Chapter 56

5.3K 190 158
                                    

Solene Akasha POV

"Zeeian.. Paano mo nagawa sa akin 'to?" tanong ko sa kaniya ng iwanan kaming dalawa ni Tita sa loob ng kwarto niya.

"A-anak ko 'yun Zeeian! Anak ko rin si Skye! B-bakit? Bakit mo nagawang itago sa akin ang anak ko?" galit na galit na sigaw ko.

Hindi pa rin siya sumagot at nanatili lang siyang nakatitig sa akin Namumula na rin ako hindi ko alam kung sa ka-iiyak ba o dahil ba galit na galit ako sa ginawa niya.

Mukha akong tanga ngayon sa harapan niya pero wala man lang akong makuhang sagot mula sa kaniya. I almost slap her para bumalik siya sa reyalidad pero hindi ko magawa.

Hindi ko pa rin siya kayang saktan.

"Hurt me, Solene. Hurt me as much as you want pero hindi ko pinagsisisihan na itinago ko ang anak ko mula sayo." Sagot niya.

"Ano bang ginawa ko para saktan mo ako ng ganito? Para itago mo sa akin ang anak ko? Bakit Zeeian? Bakit mo ba ako ginaganito? Sagutin mo naman ako! Nagmumukha na kase akong tanga rito!"

Tumayo siya habang nanatiling nakatitig sa akin. Mukhang aalis na naman at iiwas sa problema.

"Ano? Aalis ka na naman? Iiwan mo na naman ako? Bakit ba ang hilig mo na lang mang-iwan? Bakit ba palagi ka na lang umaalis at iniiwan akong nasasaktan? Ganiyan ka ba talaga, Zeeian? Aalis ka tapos babalik ka kung kailan mo gusto?"

"Hindi lahat ng umaalis, gustong umalis. At hindi lahat ng nang-iiwan hindi na nasasaktan."

Malamig ang pagkakasabi niya noon. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa bawat salita na sinabi niya.

"Ano bang problema mo? Bakit ba hindi mo na lang sagutin lahat ng tanong ko? Ano? Tatakasan mo na naman ako? Aalis ka na naman?" sigaw ko at marahas ko siyang tinulak papasok ulit ng kwarto.

"STOP!" sigaw niya.

"Hindi, Zeeian! Hindi ako titigil hanggang sa hindi mo sinasagot ang mga tanong ko! Bakit ka umalis noon? Bakit iniwan mo ako kahit alam mo naman palang nabuntis mo ko? Bakit? Bakit nagawa mong magmahal ng iba habang nandirito kami ng anak mo? i-iniwan mo kami, Zeeian! Kailangan ka namin noon pero mas pinili mo ang ibang babae kesa sa amin!"

Muling nanumbalik sa akin ang mga news articles tungkol sa kaniya at sa Maddieson na iyon. Ang rason kung bakit kamuntikan ng mawala si Zeelene sa akin.

"Wala akong ibang babae, Solene! Ganiyan ba talaga kababa ang tingin mo sa akin? Kahit ni-isang beses wala akong tinirang ibang babae! Ikaw lang ang babaeng minahal ko! Ikaw ang una at huli ko!"

"Bakit ka umalis? Bakit hindi ka bumalik? Bakit tinago mo sa akin ang anak natin kung ako lang pala ang babae mo?"

"Kinailangan kong umalis, Solene! Pero... pero bumalik ako! I fucking come back here! I fucking did my very best para makabalik kaagad sayo! Pero... I was late." Tuluyan ng bumagsak ang mga luha na kanina niya pa pinipigilan habang ako ay nakikinig lang na mabuti sa kaniya.

"I was there, Solene! Nandun ako noong araw na halos isumpa mo na ako. Nandun ako noong isinisigaw mo kung gaano ako kawalang kwentang tao at kung paano ko sinira ang buhay mo! Nandun ako noong hiniling mo na sana hindi mo na lang ako nakilala! Nandon ako, Solene. Nandun ako palagi."

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. Bumalik siya? Binalikan ba talaga niya kami ni Zeelene noon?

"Pero alam mo.. kung saan ako mas nasaktan?"

Iyak lang ako nang iyak habang nakikinig sa kaniya. Ito na ang sagot sa napakaraming tanong ko sa kaniya.

"Nangsabihin mo na pinagsisisihan mong nakilala mo ako...Na pinagsisisihan mo ang lahat ng nangyare sa ating dalawa. Kase ako, ikaw. Ikaw ang naging inspirasyon ko at wala akong kahit isa na pinagsisisihan sa atin, Solene. Pero ako? Tangina pabigat lang pala ako sa buhay mo na isa lang pala akong walang kwentang tao sa buhay mo na sumira sa mga pangarap mo. Hindi ko alam na ganun na pala ang tingin mo  sa akin, na pabigat at walang kwenta lang pala ako sa buhay mo."

Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)Where stories live. Discover now