Chapter 6

3.3K 98 14
                                    

Solene Akasha POV


Halos tatlong araw na akong hindi nakakapasok sa university dahil sa sunod-sunod na photoshoot at paghahanda para sa nalalapit na Philippine Fashion Week na dadaluhan ko.


Linggo ngayon at bukas na ang simula ng Philippine Fashion week kaya isang linggo na naman akong hindi makakapasok. Nagpaalam naman na ako kay Mr. Ashford kaya may mga special quiz or exam naman ako para makahabol sa mga missed activities ko.


Imbis na magpahinga at maghanda para roon ay naisipan ko na lamang na maglaba at maglinis ng buong bahay. Isang linggo akong hindi makakauwi kaya ngayong araw na ako maglilinis. Tapos na rin naman ako sa mga special activities na pinagagawa sa akin sa iba't-ibang mga subjects ko para makahabol ako sa mga missing activities ko, mabuti na lang at nandiyan si Zeeian para turuan at tulungan ako.


"SoleeeeeEeNnnnne!" pumiyok na sigaw ni Iyah mula sa labas ng bahay.


Nagtungo ako sa gate para pagbuksan siya ng pinto. Nakangiti lamang siyang nakatingin sa akin habang may hawak na isang bag na punong-puno ng maruruming damit niya.


"Sasamahan kita maglaba, Sol." sabi niya at dumere-deretso na sa labahan.


Dito lang naman kami naglalaba sa labas malapit sa gate dahil hindi pa naaayos ni Kuya Seve ang gripo sa likod. Palagi kaming ganito ni Iyah, paglalaba na ata ang bonding naming dalawa tuwing weekend.


Naupo na ako sa tabi niya at nagsimula ng magkusot ng mga maruruming damit ko at ganun din siya. May speaker malapit sa pintuan ng sala na nakaconnect sa phone ko kaya hindi naman masyadong boring.


"Sol, alam mo na ba ang bagong chika?" tanong niya sa akin habang nagkukusot na rin ng damit niya.


"Hindi pa, ano yun?" kunot-noong sagot ko.


"Hindi pa naman sure kung Zeeian ba talaga ang tinutukoy pero may bago na naman daw babae 'yang best friend mo. Base sa chismis sa Saint John University daw nag-aaral yung babae." chismis niya sa akin.


Halos linggo-linggo naman may ganyang balita tungkol sa kaniya kaya hindi na ako nagugulat pero minsan hindi ko rin maiwasang masaktan kapag nali-link siya sa iba't-ibang babae from other universities.


"Ahh." sagot ko kay Iyah at nagpatuloy na lang sa paglalaba ng damit ko.


"Tignan mo ito, Sol." turo niya sa cellphone niya.


Isa itong litrato ng dalawang babae na mukhang kalalabas lang galing sa isang motel malapit sa u-belt. Maganda naman yung katawan nung babae halatang mga type niya talaga. Nakahawak yung babae sa baywang ng isang babae base sa litrato habang nakangiting nakatingin sa isa't-isa. Hindi ko masyadong maaninag kung si Zeeian ba talaga ang nasa litrato dahil malabo siguro dahil gabi ito ng kunan pero galing ito sa account ng University Belt Secret Files kaya sigurado akong may posibilidad na totoo nga na siya ang nasa post nila.

Karamihan kase sa inilalabas nilang chika ay totoo. Minsan dinedeny pa ng mga biktima pero after ng ilang mga buwan ay lumalabas din ang katotohanan na tama ang bintang ng page na ito.


Pinunas ko ang basang kamay ko sa shorts ko at kinuha ko ang cellphone ni Iyah. Tinignan ko ang ibang mga comments ng mga tao tungkol sa issue.


Chua-Ashford Junior Basketball Team Captain: Zeeian Bravo and Saint John University Queen Bee: Bernadett Ramos was caught leaving U-belt Inn last night.


"Parang linggo-linggo na lang iba-iba yung kinakama niyang babae. Napakababaero talaga."

"Napakababaero eh ang sabi maliit naman daw kargada niyan."

Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)Where stories live. Discover now