Zeeian Kai POV
"Ma," pagtawag ko kay momma na kanina pa buhat-buhat si Skye. Walang sawa niya itong kinaka-usap na akala mo ay nagkakaintindihan silang dalawa.
Dahan-dahan niyang inihiga ulit si Skye sa hospital bed bago niya ito pinadede. Nang unti-unti ng pumipikit si Skye ay tumayo na siya para ayusin ang mga gamit niya para umuwi.
Medyo naging maayos naman na kase ang lagay ni Skye nitong nagdaang mga linggo. Ang sabi ng doctor ay kailangan lang ng check-ups every week para mamonitor ang lagay ng anak ko at hindi naman na raw kailagan na magstay pa kami rito.
"Save your explanations, yan-yan. Ihanda mo 'yan para sa mommy mo." sabi niya at tinapik pa talaga ang balikat ko bago tuluyang lumabas sa room.
Palihim lang kase ang pagdalaw niya rito sa ospital. May kasa-kasama siya palagi tuwing umaalis para alalayan siya dahil hindi niya pa gaanong naigagalaw at nararamdaman ang lower body niya.
As of now ay si momma pa lang ang nakaka-alam tungkol sa anak ko. Maski sila Kuya at Ate ay wala pang kaalam-alam sa nangyayare sa buhay ko. At ngayon ang araw na iuuwi ko si Skye sa bahay namin dito sa United Kingdom.
Nauna ng umalis si Momma dahil ayaw niya raw madamay sa magiging away namin ni mommy pagka-uwi. Alam ko naman na yun na si mommy ang pinakamagagalit kaysa kay momma.
Pero kahit wala akong narinig na kahit isang masakit na salita galing kay momma ay ramdam na ramdam ko pa rin ang disappointment niya sa akin.
Mas lumamang lang siguro ang pagmamahal niya sa apo niya kaya kahit papaano ay hindi ko masyadong ramdam ang pagkadismaya niya sa akin.
Nang maubos ang gamot na nakasaksak sa anak ko ay isa-isa ko na ring inayos ang mga gamit naming dalawa. Hindi pa kase ako umuuwi sa amin magmula pa noong umuwi ako ng Pinas. Tanging ang katiwala lang ni Momma ang nagdadala ng mga gamit ko rito sa ospital.
Inilagay ko lahat ng mga gamit namin ni Skye sa may sofa bago ko siya dahan-dahang binuhat. Hindi naman ganun kaalagain si Skye, hindi siya iyakin at hindi rin siya mahirap patulugin. As long as ako ang nagpapatulog sa kaniya ay agad-agad din siyang nakakatulog nang mahimbing.
"We're going home now, baby. Are you excited, hmm?" tanong ko kay Skye habang naglalakad na kami papalabas ng hospital.
Ang mga gamit naming dalawa ni Skye ay bitbit ng driver namin na sumundo sa aming dalawa. Nagdadalawang isip pa nga ako kung uuwi ba kami o hindi dahil natatakot ako na baka hindi ko mabantayan nang maayos ang lagay ni si Skye kapag nasa bahay na kami.
Nasa sasakyan pa lang kami ni Skye papa-uwi ay naiiyak na kaagad ako sa magiging reaksyon ng pamilya ko. Ang dami kong naiisip na pwedeng mangyare at walang kahit ni-isa roon ang positibo, na magiging masaya sila kapag nakita ang anak ko.
Iniisip ko na lang na sana kung magalit man sila ay huwag na sana nilang idamay ang anak ko. Ayaw kong maramdaman ng anak ko na hindi siya welcome sa pamilya namin.
Habang papalapit kami nang papalapit sa bahay ay pabilis naman ng pabilis ang tibok ng puso ko but, every time I look at my daughter ay parang kumakalma ang sistema ko.
Nang makarating kami ay tanging si Skye lang ang bitbit ko pati na rin ang mga gamit niya. Ang mga gamit ko ay iniwan ko na muna sa loob ng sasakyan.
Mabibigat ang bawat paghakbang ko habang papalapit ako nang papalapit sa bahay. Pagpasok ko ng bahay ay naka-abang silang lahat sa pagdating ko.
Bakas ang gulat sa kanilang mga mukha syempre maliban kay Momma na alam na. Kumpleto silang lahat dito sa bahay maski si Calix na ngayon lang ata umuwi ay nandito rin at gulat na gulat na nakatingin sa akin.
YOU ARE READING
Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)
Roman d'amourSolene and Zeeian have been best friends since they were kids. They share everything-secrets, laughter, and adventures. Recently, Solene has started to feel differently about Zeeian. The hugs linger longer, and the jokes spark butterflies in her sto...