Chapter 35

3.6K 107 4
                                    

Solene Akasha POV

"I feel that you're pregnant, Solene."

My manager's last word is still echoing inside my mind. Para siyang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig sa loob ng isipan ko.

Buntis ako? Nabuntis ako ni Zeeian? P-pero impossible dahil wala pa naman akong kahit anong symptoms na nararanasan na buntis nga talaga ako.

Pero we did it a lot of times. At sa ilang beses na yun ay wala kaming kahit na anong proteksyon na gamit. Kaya hindi impossibleng mabuntis niya nga ako.

Pero paano na ako? I am now starting to reach my dreams. Ang taas ko na, ang taas-taas na ng nararating ko at bakit ngayon pa talaga?

"Manager, baka mali lang po yung kutob mo. T-tsaka kaya ko pa naman pong magtrabaho." bulong na sagot ko.

"I already rejected some offers, Solene. To be honest, this is your last fashion show na."

"Manager..." My tears started to flow down from my eyes. Halos magmaka-awa na ako sa manager ko pero parang desidido na talaga siya sa lahat ng desisyong ginawa niya para sa akin.

"This is for your own good, Solene. Mas mahihirapan ka makabalik sa industryang ito kapag nalaman nila na nabuntis ka. Alam mong maraming hindi na nakabalik dahil sa rason na yan. Malaki ang naitulong mo sa akin and this is the least I can do for you. Ang itago rin ang pagbubuntis mo." mahabang explanation niya.

Tulala lang ako hanggang sa ihatid ako ng manager ko sa bahay. Hindi ko alam kung anong mangyayare sa akin ngayon. Parang biglang gumuho yung pangarap na kay tagal kong binuo at pinaghirapan.

Makakabalik pa ba ako sa industryang ito?

P-paano ko ngayon sasabihin kay Kuya Seve 'to? Ipapaalam ko ba kay Zeeian? Hindi ko alam. Ang daming tanong sa isip ko pero ang mas ipinag-aaalala ko ay ang career ko na mukhang masisira na dahil dito.

Kinabukasan ay nagbaka sakali ulit ako at nagtungo sa bahay nila Zeeian. Dalawa kaming gumawa nito kaya dalawa kaming may responsibilidad sa anak namin.

"Sir, nandiyan po ba si Zeeian?" tanong ko sa guard na tiga-bantay sa labas ng bahay nila.

"Nako, ma'am. Wala na pong tao rito sa bahay nila. Kahit ang mga katulong at driver ay umalis na." sagot sa aking ng tiga-bantay.

"B-babalik pa po kaya ang pamilya nila?"

"Hindi ko po alam. Wala pong nakaka-alam. Pasensya na po." malungkot niyang sagot.

It's been two months noong umalis siya ng walang paalam sa akin. Dalawang buwan na pero wala pa ring bakas ni Zeeian, hindi ko alam kung babalik pa ba siya, kung babalik pa ba siya sa amin ng anak namin.

Ang sabi niya hintayin ko lang siya at darating siya pero ilang buwan na ang lumipas pero wala pa rin siya.

I needed her right now. Kailangan namin siya ng anak namin.

Sa ka-iisip ko sa mga mangyayare sa buhay ko ngayon ay hindi ko na alam kung saan ako nagpupunta. Na-realize ko na lang na nandito na ako sa tambayan naming dalawa.

Ano na bang mangyayare sa akin? Hindi ko na alam. Hindi ko na alam ang susunod kong gagawin.

"Z-zeeian..." naluluhang bulong ko habang hawak-hawak ang tiyan ko.

Hindi ko pa naman na-eexperience ang mga symptoms ng pagbubuntis. Baka mali lang ang manager ko. Dalawang buwan na dapat nararanasan ko na yun. Hindi pa ako sigurado kung buntis nga ba talaga ako.

"Solene!"

Mabilis akong nagpunas ng mata ng makita ko si Zendrick na tumatakbo papalapit sa akin. Nag-aalala ang kaniyang mukha habang deretso siyang nakatingin sa akin.

Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)Where stories live. Discover now