Solene Akasha POV
"Happy 4th birthday, anak ko." bati ko sa puntod ng anak ko habang nagsisindi ako ng kandila. Apat na taon na pala ang nakalipas magmula ng mawala ang anak ko pero yung sakit ay nandito pa rin. Bearable naman na ang sakit hindi na katulad dati na huminto rin ang oras at mundo ko ng mawala siya.
Nangmasindihan ko na ang kandila ay kumuha naman ako ng wipes sa loob ng bag ko para punasan at linisin ang lapida ng anak ko.
In loving memory of
Zeelene Akaishi Saavedra Bravo
"Pasensya na anak kung hindi ka palaging nabibisita ni nanay, ha? Marami kaseng work si nanay eh pero huwag kang mag-alala kase kahit isang beses ay hindi ka nagawang makalimutan ni nanay. You will forever be nanay's baby, okay?"
Sunod-sunod kase ang mga fashion shows na dinadaluhan ko sa nakalipas na mga buwan. Ako naman ang sumalo sa mga trabaho na nireject ni Iyah dahil sa pagbubuntis niya. Katulad ng sinabi niya ay itinago niya ito kay Calix hanggang sa manganak siya. Umuwi kase siya ng probinsya nila para roon magstay para iwas sa mga reporters.
At ngayon ay bumalik lang siya para umattend ng Baleatty Fashion Show. This will be her last show sabi niya at magreretiro na rin siya sa modeling at magfofocus na lang sa anak nila ni Calix. Wala namang nagbago sa desisyon niya, hindi pa rin alam ni Calix ang tungkol kay Caliyah. Isang intersex ang naging anak ni Iyah, akala nga namin ay lalaki pero nang-ipanganak niya ay doon lang namin nadiskubre na isa pala itong intersex.
"Aalis na si nanay, anak. May work pa kase si nanay eh pero promise ko pagkabalik ko rito sa Pilipinas dederetso kaagad sayo si nanay, okay? I love you so much, Zeelene. Nanay misses you so much."
Saktong pagtayo ko ay dumating ang angkas driver ko. Magmomotor na lang ako hanggang sa airport dahil pina-una ko na roon sila Iyah at Zendrick. Hindi ko naman kase pwedeng hindi bisitahin ang anak ko lalo na ngayong birthday niya.
It took us one hour bago ako nakarating ng airport. Nandon na lahat ng mga models at ako na lang pala talaga ang hinihintay. Hindi pa naman kami sa UK dederetso dahil may fashion show pa kaming dadaluhan sa States bago kami lumipad ng UK para sa Baleatty Fashion show.
"In five minutes ikaw na ang rarampa, Solene! Do your best, okay?" sabi ng Manager ko habang ang mga hair and make-up artists ko ay hindi na magka-undagaga sa pag-aayos sa akin ngayon.
"Go, Solene! Rumampa ka ng parang wala ng bukas!" sabay-sabay na sigaw nilang tatlo.
Katulad ng sabi nila ay rumampa ako ng parang wala ng bukas. I always walked as if it's my last for them to see that I really love what I am doing. I even winked at them while walking confidently at the runway.
But, before I could reach the end of the runway ay parang may naaninag akong pamilyar na mga mata. She is seating not so far away from the end. I know her eyes very well kaya kahit magface mask pa siya ay alam kong siya yun. Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa gawi na yun at nagpatuloy lang sa pagrampa at hindi nagpa-apekto sa presensya niya.
Matagal ko na siyang kinalimutan at kung akala niya ay may epekto pa rin siya sa akin... tama siya, meron pa naman.
Pagkabalik ko ng backstage ay nagsigawan na sila kaagad at inalalayan ako hanggang sa dressing room ko. This is what I love about my job as a professional model. May sarili na akong dressing room hindi katulad dati na sama-sama kaming mga newbie sa isa at maliit na dressing room.
"Magbihis ka na, Solene. Later na rin kase ang flight natin papuntang UK baka mapagod ka masyado." sabi ng manager ko bago lumabas ng room. Inabutan na rin ako ng damit na pampalit ng stylist ko kaya tumayo na rin ako para magbihis.
YOU ARE READING
Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)
RomanceSolene and Zeeian have been best friends since they were kids. They share everything-secrets, laughter, and adventures. Recently, Solene has started to feel differently about Zeeian. The hugs linger longer, and the jokes spark butterflies in her sto...