Chapter 19

3.3K 101 8
                                    

Solene Akasha POV


"Let's go, CAU! Let's go, Falcons!"


Punong-puno ngayon ang buong gymnasium ng Chua-Ashford University dahil ngayon ang game 4 ng University League. Mostly ng mga estudyante na nandirito ngayon ay from CAU at SDU pero may iba pa rin namang tiga-SJU na nandito katulad ni Bernadett at Kath na nanonood din kasama ko at ng buong pamilya ni Zeeian.


Oo, buong pamilya talaga. Lahat silang magpipinsan ay nandirito kasama ang mga magulang nila na mga pinsan ni Tita Ianah. Nandito rin si Mamala, Papalo, Mommyla at si Mr. Ashford ngayon. Nagbook pa nga ng flight ang kuya ni Tita Ash na si Tito Zeke kasama ang asawa niyang si Tito Adrian para lang manood ng finals game ni Zeeian.


Kaya siguro marami rin talagang nanood ngayon dahil feeling nila ay ngayon na magcha-champion ang CAU dahil kumpleto na ang buong Chua at Bravo family na nanonood unlike last game na sila Tita lang ang nagpunta. Hindi na rin muna ako inassign ni Ate Z na maging photographer for today's video para raw makanood ako nang maayos sa laro ni Zeeian.


"Ahm, Tita puntahan ko lang po saglit si Zeeian. Bigay ko lang po tubigan niya." pagpapaalam ko kila tita. "May tubigan siya?" nagulat na tanong ni Tita Ianah. "Binilhan ko po siya kase alam kong hindi siya nagtutubigan." sagot ko at ipinakita ang tumbler ni Zeeian.



"Bakit noong ako yung naglalaro hindi mo ko naisipang bilhan ng ganito, mahal?" hindi ko maipinta yung mukha ni Tita Ianah, hindi ko alam kung galit ba siya o nagtatanong lang talaga. "Mas okay ako sa 1.5 mong tubigan dati. Mas malaki yun kaysa sa Aquaflask na 'yan." tumatawang sagot ni Tita Ash.




"Bote ng 1.5 tubigan mo dati, tita?!" gulat na tanong ko kase hindi ako makapaniwala. "Oo, wala naman kaming pambili ng ganyan dati eh." sagot niya sa akin. "I'm so proud of you, my love." nakangiting saad ni Tita Ash at hinalikan sa pisngi si Tita Ianah.



Sakto namang tumapat sa kanila ang camera kaya nakita ng lahat ng tao ang kiss na ginawa ni Tita Ash kay Tita Ianah but, they just act like it didn't happen at kumaway lang sa lahat ng mga nanonood ngayon dito. Nagtungo na rin ako sa kung nasaan ang team ni Zeeian para iabot ang tubigan niya dahil kapag hindi ay iisipin non na hindi ako nagpunta sa game niya ngayon. May access card naman ako since member ako ng photography club kaya mabilis lang akong nakapasok.


"Bal!" pagtawag ko sa kaniya.


Mag-isa na lang siya na parang may hinihintay. She's is now wearing their jersey na pinatungan pa ng warmer nila. She is also wearing the basketball shoes na binili namin nung nakaraan for the final game, ako kase ang pinapili niya nito kaya terno talaga sa kulay ng jersey nila na suot ngayon.


"Akala ko hindi ka manonood eh." pabebe niyang sambit at nagpout pa habang dahan-dahan na naglakad papalapit sa akin na parang bata.


Nakayakap lang siya sa akin habang hawak ko pa rin ang tumbler niya. Siya na lang mag-isa ngayon dito dahil nauna na raw lumabas ang mga teammates niya na hindi na mapakali dahil sa sobrang kaba. Ramdam ko rin ang lamig ng mga kamay niya kaya niyakap ko na siya pabalik.


"Baka ikaw na lang ang hinihintay doon, bal." sambit ko kaya humiwalay na siya sa yakap. Magkatitig lang kami sa isa't-isa ng ilang minuto bago ko iniayos ang legendary headband niya. Iniabot ko na rin ang tubigan niya habang siya ay titig na titig pa rin sa akin hanggang ngayon.




"What's wrong?" tanong ko. "Wala ba akong good luck?" nagtatampong tanong niya. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at dahan-dahang hinawakan ang kaliwang pisngi niya na ikinabigla niya. Nginitian ko lang siya bago ako tumingkayad para dampian ng halik ang kanang pisngi niya. "Good luck, bal. Galingan mo!" masayang saad ko.


Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)Where stories live. Discover now