Solene Akasha POV
Sembreak namin ngayon dahil katatapos lang ng final exam namin for the first semester. Isang semester na lang at ga-graduate na kami ni Zeeian sa Senior High School at magco-college na kami. Binigyan kami ng isang linggong pahinga bago mag-umpisa ang second semester. Mayroon na nga kaming subject na research na mukhang magpapa-iyak sa akin ngayon. Mayroon ding nadagdag na subject na si Mr. Ashford talaga mismo ang naglagay.
Marriage and Family Life.
Hindi naman ako nakakaramdam ng kaba sa subject na ito siguro kaunti lang dahil Marriage pa lang naman ang nararanasan ko dahil wala pa atang balak si Zeeian sa family life, eme.
Mas lalo ring naging busy si Zeeian kahit wala namang pasok dahil halos buong araw silang nagte-training sa school. Gusto kase nilang mapanatili ang korona sa CAU lalo na sa Junior Basketball Team na undefeated pa rin.
Bumangon na ako ng kama ko dahil maga-alas kwatro na ng hapon. Ang sama kase ng pakiramdam ko hindi ko alam kung bakit. Siguro ngayon lang siya lumabas dahil busy ako noong mga nakaraang linggo.
Nangmagbanyo ako ay nalaman ko na ang rason kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Araw pala ng dalaw ko ngayong buwan kaya mas lalo tuloy sumama ang pakiramdam ko. Isa na lang ang napkin na naririto sa banyo at wala si Kuya Seve para bilhan ako. Hindi rin naman ako makalabas dahil sa dysmenorrhea ko. Pagkatapos kong magpalit ay tumungo na ulit ako sa kama para mahiga. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Zeeian, sakaniya na lang ako magapapabili.
To: Bal 🫶🏼
Bal, pwede mo ba akong bilhan ng napkin isang balot tsaka may wings, ha?
Pagkasend ko non ay ipinikit ko na ang aking mata. Itutulog ko na lang itong sakit ng puson ko kaysa tiisin ko. Ang hirap maging babae. Ano kayang feeling ng may hotdog?
"Bal.."
Pagmulat ko ng aking mata ay ang magandang mukha ni Zeeian ang unang bumungad sa akin. Nakasuot na siya ng warmer nila habang nakabasketball short pa rin.
"Hmmm, K-kanina ka pa?" antok na tanong ko sakaniya.
"Kadarating ko lang, bal. Sorry, ngayon lang kase natapos yung training namin. Matagal ka bang naghintay?" kalmadong tanong niya habang hinahaplos ang buhok ko.
"Hindi naman. Bal, nasaan na yung pinabibili ko?" antok na tanong ko sa kaniya habang nakahawak sa puson ko.
Inilapag niya ang isang plastic na hawak niya sa ibabaw ng kama at inilabas doon ang isang pack ng napkin na may wings. Akala ko ay ayun lang pero may nilabas pa siyang apat na pirasong balot na may kasamang asin at suka atsaka 24 pcs na chicken wings.
"Ano yan?" gulat kong tanong sa kaniya.
"Mga pinabili mo sa akin. Napkin, wings syempre yung favorite mo na flavor, honey garlic tapos balot. Isa nga lang pinabibili mong balot pero apat na para dalawa sayo tapos sakin yung dalawa." nakangiti niyang sagot sa akin.
"Bal.. Ang pinabili ko lang sayo ay Napkin with wings na isang pack." seryoso kong sambit sa kaniya.
"Hindi mo naman kase inayos yung pagkakatext mo dapat kase-"
"So, mali ako!?" iritado kong tanong sa kaniya.
"H-hindi ah, sabi ko nga mali ako. Hindi kase ako marunong umintindi. Sorry na, bal. Huwag ka ng magalit." paglalambing niya.
YOU ARE READING
Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)
RomanceSolene and Zeeian have been best friends since they were kids. They share everything-secrets, laughter, and adventures. Recently, Solene has started to feel differently about Zeeian. The hugs linger longer, and the jokes spark butterflies in her sto...