Solene Akasha POV
"Nanay, someone is looking for you downstairs!" sabi ni Skye habang inaalog ang katawan ko para gumising.
It's been weeks now and I am still staying here in London with Skye and Zeeian. After that kissed inside her car ay parang bumalik kami sa dati ni Zeeian though, we never call each other 'bal' pero ramdam ko na ngayon na mahal pa rin niya ako.
Kailangang-kailangan na nga ako sa Pilipinas dahil ang dami kong trabaho na pina-cancel just to stay here with them. Sinubukan kong magpaalam kay Skye pero umiyak lang siya nang pagkalakas-lakas ng sabihin kong magwowork ako.
I get it naman kaya nga nandito pa rin ako kasama ang mag-ina ko.
I spent most of my time doing the things my daughter's love. Mahilig siya sa sports at magbake katulad ng momma niya. Kuhang-kuha niya nga ang lasa ng banana cake recipe ni Zeeian kaya palagi niya akong pinagbe-bake ng banana cake.
"Nanay! Wake up." paggising ulit ni Skye sa akin. Mabilis ko siyang kinarga at walang sawang kiniliti na ikinatili niya nang malakas.
"Nanay! It tickles."
"Who's looking for nanay, baby?" tanong ko sa kaniya.
"A guy." biglang nagbago ang mood niya. Ang kaninang nakangiti na Skye ay bigla na lang nagalit. "I don't like him."
Mabilis akong napatayo sa kama para bumaba at alamin kung sinong guy ba ang tinutukoy niya na naghahanap sa akin. And there I saw Zendrick holding a bouquet of flowers habang naghihintay sa labas ng bahay nila Zeeian.
Literal na sa labas dahil hindi nila ito pinapasok kahit sa garden man lang.
"Ma'am Skye told us not to let him in since he is an unfamiliar person." sabi sa akin ng nagbabantay sa gate.
Imbes na papasukin si Zendrick ay ako na lang ang lumabas ng bahay para maka-usap siya.
"Hey, Zend." bati ko sa kaniya.
Yumakap siya sa akin bago niya masayang ini-abot sa akin ang bulaklak na dala-dala niya para sa akin.
He is wearing his pilot uniform mukhang sumaglit lang talaga rito para bisitahin ako dahil panay rin ang tingin niya sa relo niya.
"How are you, Solene?" tanong niya sa akin. "You've been postponing our shoot in that brand, may nangyare ba?"
Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya na buhay ang anak namin ni Zeeian. It will take a while lalo na ang haba rin ng kwento tungkol sa totoong nangyare pamilya nila.
"It's a long story, Zend." natatawang sagot ko. "But, I am planning to retired in our industry and live a quiet life here in London."
Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. I have been contemplating about this for days now. It's a big decision kaya ayaw ko rin naman sanang madaliin ang pagdedecide.
"Why? Mukhang may nagpapabaliw na sayo rito sa London, ah?" natatawang tanong niya sa akin. "Who's the lucky, guy?"
Natawa ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya na nababaliw na naman ako sa taong dahilan din ng pagkabaliw ko dati.
After spending more time with her, doon ko lang narealize na hindi naman pala talaga nawala ang pagmamahal ko kay Zeeian, it's just that naging mas matimbang lang ang galit ko ng iwan niya kami at ng mamatay ang anak namin na nasagip pala niya.
Actions speaks louder than words but, action without words is confusing. Hindi ko alam kung yung ginagawa niya ba sa akin ngayon ay acting lang sa tuwing kasama namin ang anak naming dalawa o totoo na.
YOU ARE READING
Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)
RomanceSolene and Zeeian have been best friends since they were kids. They share everything-secrets, laughter, and adventures. Recently, Solene has started to feel differently about Zeeian. The hugs linger longer, and the jokes spark butterflies in her sto...