Chapter 11

3.1K 117 20
                                    

Solene Akasha POV



"Bal, manood ka ng game ko ah. Dapat kumpleto mo ang bawat laro ko kase kapag wala ka roon hindi ako maglalaro." sambit niya habang nakangiti sa akin.


Andito na kami ngayon sa hapag-kainan habang kumakain ng almusal na binili niya noong nagjogging siya. Bumili siya ng dalawang tapsilog at dalawang extra rice dahil hindi na raw siya makakaluto kaya bumili na lang siya.


"Alam mo namang may pasok, bal. Hindi naman ako pwedeng umabsent dahil pareho tayong mahuhuli sa klase kapag walang pumasok na isa sa atin." sagot ko sa kaniya na ikinasimangot niya.


"Edi hindi ako maglalaro. Kahit matalo pa kami hindi ako maglalaro kapag hindi ka nanood." sabi niya at masamang nakatingin sa akin.


Kaya ko naman manood kung sa CAU gaganapin lahat ng laro pero ang alam ko SJU ang hosts ngayong year kaya madalas sakanila gaganapin ang mga laro.


Alam ko ring hindi talaga ito maglalaro dahil kapag sinabi niya sinabi niya, kaya nag-iisip na ako ng paraan para makanood ako ng mga laro niya. Gusto ko rin talaga manood syempre si Zeeian 'yan eh.



Nandirito ako ngayon sa school kasama si Iyah, hindi ko kasama si Zeeian dahil nasa training na naman sila dahil next week na ang umpisa ng university league.


"Anong club sasalihan mo, Sol?" tanong nito sa akin.


Last year ay sa Math Club ako sumali dahil may plus points lahat ng sasali roon at medyo hindi ko forte ang mathematics. Nagegets ko lang 'yun kapag si Zeeian ang nagtuturo sa akin. Sports club naman ang sinalihan ni Bal last year dahil siya ang captain ball ng junior basketball team.


Naglalakad kami ngayon sa quadrangle kung nasaan nakalatag lahat ng club na pwedeng salihan this year. Medyo dumami nga unlike last year na nasa anim lang ata.


"Mag sports club kaya ako para kasama ko si Calix?" tanong nito sa akin.


"Ikaw bahala." sagot ko.


Naghiwalay na kami ni Iyah at nagtungo na siya sa sports club para magpa-register. Ako naman ay napadpad sa Photography club, si ate Zianah ang president nito kaya possible kong magamit ito para ako ang ma-assign sa bawat laro ni Zeeian.


Nag-iisip kase ako kung sa journalism club ba ako sasali or photography club dahil ang dalawang 'yun lang ang pwedeng maging daan para makanood ako sa laro ng CAU.


"Hi, Kash! Are you joining our club?" masayang tanong sa akin ni ate Z.


"Opo sana, ate Z kaso wala po akong sariling camera." saad ko at niyakap siya.


Alam naman ni ate Z 'yun at alam niya rin na medyo marunong naman ako sa photography dahil tinuturuan niya ako dati pero syempre mas magaling pa rin talaga siya kaysa sa akin.


"That's not a problem, Kash. Ipahihiram ko sa 'yo ang mga camera ko." sabi niya sa akin kaya mabilis akong nagregister sa photography club.


Medyo mahaba ang pila rito pero binigyan ako ni ate Z ng bagong paper para hindi na ako pipila. Ang iba naman kase sa mga nakapila ay sasali lang dahil andito si ate Z.


"Ate, kayo po ba ang nag-aasign sa mga photography members every event?" tanong ko kay ate Z.


"Minsan yung vice pero madalas ako, why?" tanong nito sa akin pabalik.


"P-pwede po ba akong maging assistant if ever sa mga laro ni Zeeian? kung pwede lang naman po ate pero if may na-assign na kayo it's fine with me rin po." nahihiya kong paliwanag kay ate.


Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)Where stories live. Discover now