Chapter 37

3.4K 113 6
                                    

Solene Akasha POV

"Zend, paki-alalayan naman ako gusto kong magpa-araw sa may garden. Doon na lang din ako kakain ng breakfast ko." paki-usap ko kay Zendrick na kapapasok lamang sa kwarto ko.

Ilang linggo na lang at manganganak na ako. Hindi ganoon kalaki ang tiyan ko siguro dahil hindi rin naman ganoon kalaki ang katawan ko. Pero kahit na ganun ay medyo hirap pa ring akong magkikilos at nakakaramdam pa rin ako ng pananakit sa iba't-ibang parte ng katawan ko dahil sa laki ng tiyan ko.

"Dahan-dahan lang, Sol." sabi niya habang nakahawak siya nang mabuti sa kaliwang kamay ko at sa kanang baywang ko habang pababa kami ng hagdan.

Simula ng maglihi ako ay si Zendrick na ang kasa-kasama ko rito sa bahay. Mas naging busy kase si Iyah sa trabaho hindi katulad ni Zendrick na hindi na ganoon katutok sa modeling dahil nag-aaral siya ngayon para maging isang ganap na piloto.

Hindi naman nahirapan si Zendrick sa paglilihi ko dahil hindi naman siya ang pinaglilihian ko. Tinutulungan niya lang akong ilagay sa isang cabinet lahat ng damit at kahit boxers ni Zeeian na nandito sa cabinet ko. Gusto ko kase palagi kong suot ang mga damit ni Zeeian kaya kahit pa ang damit at pabango na naiwan niya sa condo niya ay pinagkukuha naming dalawa ni Zend.

May access pa naman ako roon sa unit niya kaya nakuha ko ang mga gamit niya. Pero hindi lang gamit niya ang nadala ko pauwi kasama na rin pati ang mga alaala naming dalawa sa unit niya. Walang pinagbago ang itsura nito, kung ano ang itsura nun nung umalis ako ay ganun pa rin hanggang ngayon. Kaya hindi ko mapigilang maging emosyonal sa tuwing naaalala ko siya.

"Kukunin ko lang yung niluto kong breakfast, Sol. Saglit lang ako." paalam niya ng maka-upo na ako sa may garden. Tumakbo siya nang mabilis papasok ng bahay habang nakatingin lang ako rito sa kawalan habang hinihimas ang medyo kalakihan kong tiyan.

Healthy naman siya at wala na rin namang nagiging problema as long as nahahandle ko ang emotions ko. Ang sabi lang ng doctor ay nakasalalay sa akin lahat ng pwedeng mangyare sa anak ko. Kung magpapadala ako sa lungkot o galit ay maaari pa ring mawala sa akin ang anak ko kaya as much as possible ay inilalayo ko na ang sarili ko sa mga bagay na alam kong makakasakit sa damdamin ko.

"Do you love nanay, baby?" tanong ko habang nakatingin sa tiyan ko. Ramdam ko ang pagsipa ng anak ko sa kamay ko na nakahawak sa tiyan ko. Gabi-gabi ko siya palaging kinaka-usap kase ramdam ko na parang nagkaka-intindihan kaming dalawa ng anak ko.

"Ilang araw na lang makakasama ka na ni nanay, anak. Kaunting tiis na lang mahahagkan ka na ni nanay." naluluhang sambit ko na ikinasipa ulit niya.

Minsan iniisip ko kung ano kayang magiging  itsura ng anak ko. Kamukha niya kaya ako o magiging kamukha niya ang momma niya? Ano kayang magiging mga hilig niya? Anong mga pagkain kaya ang kahihiligan at ka-aayawan niya? Hindi kase kami pareho ng mga gusto ni Zeeian kaya alam kong may posibilidad na maging parehong-pareho sila ng momma niya or maging parehong-pareho kaming dalawa.

Since, babae ang anak ko, I want her to be like me. Gusto ko maging kikay din siya katulad ko or maging super model paglaki niya. Ayaw kong maging boyish siya katulad ng momma niya na babaero. Ayos na akong maging kamukha niya si Zeeian pero sana huwag niyang makuha yung masasamang ugali ng momma niya.

Kinuha ko ang phone ko at inilagay yun sa online shops para mamili ng mga matchy clothes namin ng anak ko. Katatapos lang kase ayusin ni Zendrick ang magiging kwarto ng anak ko na tangled inspired at punong-puno talaga ng color pink na gamit.

Kuya Seve and Iyah uninstalled all of my social media accounts simula ng kamuntikan na akong makunan dahil may nalaman na naman ako tungkol kay Zeeian at sa Maddieson na babae na yun. Hindi naman niya inamin ang relasyon nilang dalawa ni Zeeian pero nagbigay siya ng hints about their relationship.

Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)Where stories live. Discover now