Zeeian Kai POV
"Mommy?" pagtawag ni ate ng makapasok na siya sa room nila momma at mommy.
Nakahiga lang sa may kama si mommy habang nakasara lahat ng blinds sa loob ng kwarto. Walang kahit isang ilaw ang nakabukas kaya hindi namin maaninag ang itsura ni mommy ngayon.
"I'm fine. Go to school na." bakas ang lungkot sa boses ni mommy kaya imbes na sundin siya ay pumasok kaming tatlo para lumapit at yumakap kay mommy.
"Everything will be fine, mommy. Babalik din si momma." sabi ni Kuya na mas nagpa-iyak pa kay mommy.
I just kept my mouth shut while crying silently beside them. Alam kong ako ang may kasalanan kung bakit umalis si momma. It was my fault dahil hindi ko naman alam ang pinagdaanan ni momma noong mga panahon na 'yun.
At ngayong alam ko na ang totoo lalong-lalo na ang ginawa ni daddylo noon ay hindi ko maiwasang hindi sisihin ang sarili ko. I know I hurt momma so much with my chosen words and all I can do now is to apologize to her.
Ilang araw ang lumipas at wala pa ring balak si momma na umuwi habang si mommy naman ay nagkukulong pa rin sa kwarto at walang sawang umiiyak.
Every time ate and kuya will try to talk to mommy ay hindi nila ako sinasama ng dalawa. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayare at ang tanging naririnig ko lang ay ang salitang 'divorce'.
Para akong nababaliw sa kai-isip kase alam kong kasalanan ko ang lahat ng mga nangyare. Kasalanan ko kase nakielam pa ako sa away nila. Kung hindi lang kase ako nagsalita baka hindi umalis si momma at baka hindi ganito ang pamilya namin.
"What's your problem, dude?"
"Ikaw ang bumangga sa akin!" sigaw ko sa isang lalaki na nakabanggaan ko sa corridor.
"Yabang mo, ah? Ikaw na nga nakabangga ikaw pa galit!" sigaw niya pabalik sa akin.
Dahil sa inis ko ay tinulak ko siya papalayo sa akin at naglakad na papa-alis ng bigla ulit siyang nagsalita.
"Palibhasa kase yumaman lang dahil sa pamemeke ng mga construction materials. Akala mo naman kung sino eh mga nanloloko lang naman ng mga tao para kumita."
I heard everyone's gasp when they heard what he said. Binitawan ko ang bag na dala-dala ko at patakbo akong pumunta sa kinaroroonan niya para sapakin siya.
Sunod-sunod na sapak ang pina-ulanan ko sa mukha niya na maski ang mga taong umaawat sa amin ay pinagsusuntok ko. Puro dugo na niya ang nasa uniporme ko pero patuloy pa rin ako sa pagsapak sa matigas niyang mukha.
Bawat sapak na ginagawa ko ay parang nakakabawas sa bigat na nararamdaman ko. I've been bottling up my emotions for a long time now dahil maski ang relasyon naming dalawa ni Solene ngayon ay hindi maayos.
Mabuti na rin siguro yun para hindi na niya problemahin pa ang problema ko at para hindi na rin malagay sa peligro ang buhay niya. Maybe Zendrick is really the right guy for her at hindi talaga ako.
"Miss Bravo, pangatlong offense mo na ito for this week!" sabi ng guidance officer sa akin.
Kasama ko si mommyla ngayon dito habang nasa tapat ko naman ang lalaking nabugbog ko kanina. Hindi ko na nga siya makilala dahil sa itsura niya ngayon dahil parang naligo na siya sa sarili niyang dugo.
"Ma'am, we can talk it privately naman po. Kauusapin na lang po namin ang anak namin tungkol dito." sabi nung magulang nung lalaki sa guidance officer.
Ang hinahon ng boses niya hindi katulad kanina pagkapasok niya na galit na galit siya ng makita niya ang lagay ng anak niya siguro dahil napagtanto niya ring isang Bravo ang naka-away ng anak niya kaya nagpapakumbaba siya.
YOU ARE READING
Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)
RomanceSolene and Zeeian have been best friends since they were kids. They share everything-secrets, laughter, and adventures. Recently, Solene has started to feel differently about Zeeian. The hugs linger longer, and the jokes spark butterflies in her sto...