Solene Akasha POV
Maaga akong gumising para ipaghanda ng almusal at baon sila Skye at Zeek. May trabaho kase sa airport si Zeeian ngayon at may pasok din si Skye sa school kaya naisipan kong gawan sila ng mga baon para magamit na rin ang lunch box na inorder ko online para sa dalawa.
Pagkagising ko ay wala na si Zeeian sa tabi ni Skye. Nasa pagitan kase naming dalawa si Skye kapag natutulog dahil hindi pa rin kami okay dalawa. Pero ramdam kong dalawang braso ang nakayakap sa akin ngayon.
At may matigas din akong nararamdaman banda sa pang-upo ko.
Paglingon ko sa likuran ko ay roon ko nakita si Zeeian na mahimbing na natutulog habang mahigpit na nakayakap sa akin. Nakasiksik pa ang kaniyang mukha batok ko kaya ramdam ko ang mga paghinga niya.
Walang nagbago, ang gwapo pa rin niya.
Nakatitig lang ako sa kaniya habang nakayakap ako kay Skye. It took me 10 minutes bago ako nagdecide na bumangon na talaga para magluto ng almusal namin.
It's 6 in the morning at sobrang lamig. Pagkababa ko ay binuksan ko na muna ang heater bago ako nagsimulang magluto ng almusal naming tatlo.
Beef tapa, itlog, nuggets, at fried rice ang lulutuin ko dahil ayun lang ang mayroon sa ref nila. Inuna ko ang nuggets para kay Skye at sinunod ko ang itlog. Dahil pansin kong halos magkapareho kami ni Skye ng gusto ay inialis ko ang pula ng itlog namin at inilagay yun sa itlog ni Zeeian. Nagluto pa rin ako ng isa pa incase na mali ang kutob ko.
Pagkatapos ay sinunod ko na ang beef tapa. Ganun pa rin at wala akong binago sa way ng pagluluto non. Kahit hindi ko isipan ay parang kabisado pa rin ng katawan at isip ko ang tamang luto nito base sa panlasa niya.
At katulad dati ay hinuli ko ang fried rice dahil gusto niya ng lasado ang beef tapa sa kanin. Hindi ko alam ang gusto ni Skye pero kung ibabase sa hilig ko ay mas gusto ko ang plain rice kaysa sa fried rice.
Nagsimula na akong maghain ng mga plato namin habang nagpapa-init ng tubig para sa kape at gatas namin. Nagluto na rin ako ng adobong manok para ipabaon sa mag-ina ko mamaya.
Kinuha ko ang lunch boxes na inorder ko online at ang water proof stickers na pinacustomize ko para idikit sa lunch box ng dalawa. Cartoon ang pagkakadesign ng itsura ni Skye sa sticker habang magkahawak kamay sila ni Olaf dahil sa tingin ko ay ayun ang paborito niyang cartoon. Nilagyan ko rin ng Skye ang name ng lunch box at ng tubigan niya na color white na may mata, bibig, at ilong ni olaf.
Kay Zeeian naman ay may animated na mukha niya habang nakapilot uniform. May mga airplanes din sa design at ganun din ang sa tubigan niya na may KAIptain pa rin na sticker.
Pagkatapos kong idikit yun ay hinugasan at pinunasan ko muna bago ko nilagyan ng kanin at adobo para sa lunch nila. Nilagyan ko na rin ng kaunting yelo ang tubigan nila dahil pareho naming ayaw ni Zeeian ang sobrang lamig na inumin.
Maga-alas syete na ng matapos akong maghanda at magluto. Akmang tatawagin ko na sana sila ng makita ko silang dalawa na nagmamadali ng bumaba sa hagdanan habang nakasuot ng mga uniporme nila.
"I'm sorry, baby. Late nagising si Momma. Let's drive thru na lang for breakfast and use your card to buy your lunch, okay?" rinig kong sabi ni Zeeian kay Skye.
"Where do you think you're going?" nakapamewang na tanong ko sa dalawa na gulo-gulo pa ang mga suot-suot nilang uniporme.
"Male-late na kami." sagot ni Zeeian. Tumingin ako sa oras at quarter to seven pa lang. Alas otso pa ang pasok ni Skye at hindi naman traffic dito kaya 15 minutes lang ang byahe mula rito hanggang sa school ni Skye.
"I already cooked breakfast. Kumain na muna kayo bago umalis." saad ko.
"Nanay! Good morning!" masayang sigaw ni Skye at tumakbo sa akin para yumakap.
YOU ARE READING
Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)
RomanceSolene and Zeeian have been best friends since they were kids. They share everything-secrets, laughter, and adventures. Recently, Solene has started to feel differently about Zeeian. The hugs linger longer, and the jokes spark butterflies in her sto...