Chapter 53

3.9K 143 13
                                    

Zeeian Kai POV

"Class Dismissed!" sigaw ng professor ko.

Iniayos ko na ang mga gamit ko at isa-isa iyong iniligay sa loob ng bag ko. Katatapos lang ng practical exam namin at isang written exam na lang ay makaka-graduate na ako, magiging isang Piloto na ko.

"Hey, Zeeian! Wanna go with us? Just some drinks you know, celebration." pag-aya sa akin ni Jed, isa sa mga naging tropa ko rito sa flying school sa London.

Nagdadalawang isip pa ako kung sasama ba ako dahil minsan lang din naman ito mag-aya at ang tagal na rin noong huli kong inom ng alak at punta ng bar.

Tsaka celebration na rin siguro? ilang linggo rin kase akong puyat sa kaka-aral para rito sa practical exam ko na ito at ngayong tapos na at pasado ay parang may dahilan naman ako para mag-enjoy.

Pero something inside me that bothers me.

"CHEERS!" sigaw ko at itinaas ang beer mug na hawak-hawak ko.

Prente akong naka-upo ngayon habang pinakikinggan ang malakas na kanta mula sa speaker habang ine-enjoy ko ang beer na iniinom ko.

"Cheews, momma." sabi ni Skye at itinaas din ang beer mug na hawak niya katulad ng ginawa ko.

Tumabi siya sa akin ngayon at ininom ang chocolate milk niya na nakalagay din sa isang beer mug katulad ng akin habang nanonood kami ng isang Disney movie sa mini cinema room dito sa bahay.

Last minute I've decided not to join them na magcelebrate sa bar. Ewan ko ba parang hindi na kase ako bagay doon. At tsaka I want to celebrate my success with my daughter.

Mas panatag ako sa ganito, nag-iinom kaming dalawa ng anak ko sa bahay habang nanonood ng favorite niyang Disney movie.

This is the kind of celebration I want tsaka pahinga ko na rin ito.

After practical exam ay sumunod naman ang written exam ko. I spent my weekend studying and having a quality time with my daughter.

Simula noong pumasok na ulit ako ay madalas tuwing gabi na lang kaming nagkikita dalawa dahil sa schedule ko. She's spending time with Kuya and Ate or minsan naman ay kay Mommy at momma.

Isang araw bago ang written and final exam ko ay nagkasakit na naman si Skye. Ang sabi ni momma ay hindi pa naman daw yun ganun kalala dahil sinat lang naman. Nagtiwala na lang since mas may experience na si momma kaysa sa akin.

Hindi naman umiiyak si Skye katulad noong huli siyang na-ospital pero kinakabahan pa rin ako dahil sinisinat ang anak ko. Para akong hindi mapanatag na hindi ko maintindihan.

"Take your finals exam, yan-yan. Kami ng bahala kay Skye." sabi ni Kuya sa akin.

"If something happens, tatawagan kita kaagad, Promise." ani Ate Z.

Naka-suot na ako ng uniporme ko at aalis na lang talaga ako para pumasok pero hindi ko magawang iwanan si Skye. Bumaba naman na ang sinat niya pero she still have one na nagpapagulo pa rin sa isip ko ngayon.

"Pumasok ka na, Zeeian." seryosong sabi ni Momma kaya wala na akong nagawa kung hindi umalis ng bahay para pumasok.

Hindi ako mapakali at kung ano-ano ng pumapasok sa isip ko. Sa ilang beses ba naman kaseng na-ospital ng anak ko pero heto ako hindi pa rin nasasanay. Nandito pa rin ang takot sa akin na baka mawala ulit siya sa akin katulad noong araw na ipinanganak siya.

"You only have two hours to finish your exam." anunsyo ng professor ko bago ipamigay ang test paper sa amin.

Pagkakuha ko ng test paper ko ay pinilit ko ang sarili ko na magfocus sa exam ko ngayon at huwag na munang mag-isip ng kung ano-ano.

Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)Where stories live. Discover now