Solene Akasha POV
At dahil nakabalik na kami ng Pilipinas ay araw-araw na naman namin haharapin ang traffic sa tuwing magpupunta kami ng company. Hindi ko alam kung ilang oras na ba kaming naririto sa loob ng sasakyan. Ang isang oras na byahe ay halos magta-tatlong oras na dahil sa traffic.
"Manong, paki-open naman po ng stereo, bored na bored na po kase ako." utos ni Iyah sa driver namin.
"Pasensya na po, Ma'am, pero bawal po magsound trip kapag nandito si Ma'am Solene." magalang na sagot sa kaniya ng driver ko.
First rule ko kase 'yun, ayaw na ayaw kong nakakarinig ng music dahil matagal ko ng binaon sa limot yun at sa tuwing nakakarinig ako ng musika ay may nanunumbalik lang na sakit sa puso ko.
"I-it's okay, Manong." sagot ko kaya binuksan niya na rin kaagad ang stereo na mabilis ko ring pinagsisisihan.
"Nice timing!" mapang-asar na sigaw ni Iyah at kiniliti pa ang tagiliran ko.
"Umiiyak gabi-gabi, walang tinig na naririnig
Nakikipaglaban sa digmaan na talunan, hanggang kailan?
Talo na, pagod na, akala ko ika'y sa akin pa, pero hindi na pala
Wala na nga ba talaga?~"
Ito ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw kong nakikinig ng music lalo na kung stereo or radio lang kase alam kong may malaking chance na marinig ko ang boses ng taong matagal ko ng binaon sa limot dahil up until now alam kong maganda pa rin ang career niya rito sa Pinas.
"Kung kalungkutan ko'ng kaligayahan mo, kung ang paggapos ko'y paglaya mo
Kung ang sugat sa puso ko'ng siyang lunas diyan sa puso mo, paano na ako?
Magpaparaya ba? Pa-papakawalan na lang ba kitang buo sa loob?~"
Her voice was so sad or is it just that the song is a sad song? Pero kahit ano pa man sa dalawa ay wala na dapat akong pakielam sa nararamdaman niya.
She is now just a stranger to me just like what I am to her now, a stranger with memories.
"Humahagulhol, ngunit wala namang nakikinig
Walang magandang pupuntahan kailanman ang maling pag-ibig, oh
Kaya ngayon, pipiliin ko muna ang aking sarili bago magmahal muli
Magmamahalan pa kaya? Magmamahalan pa kaya tayong muli?~"
Ramdam ko ang mga nakaw na tingin nila Iyah na nasa tabi ko at ng driver ko na nasa harap. I tried my best na hindi magpa-apekto sa boses niya na maayos ko naman atang nagagampanan.
Ang tagal matapos ng kanta, papalapit na kami sa company pero boses pa rin niya ang naririnig ko.
"Gusto ko nang bumitaw
Hindi kita mabitawan
Mahal pa rin kita
Gusto ko nang bumitaw~"
Gusto ko ng ipasara ang stereo pero ayaw ko namang magtunog bitter. Matagal na ang mga pangyayare at hindi na dapat ako naaapektuhan pa pero bakit may sakit pa rin sa dibdib ko? bakit parang naaapektuhan pa rin ako?
"Pipiliin na ang sarili
Bibitaw, bibitaw na~"
Isang luha ang tuluyan ng tumulo ng marinig ko ang huling linya. Agad-agad ko rin yung pinunasan bago pa mapansin ni Iyah dahil alam kong magagalit na naman yun kapag iniyakan ko na naman ang isang katulad niya.
YOU ARE READING
Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)
RomanceSolene and Zeeian have been best friends since they were kids. They share everything-secrets, laughter, and adventures. Recently, Solene has started to feel differently about Zeeian. The hugs linger longer, and the jokes spark butterflies in her sto...