Chapter 54

4.7K 142 11
                                    

Zeeian Kai POV

Pagkarating ko ng bahay galing sa trabaho ay ipinark ko kaagad ang kotse ko sa garahe bago ko kinuha ang mga gamit ko sa compartment. Isang itim na maleta lang naman yun dahil hindi naman ako kumukuha ng flight na malayo dahil may anak akong naghihintay sa akin na umuwi.

Imbis na sa main door ako dumaan ay sa mas pinili kong sa gilid dumaan dahil alam kong nandoon si Skye ngayon. Oras na kase ng playtime niya kaya sigurado akong doon niya ako hinihintay.

Bago pa man ako makalapit sa may swimming pool area ay huminto na muna ako para buksan ang bagahe ko para kunin ang pasalubong ko sa kaniya.

Isa itong Olaf na stuff toy. Paboritong-paborito kase ni Skye ang movie na Frozen lalong-lalo na si Olaf. Ilang beses niya rin pina-alala sa akin ang pasalubong na ito kaya sigurado ako na magugustuhan niya ang binili ko.

Isinara ko na ulit ang bagahe ko ng makuha ko si Olaf bago ako naglakad ulit patungo sa pool area. Nakatago lang si Olaf sa may likuran ko habang naglalakad dahil gusto kong surpresahin ang anak ko.

Pero mukhang ako ang nasurpresa sa nakita ko ngayon na halos nagpatigil sa tibok ng puso ko ng makita ko si Skye na lumulutang mag-isa sa may pool. Nasa 6ft siya na parte ng pool, nakapikit at walang kahit na sinong matanda siyang kasama.

"Skye!"

Walang pagdadalawang isip akong tumalon sa pool para kuhain ang anak ko. Parang tumigil bigla ang oras ko pero nagmamadali pa rin akong sumisid sa pool suot-suot ang pilot uniform ko para ihaon ang anak ko.

"Skye!" naiiyak na saad ko.

Chineck ko kaagad ang vital signs niya habang buhat-buhat ko siya pero laking gulat ko ng bigla itong dumilat at masama lang na tumingin sa akin.

"Skye, are you okay-"

"Momma! I am relaxing! You ruined my peaceful moment." aniya.

Relaxing? Sa 6ft pa talaga ng pool area niya naisipang magrelax! At kasalanan ko pa talaga?

"Anak, 6 feet itong pool. Are you aware that what you did is dangerous?" mahinahong tanong ko sa kaniya.

"I know how to swim, momma. Zeejei hotdog taught me how to swim." confident niyang sagot sa akin.

I know Kuya is a good swimmer pero hindi maalis sa isip ko yung mga pwedeng mangyare sa anak ko kung hindi ko siya nakita na mag-isang lumulutang sa pool.

"You know your pilot uniform is not the proper swimming attire, right?" aniya.

Natawa ako sa sinabi niya dahilan para umurong ang mga luha sa mga mata ko.

"I jumped here when I saw you floating alone, Skye." I stated almost crying. "I am so worried, anak."

"I'm sorry, momma. Please, don't cry." pagpapatahan niya sa akin.

Mahigpit na yumakap si Skye na nagpakalma sa akin. Saktong dumating si Kuya na may dala-dalang banana cake na mukha kaluluto lang.

"Oh? Bakit ka nagsi-swimming ng nakaganiyan?" tanong ni kuya sa akin.

"Pisti ka! Iniwan mong mag-isa ang anak ko sa pool!" sigaw ko kay Kuya na ikinatawa lang niya.

"She knows how to swim, yan-yan. Hindi 'yan malulunod. Tignan mo."

Pumunta siya sa dulo ng pool sa may bandang 3ft bago tinawag ang anak kong nakayakap sa akin ngayon. Mabilis na umalis si Skye sa pagkakayakap at lumangoy na papunta kay Kuya na naka-abang ngayon sa kabilang dulo.

"See?" nakangising sabi niya. "Very Good, Skye, dahil diyan here's your banana bread and chocolate milk!"

---

Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)Where stories live. Discover now