Chapter 39

3.4K 112 1
                                    

Solene Akasha POV

"Kuya Seve!"

Kinuha ko kaagad ang cellphone ko at nagmamadaling tinawagan si Zendrick na mabilis din naman niyang sinagot. Hindi ko kase kayang buhatin si Kuya Seve at si Zendrick lang ang pwede kong mahingan ng tulong ngayon.

"Kuya..." pag-iyak ko. "Huwag mo 'kong iwan, kuya.."

Nakapatong lang ang ulo ni Kuya Seve sa may hita ko habang patuloy lang ako sa pag-iyak. Isa-isa kong chineck ang vital signs ni Kuya Seve at normal pa naman 'yun kaya I did my very best to keep calm.

Wala pang sampung minuto ay dumating na rin kaagad si Zendrick dala-dala ang kotse niya. Buong lakas niyang inakay si Kuya Seve papasok sa kotse niya at nagmaneho na papunta sa pinakamalapit na hospital.

"Nurse! Ang kuya ko! Tulungan ninyo ang kuya ko!" sigaw ko habang walang tigil pa rin ako sa kaka-iyak. Nagmamadali naman silang i-assist si Kuya na wala pa ring malay hanggang ngayon.

"Kuya.. Huwag mo kong iwan, please.." pag-iyak ko habang tinutulak din ang hospital bed niya papasok ng emergency room. "I-ikaw na lang ang mayroon ako.. Huwag mo naman din akong iwan, K-kuya."

Mabilis akong hinarang ng ibang mga nurses ng hospital bago pa man ako makapasok sa loob ng emergency room kung saan nila dinala si Kuya Seve. Napa-upo na lang ako sa may gilid habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Naramdaman ko na lang ang presensya ni Zendrick sa tabi ko habang pinupunsan niya ang mga luha sa mga mata ko.

"Magiging okay din si Kuya Seve, Sol." pagpapatahan niya sa akin. "Hindi ka nun iiwan."

Wala akong ibang magawa kung hindi umiyak habang nakayakap kay Zendrick. Alam kong tinago na naman ni kuya ang sakit niya dahil ayaw niyang mag-isip at mag-alala pa ako sa kaniya pero sana wala lang ito at sana wala namang malubhang sakit si Kuya.

Hindi ko na kase alam ang magagawa ko kung sakaling pati siya ay mawala sa akin.

Nagulat na lang kami ng biglang magkumpulan ang mga security guards ng hospital sa kinaroroonan naming dalawa ni Zendrick. Hindi namin namalayan na kanina pa pala kami kinukuhaan ng mga videos at pictures ng mga tao rito ngayon malapit sa emergency room.

"Let's go, Solene. Doon na lang natin hintayin si Kuya Seve sa magiging kwarto niya." pag-aya niya sa akin.

Hinubad niya ang jacket na suot niya at ginamit niya yun pangpatoong sa ulo ko para matakpan amg mukha ko dahil sunod-sunod pa rin ang flash mula sa iba't-ibang camera mula sa mga tao sa paligid namin.

"Miss Solene, kaya ba nagstop ka sa modeling industry dahil may sakit ang kuya mo?"

"Miss Solene, hindi ba totoo ang mga chismis na nabuntis ka kaya ka umalis sa industriya na pinapasukan mo?"

"Totoo bang may relasyon kayong dalawa ni Mr. Zendrick, Miss Solene?"

Ilan lang 'yan sa mga tanong na narinig ko mula sa mga reporters ngayon na nandiriro sa hospital. Walang ni isa sa aming dalawa ni Zendrick ang sumagot at kahit tumingin man lang sa kanila. Inalalayan niya lang ako hanggang sa makapasok na kaming dalawa sa magiging room ni Kuya Seve.

Katulad ng ipinangako ni Zendrick sa akin noon ay walang kahit na anong larawan o kahit anong impormasyon ang lumabas pa-tungkol sa pagbubuntis ko kay Zeelene. Maraming nagtaka at maraming gumawa ng issue tungkol sa biglaang pag-alis ko sa modeling industry at sa pag reject ng manager ko sa isang international event na sana noon.

Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)Where stories live. Discover now