Zeeian Kai POV
It's been almost 9 months since the last time I talked to Solene. Katulad pa rin ng dati ay hindi ko pa rin siya nagagawang maka-usap o kahit makita man lang. Tinagalan ko na nga rin ang stay ko ngayong month dahil nagbabaka sakali pa rin akong maka-usap siya.
I want to fix what we had at kung totoo ngang mahal niya na talaga si Zendrick at may namamagitan na sa kanilang dalawa ay ayos na sa akin kahit bilang kaibigan na lang.
Kahit masakit tatanggapin ko as long as nasa buhay pa rin ako ni Solene.
Pagkauwi ko sa bahay dito sa Pinas ay naroon si Calix na iwas na iwas sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay iwas na iwas talaga siya sa akin. I tried talking to him pero mabilis niya ring tinatapos ang usapan naming dalawa.
"B-bakit nandidito ka?" kabado niyang tanong sa akin.
"Bakit? Bawal ba ako rito?" tanong ko sa kaniya pero hindi siya sumagot at nagmamadali lang na umalis sa harapan ko.
Ang weird niya talaga sobra. Hindi nga yun tumatagal sa United Kingdom at palagi yung nandito sa Pinas. I tried talking to him about me and Solene pero hindi niya ako kinakausap.
Basta kapag narinig niya na binabanggit ko ang pangalang Solene ay halos manginig na siya at nagmamadaling aalis sa harapan ko.
Na-upo siya sa sofa sa may sala katabi ng mga gamit ko habang hawak-hawak ang phone niya. Mukhang may ka-text dahil sa sobrang bilis niyang magpipindot sa screen.
Hindi ko na yun pinansin pa at kinuha ko na lang kaagad ang mga gamit ko na nasa tabi niya at ini-akyat iyon sa kwarto ko. Bahay namin ito pero pakiramdam ko hindi ako welcome rito.
Nag-ubos lang ako ng oras ko sa pag-aayos ng buong kwarto ko. Nagpalit ako ng bed sheets, nag-vacuum, nagpunas ng mga gamit sa loob, at panghuli ay inilagay ko ang mga gamit na dala ko sa loob ng cabinet.
At sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita ko ang maliit na notebook naming dalawa ni Solene na naglalaman ng mga bagay na gusto naming gawin at maabot in the future. Bata pa kami noong ginawa namin ito kaya sigurado ako na may mga pangarap kaming dalawa na natupad o nagawa na namin ng magkasama.
Naupo ako sa may lapag habang nakasandal sa kama at isa-isang binasa ang mga nakasulat sa loob ng notebook.
Solene Akasha's Dream:
1. Be a Victoria's Secret Angel
2. Travel the world
3. Be a mom and a wife
4. Make Tatay, Nanay, and Kuya Seve proud
Marami pa ang nakasulat sa papel pero dahil siguro sa tagal ng notebook ay hindi na mabasa ang iba pang nakasulat.
Ang dami pa ng kaniya dahil marami siyang pangarap sa buhay. Pero ang pinakatumatak lang sa akin sa mga pangarap niya ay yung gusto niyang magkaroon ng sarili niyang pamilya.
She wants to have a big family in the future with the man she truly loves. Kung hindi ako nagkakamali ay gusto niya ng tatlong anak o higit pa, gusto niyang magpakasal sa ibang bansa at gusto niya intimate wedding lang, hindi kase sanay yun na may ibang tao at mas gusto niya talaga yung mga malalapit na tao lang sa puso niya.
Gusto niya rin na maging full-time mom, gusto kase nun na siya ang nagsisilbi sa magiging asawa at sa mga magiging anak niya. Gusto niya rin ng sarling bahay yung hindi ganoon kalaki at ka-elegante pero homey.
That's what I love about Solene. Nakaplano lahat ng gusto niya kumbaga parang planado na niya ang lahat para hindi siya maligaw kung sakali hindi katulad ko na walang pangarap sa buhay dati.
YOU ARE READING
Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)
RomanceSolene and Zeeian have been best friends since they were kids. They share everything-secrets, laughter, and adventures. Recently, Solene has started to feel differently about Zeeian. The hugs linger longer, and the jokes spark butterflies in her sto...