Zeeian Kai POV
"Zeeian, may gusto ka ba sa anak ko? kay Asha?" Nagulat ako ng bigla itong itanong ni Tita-nanay sa akin. Nag-aayos lamang kaming dalawa ng mga paninda namin para mamaya habang ang magkapatid naman ay inaayos na ang ihawan at lamesa sa labas ng bahay.
"Tita-nanay.."
"Gusto kita para sa anak ko, Zeeian." nakangiti niyang saad.
"Pwede ko na po ba siyang maging girlfriend?" mabilis kong tanong sa kaniya.
"Bata pa kayo, yan-yan. Marami pa kayong kailangan matutunan sa buhay. Ang pakikipagrelasyon ay hindi parang bagong lutong isaw na pwede mong idura na lang bigla kapag napaso ka." pagpapaliwanag niya.
"Nawawala naman po ang init kapag sinawsaw ko sa suka, tita-nanay." nagtatakang sagot ko.
"Bata ka pa nga talaga." natatawa niyang saad.
"Hindi na po! Malaki na nga po ang toot-toot ko eh." depensa ko. Hinampas niya lang ang braso ko habang tumatawa.
"Gusto kita para sa anak ko, yan-yan. Alam kong aalagaan mo siya kapag nawala na ako. Mas magiging panatag ako kapag nanatili ka lang muna sa tabi niya.... bilang isang kaibigan." seryosong saad ni tita-nanay.
"Nawala? Saan po kayo pupunta? Pwede po ba akong sumama?" tanong ko na ikinatawa niya lang.
"Aalagaan mo ang anak ko, ha? iisantabi mo muna ang nararamdaman mo para sa kaniya dahil hindi pa ito ang tamang panahon para sa ganiyan." paalala niya. "Kailan po ang tamang panahon, tita-nanay?" nagtatakang tanong ko.
"Kapag nakapagtapos na kayo ng pag-aaral ninyong dalawa. Ayos lang sa akin kung mamahalin mo ang anak ko pero sa ngayon, patago na lang muna. Isikreto mo na lang muna ang nararamdaman mo para sa kaniya." sagot niya.
"Kapag nakagraduate na po kami, pwede ko na po ba siyang pakasalan kaagad?"
"Ligawan mo naman muna ang anak ko!" sigaw niya habang tumatawa.
Katulad ng sinabi ni Tita-nanay ay isinantabi ko na muna ang nararamdaman ko para kay Solene. Tama siya, bata pa kami para roon at napakarami pang pangarap ang gustong abutin ni Solene bago pumasok sa isang relasyon.
Kuntento na rin naman ako sa kung ano ako sa buhay niya. Hindi naman mahirap na iisantabi ang nararamdaman ko dahil wala naman akong kaagaw sakaniya, may mga nagkakagusto naman sa kaniya pero tinatakot ko na rin kaagad bago pa ako maunahan.
Sinusuportahan ko lang siya sa pag-abot niya sa pangarap niya, ang maging isang modelo. Maganda si Solene, maamo ang kaniyang mukha, matangkad din siya mga nasa 5'5 ang height niya, maganda rin ang pangangatawan niya dahil alaga niya talaga ang sarili niya, maputi rin ang balat niya wala ngang kahit isang peklat ang balat niya.
"Hello, everyone! I am Solene Akasha Saavedra. Representing, Grade 10-Zeal!" Malakas na hiyawan lang ang rinig ngayon sa buong gymnasium.
Hindi ko alam kung ilang beses ko na bang nakita si Solene na lumalaban sa mga contests pero hindi ko pa rin maiwasang matulala sa ganda niya sa tuwing rumarampa siya sa stage.
Sobrang supportive nga rin nila momma at mommy sa kaniya dahil sila mismo ang nag-asikaso sa mga susuotin at mag-aayos kay bal sa tuwing may sinasalihan siyang competition.
Madalas din kase siyang sumali sa mga beauty pageants inside or outside the school. As long as my cash prize or bawas sa tuition fee ay sinasalihan niya para lang makatulong kay tita-nanay at kay kuya Seve.
At sa lahat ng sinalihan niya ay palagi akong nandoon para suportahan siya. Kahit mga pinsan ko ay palagi ring nakasuporta kay Solene.
Ganun siya kamahal ng buong pamilya ko.
YOU ARE READING
Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)
RomanceSolene and Zeeian have been best friends since they were kids. They share everything-secrets, laughter, and adventures. Recently, Solene has started to feel differently about Zeeian. The hugs linger longer, and the jokes spark butterflies in her sto...