Solene Akasha POV
"Miss Saavedra, one more time. . ." rinig kong sabi nung isang photographer sa may kabilang side habang walang sawa akong kinukunan ng ibang mga photographers sa may entrance ng red carpet. I immediately looked at his direction para makakuha rin siya ng magandang shot.
"Thank you, Miss Saavedra."
I immediately felt a sting in my ears when I heard him calling me using my maiden name.
"It's 'Mrs. Bravo'." Paglinaw ko. I even showed them my wedding ring just for them to know that I am already married.
I was invited to an international Halloween party kaya nandito ako ngayon sa ibang bansa to attend. Ayaw ko sanang tanggapin iyong invitation nila sa totoo lang dahil mas gusto kong makasama ang mga anak at ang asawa ko ngayong holiday break but, they insist na dumalo ako since, I declined every invitation I received for the past months now.
I went here as Carrie White from the movie Carrie. Sila Soleir at Soleil ang pumili ng character ko habang si Skye naman ang nagdesign ng susuotin ko. Wala namang naging comment si Zeeian sa suot ko dahil alam niyang kung ako ang papipiliin ay gusto kong maging si Rapunzel.
"Thank you so much for coming, Mrs. Bravo. It's such an honor for us to have you here right now as our special guest. . ."
After the Halooween party ay deretso uwi kaagad ako ng Pilipinas dahil I want to spend my birthday together with my wife and our kids.
Dati noong bata pa lang ako ay sobrang kina-iinisan ko ang petsa ng kaarawan ko. November 3 was still known as part of All Soul's Day kaya palaging walang pasok kapag birthday ko at hindi ko man lang tuloy naranasang makantahan sa klase ng Happy Birthday na palagi kong ikinalulungkot.
Pero ngayon, sobrang saya ko sa tuwing dumarating ang petsa ng kaarawan ko dahil palaging kumpleto ang pamilya ko tuwing sasapit ang kaarawan ko. Wala akong kaagaw sa oras at atensyon ng asawa at mga anak namin, they will happily spent all of their time with me that made me feel so special!
Inihatid ako ng manager ko papa-uwi ng bahay dahil wala namang susundo sa akin sa airport. May trabaho kase ang asawa ko sa airport at ayaw ko naman siyang maghintay pa sa akin habang ang mga anak naman namin ay bumiyahe pa lang kanina pauwi ng Isla del Bravo para sa long holiday.
Nang ibaba ako ng manager ko sa tapat ng bahay ay kotse kaagad ni Zeeian ang bumungad sa akin. Siguro kauuwi pa lang niya dahil medyo mainit pa iyong kotse niya kaya may naisip na naman tuloy akong kalokohan since Halloween pa rin naman.
Pagkapasok ko ng bahay ay wala akong naabutan na kahit sino sa loob. Skye is probably watching kdrama inside her room habang ang kambal naman ay paniguradong naglalaro rin ng computer games sa kwarto nila.
Inilapag ko ang mga bagahe ko sa tabi ng sofa sa may sala at kinuha sa loob iyong puting kumot na binili ko pa sa ibang bansa. I also removed my clothes leaving me with just my light pink lingerie that Zeeian personally pick in case we did it.
Itinaklob ko iyong kumot sa akin pero sobrang iksi lang pala nito kaya itinaklob ko na lang iyon sa katawan ko na parang robe bago ko isinuot iyong scary mask na binili ko kanina sa may daan.
Sa itsura ko ngayon ay parang hindi gulat ang mararamdaman ni Zeeian kapag nakita ako lalo na at hindi ko maitago ang dalawang dibdib ko dahil sa liit ng kumot na nabili ko! Pero bahala na, ang importante lang naman sa akin ay ang mainis ko siya ngayong gabi.
Dahan-dahan akong umakyat papunta ng kwarto naming dalawa. Pinagpapawisan ang buong katawan ko dahil sa nerbyos na baka ako pa ang gulatin niya. Kinakabahan din ako dahil baka maabutan ako bigla ng mga anak namin na nakaganito!
YOU ARE READING
Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)
RomanceSolene and Zeeian have been best friends since they were kids. They share everything-secrets, laughter, and adventures. Recently, Solene has started to feel differently about Zeeian. The hugs linger longer, and the jokes spark butterflies in her sto...