Chapter 44

4.1K 159 49
                                    

Solene Akasha POV

Hindi.. hindi magagawa ni Zeeian sa akin yun dahil hindi naman niya alam na nabuntis niya ako noon. At sigurado akong hindi rin sinabi ni Calix sa kaniya yun dahil nandirito siya magmula ng magbuntis ako at galit na galit din siya sa ginawa ng pinsan niya sa akin noon. Impossible talagang si Calix dahil halos siya na nga ang tumayong tatay kay Zeelene no'n at ipinangako niya sa akin na hindi niya ipagsasabi ang pagbubuntis ko kahit kanino para sa akin, kay Zeelene, at para na rin sa career ko.

Tsaka sa dami ng naging babae ni Zeeian noon sigurado akong kahit isa sa kanila ay mayroong nagbunga at impossibleng wala.

Hindi naman siguro..

Pero I honestly feel something to Skye, parang may iba, o baka nakikita ko lang sa kaniya si Zeelene.

Hindi ko na alam, gulong-gulo na ako. Napapasabunot na lang ako sa buhok ko kaiisip tungkol kay Skye.

Nandoon ba siya ng manganak ako? Pero impossible dahil wala namang nasabi sa aking ganun si Iyah. Si Kuya Seve ang nagdecide at walang Zeeian na nagpunta noon sa hospital.

Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Iyah. Kailangan kong isigurado ang lahat ng ito sa kaniya dahil kung anak ko nga talaga si Skye paniguradong nasasaktan ko na siya. Matapos kong tawagan si Iyah ay hindi na ako mapakali. Nagsimula na akong kabahan sa mga susunod ko pang malalaman.

"Solene!" bungad niya sa akin, nakangiti. "Oh? Bakit ganyan ang itsura mo? May Problema ba?" nag-aalalang tanong niya.

"I-iyah.. Noon bang manganak ako..Andun ba si Zeeian?" uutal-utal kong tanong sa kaniya.

Kita ko naman ang pag-iiba ng mukha niya.

"Wala. Kami lang ni Calix ang nandun." kunot-noo niyang sagot sa akin.

"S-sigurado ka ba?"

"Oo, siguradong-sigurado ako. Ang sabi sa akin ni Calix noon ay nasa Pilipinas si Zeeian nun pero sinabihan ko siyang huwag sabihan kahit nung na-emergency ka na ay hindi pa rin niya sinabi kay Zeeian iyon. Kaming dalawa mismo ang nag-asikaso sayo nun, Si Calix lang ang tanging Bravo na nandun sa ospital. No more, no less."

Alam kong nagsasabi ng totoo si Iyah pero hindi ko maiwasang pagdudahan siya. Wala nga ba talaga si Zeeian ng araw na yun? Lalo na at sinabi ni Calix sakaniya na bumalik ng Pilipinas si Zeeian. Hindi kaya sinundan niya si Calix dahil alam niyang naging matalik na kaibigan ko na rin iyong pinsan niya?

"B-bakit ba? May problema ba? Bakit bigla mo na lang inungkat ang nakaraan?" nagtatakang tanong ni Iyah sa akin.

Hindi ako makasagot, hindi rin ako makapag-isip nang maayos sa dami ng mga tanong na tumatakbo sa isip ko.

Ibinigay ko lang sa kaniya ang brown envelope na ibinigay sa akin ni Skye kanina. Dahan-dahan niya itong binuksan, nagtataka. Nangtuluyan niyang mailabas ang laman ay napatayo na lang siya bigla mula sa kina-uupuan niya.

"S-solana Kye Saavedra Bravo?! K-kayo ni Zeeian ang nakalagay na magulang t-tapos same sila ng birthday ni Zeelene? P-paano nangyari ito?!" sunod-sunod niyang tanong habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

"B-buhay si Zeelene?!" malakas na sigaw niya.

"H-hindi ko alam. Kaya nga kita pinapunta rito para sana sayo ko mismo marinig ang totoo." sagot ko.

"Patay si Zeelene noong ilabas mo siya, Solene. Sigurado ako dahil grabe ang iyak ko noong sinusubukan siyang irevive ng mga doctor. Ako rin mismo ang nagpalibing sa anak mo noon." umiiyak na saad niya.

"Tangina ni Zeeian kung totoo man ngang buhay si Zeelene. Matapos ka niyang buntisin at iwanan bigla babalik siya para kunin ang anak ninyong dalawa?" galit na saad niya.

Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)Where stories live. Discover now