Chapter 58

5.9K 230 23
                                    

Solene Akasha POV

Mahimbing pa rin na natutulog ang anak ko sa bisig ko kaya dahan-dahan kong inialis ang pagkakayakap niya sa braso ko at inilipat yun sa unan. Tinitigan ko muna ang anak ko at hinalikan sa noo bago ako sumunod kay Ate Zeej papalabas ng kwarto.

"Ate.." pagtawag ko. Bakas ang lungkot sa mga mata ni Ate Zeej siguro dahil sa tinanong ko kanina sa kaniya pero nawala rin kaagad yun ng yakapin niya ako nang mahigpit.

"Take everything slowly, Kash. Hindi naman kailangan maintindihan mo ang lahat agad-agad. Paki-usap ko lang sa'yo na sana, sana huwag kang magalit kay Khione, hindi naman niya ginusto ang mga nangyare sa amin noon, walang may gustong mangyare yun." bulong niya habang nakayakap siya sa akin.

Nangkumalas siya sa pagkakayakap ay naglakad na kami pababa kung nasaan si Ate Z. Nakita ko siyang naka-upo sa may garden habang sinusubuan siya ni Ate Alora ng strawberries.

"A-ate.." na-iiyak na tawag ko sakaniya.

Hindi ko alam ang dahilan pero may feeling ako na hindi naman magagawa ni Ate Zianah na paglayuin kaming dalawa ni Zeeian. Kung ano man ang rason na maririnig ko mula sa kaniya alam kong wala siyang control sa nangyare sa kanila noon. Naniniwala ako kay Ate Zianah.

"K-kash.." malungkot na saad niya. Mabilis akong sinalubong ng yakap ni Ate Alora.

"Kash... Huwag ka sanang magagalit sa asawa ko, hmmm? We had a very hard time getting pregnant kaya ingat na ingat kaming lahat sakaniya ngayon. Please, kung galit ka ako na lang.." na-iiyak na bulong niya sa akin habang nakayakap.

"Ate naman.. Magalit man ako o hindi kay Ate Z, hindi ko naman magagawa na saktan siya physically." sagot ko.

"I'm happy you're now here." bulong niya bago kumalas sa pagkakayakap.

"Mag-usap na kayo, aalis na muna kami. Kash, ha? Hon.. Call me if you need me, okay?" huling paalala niya bago siya hilahin ni Ate Zeej papasok dahil mukhang wala talaga siyang balak iwan ang asawa niya kasama ko.

"Kash.." tawag ni Ate Z sa akin habang nakahawak sa tiyan niya. Hindi ko maiwasang hindi masaktan ng maalala kong wala si Zeeian sa tabi ko noong nagbubuntis ako kay Skye. Wala siya para alagaan ako katulad ng pag-aalaga ni Ate Alora kay Ate Zianah.

"A-ang laki ng tiyan mo, ate. Noon sa akin maliit lang, hindi halatadong buntis ako kay Skye." naiiyak na kwento ko sakaniya.

"Silly, Triplets ang nasa loob ng tiyan ko." natatawang sagot niya. "Totoo ba, ate?" hindi makapaniwalang sagot ko pero tango lang ang isinagot niya sa akin habang tumatawa.

"We tried having IVF procedure since, naapektuhan ang reproductive system ni Alora dahil sa... nangyare sa amin noon.. May PCOS din ako kaya sobrang hirap kaming makabuo. I got pregnant twice pero pareho silang... nawala sa amin.. It took us more than two years bago ako mabuntis ulit naturally.. At sa awa ng Diyos, ibinalik naman niya sa amin ang dalawang anak namin kaya triplets sila.." naiiyak na kwento niya sa akin.

"W-what happened to Ate Alora, Ate Z?" nagtatakang tanong ko. Alam kong connected 'yun sa nakaraan, kung bakit umalis si Zeeian at kung bakit niya ako iniwan mag-isa.

"I was... I was abducted, Kash.." lumuluhang panimula ni Ate Z na ikinagulat ko.

"W-what? W-why? Who?" sunod-sunod na tanong ko.

"Mommy had this ex-suitor of her who was still crazy about her.. He abducted me that night para gumanti kay Momma.. He almost raped me too at nandun sila Daddylo and Miss Messina who were just watching him molesting me." hindi niya na napigilan ang sarili niya at mas lumakas pa ang iyak niya.

Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)Where stories live. Discover now