Chapter 34

3.6K 110 15
                                    

Solene Akasha POV

"Umuwi ka na at huwag mo na akong hintayin pa. I can't go right now, I'm sorry." 'Yan ang huling mensaheng natanggap ko mula sa kaniya. Hindi ko naman alam na ayun na rin pala ang huling araw na makikita at makaka-usap ko rin siya.

Magmula ng araw na yun ay hindi na siya muling pumasok sa university at hindi na rin siya nagpupunta pa rito sa bahay magmula ng araw na 'yun. Bigla na lang siyang nawala na parang bula at hindi na muling nagpakita pa sa akin.

Sinubukan kong puntahan sila Ate Zianah at Ate Zeej sa mga departments nila pero maski sila ay wala na rin sa university. Kahit ang mga pinsan nila ay hindi na rin pumapasok pa sa CAU, ang sabi base sa mga naririnig ko ay lumipat daw ang mga pinsan nila ng university pero ang tatlong magkakapatid daw ay nagdrop na.

Marami ring biglaang pagbabago sa CAU. Kahit si Mr. Ashford ay hindi na rin namin muling nakita pa. Nag-anunsyo na lamang sila bigla na bumaba na raw si Mr. Ashford bilang presidente ng unibersidad at pinalitan siya ng kapatid ni Tita Ash na si Tito Zeke na galing pang United Kingdom.

Marami ring kumakalat na iba't-ibang chismis hindi lang sa buong campus kung hindi sa buong university belt tungkol sa pagkawala at biglaang pag-alis ng mga Bravo sa Chua-Ashford University.

May mga nagsasabi na naghiwalay na raw sila Tita Ianah at Tita Ash dahil sa project na hawak ni Tita Ash na gumuho na nagpadumi sa pangalan ng kumpanya nila sa Construction industry kaya raw umalis lahat ng Bravo sa university. May mga nagsasabi namang may natanggap daw na malaking offer sila Ate Zianah at ate Zeejei sa hollywood kaya nagpasya silang pamilya na umalis ng bansa para suportahan ang dalawa sa career nila sa ibang bansa.

Pero ang mas pinaniniwalaan ng lahat ay yung may nabuntis daw na babae si Zeeian kaya umalis sila para itago ang tungkol dito. Siguro kaya ganun si Zeeian noong mga nakaraang araw ay dahil nga may nabuntis siya. Mukha kase siyang problemado talaga. Hindi naman siya nagsabi sa akin at sinarili niya lang ang problema niya kaya hindi ko alam ang nangyayare sa pamilya nila ngayon.

Ayaw ko rin sanang paniwalaan ang mga sabi-sabi pero may isa kaseng anonymous na nagpakalat ng larawan habang nagpapacheck up yung babae sa isang hospital. At kita sa larawan si Zeeian na inaalalayan ang babae.

"Sol.." nag-aalala ang boses ni Iyah siguro ay narinig niya ang balita patungkol kay Zeeian.

"A-ayos lang ako, Iyah." sagot ko habang pinipilit na hindi paniwalaan ang mga sabi-sabi sa internet.

Pinipilit ko pa rin ang sarili kong pumasok at magfocus sa pag-aaral ko kahit hirap na hirap ako dahil sa pagkawala ni Zeeian. May grades pa rin akong kailangan maabot para magpatuloy sa pag-aaral. Hindi naman kase hihinto ang oras para sa akin dahil lang malungkot ako kaya isinasangtabi ko talaga ang nararamdaman ko kapag nasa eskwela at trabaho ako.

Eskwela. Bahay. Trabaho.

Diyan lang umiikot ang buhay ko ngayon. Maraming beses ko ng tinanggihang bumangon tuwing umaga hindi dahil pagod ako at gusto ko pang matulog ng mas matagal. Kung hindi dahil wala na akong gana, wala na akong gana sa lahat.

Mag-isa na ulit kase ako.

Mag-isa na naman ulit ako.

Hinaharap ko 'yong bawat paparating na araw na umaasang babalik siyang muli. Pinipilit kong bumangon sa araw-araw nagbabaka sakaling babalik siya ulit sa akin, na babalikan niya ako.

Wala na akong tapang harapin ang panibagong umaga na wala siya sa tabi ko. Binabalot pa rin ako ng pagdududa sa sarili. Wala kase akong ideya kung bakit isang araw mas pinili niya na lang umalis at iwanan akong mag-isa rito.

Ang hirap maging mag-isa lalo na at sinanay niya ako na palagi siyang nandito sa tabi ko. Ang sakit dahil nangako siya sa akin na hindi niya ako iiwan, na hindi siya aalis.

Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)Where stories live. Discover now