Chapter 62

7.5K 217 22
                                    

Solene Akasha POV

Nagising ako dahil sa isang malakas na tunog mula sa cellphone ni Zeeian, hindi lang iyon basta phone it was her emergency phone. Ang sakit ng katawan ko pero pinilit ko iyong sagutin dahil baka si Skye ang tumatawag.

Pero bago ko pa man maabot ang cellphone ni Zeeian ay nakita ko sa side table ang isang baso ng tubig at ngayon lang pumasok sa isip ko yung birth control pills ko.

I wasn't able to take it last night! Nawala kase sa isip ko tapos nakatulog din kaagad ako sa sobrang pagod pagkatapos.

It's probably late pero I still drink it dahil hindi pa talaga ako ready masundan si Skye.

I want to plan it very well this time. Gusto ko pang magkaroon ng kahit kaunting oras pa para makabawe sa anak ko sa tagal kong nawalay sakaniya.

"H-hello, baby?"

"Nanay, where are you and momma? Are you on your way home na?"

Nagulat ako ng sumagot si Skye, pasigaw ang pagkakasabi niya mukhang excited na umuwi kami ng momma niya.

"Momma is still sleeping, baby. Mamaya uuwi na rin kaming dalawa, okay?" kalmado kong sagot sakaniya.

I looked at Zeeian who is still sleeping beside me mukhang napagod ata masyado sa ginawa namin kagabi.

"Okay, nanay. Skye will wait for you and momma."

"Okay, baby. I love you."

"I love you more, nanay. And momma, I love momma, too."

Hindi mawala ang mga ngiti sa labi ko sa tuwing nagiging sobrang vocal ni Skye sa amin ng momma niya. Sobrang napalaki talaga siya ni Zeeian nang mabuti kahit minsan ay sobrang maldita at arte ni Skye.

Nabigla ako ng may biglang humatak sa akin. "Good morning, bal."

It was Zeeian. Nakapikit pa rin siya pero hindi maalis ang mga ngiti sa labi niya habang yakap-yakap niya ako. Both of us are still naked kaya kitang-kita ko ang mga kiss marks at mga kalmot sa balat niya.

That was a great night to be honest. Halatang-halata na tigang siya for the past couple of years that we were away from each other.

Kaya ngayon wala ng duda sa akin na ako nga talaga ang una at huli niya. Halatado naman kase.

"Bal?" nakapikit na tawag niya sa akin.

"Hm?" I answered.

"I love you." she whispered. "I love you so much." then she kissed me on my forehead.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at parang nanlamig din ang buong katawan ko sa narinig ko.

Ito ata ang unang beses na sinabi sa akin ni Zeeian out of nowhere ang mga salitang iyon sa akin.

"W-what did you just say, bal?" hindi makapaniwala kong tanong.

Dumilat siya at deretsong tumingin sa akin.

"Mahal kita, Bal. Mahal na mahal na mahal kita."

Hindi ko na napigilang ma-iyak dahil sa saya.

Finally, after years of hiding our feelings to each other ay nasasabi na namin ni Zeeian ang gusto naming sabihin sa isa't-isa. Wala na kaming kailangan pang itago sa isa't-isa.

"I love you, too, Zeek. Mahal na mahal na mahal din kita." I answered making her smile even wider.

"Are you still mad at me, bal?" tanong ko sakaniya.

Hindi siya sumagot at seryoso lang na nakatitig sa akin. "Kaya ko pa namang umibabaw sa'yo hanggang sa mapatawad mo 'ko."

Nagulat siya ng marinig ang sinabi ko pero mabilis din iyong napalitan ng nakakalokong ngiti. "One more round, bal?"

Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)Where stories live. Discover now