni Zeeian sa akin. Hindi ako makasagot dahil alam kong galit na galit na siya ngayon at kitang-kita yun sa mga tingin niya.

Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)Where stories live. Discover now