Solene Akasha POV
Today is the last day of Philippine Fashion Week. Halos isang linggo na kami rito sa Resorts World Manila dahil mas malapit dito ang venue ng Fashion Show kaya rito namin piniling magstay for days.
Kasama ko naman dito si Iyah dahil nag-uumpisa na rin siya sa modeling career niya. Hindi ko nga alam kung pangarap niya ba talaga ito o ayaw niya lang mawalay sa akin.
Pero I am still thankful na kasama ko siya rito dahil nahohome sick na ako. Hindi na ako makatulog nang maayos dito. At wala ako halos makausap dahil ang ibang kasama namin ay sobrang sikat na talaga na mga model.
Gusto ko ng umuwi! I miss Zeeian so much na!!
Hindi na rin ako galit sa kaniya dahil noong araw na rin na iyon ay nagsalita na yung Bernadett na nalink kay Zeeian, she has a girlfriend pala which is yung babaeng nalilink naman kay Calix. Bernadett is also Zeeian's friend pala dahil business partner pala nila tita ang parents non na mga doktor.
Nangmalaman namin 'yun ni Iyah ay natawa na lang kami habang nakatingin sa isa't-isa. May pa-iyak pa kaming nalalamang dalawa at may pa another girl pa eh as of now wala pa naman pala.
Kaya bumawe na lang ako noong araw na 'yun kay Zeeian. Hindi rin naman ganun kahirap suyuin si Zeeian, kaunting lambing at pabebe ko lang bumibigay na 'yun. Nakonsensya pa tuloy ako dahil umiyak talaga siya non habang nakayakap sa akin.
Saktong dumating pa si Kuya Seve noong araw na 'yun na ikinagulat ko dahil hindi naman siya nagsabing uuwi siya kaya nakita niya si Zeeian na umiiyak sa balikat ko. Sabi ko na lang kay Kuya na ang babaeng gusto ni Zeeian ay may girlfriend na pala kaya siya umiiyak.
Nagtataka nga ako dahil bigla akong tinanong ni kuya non kung may jowa na raw ba ako na mabilis ko ring itinanggi. Hindi ko alam kung bakit pero hindi naniwala si Kuya Seve sa palusot ko pero hinayaan na rin naman niya at hindi na nagtanong pa.
Nalaman na rin ni Kuya Seve ang nangyare sa akin sa university. Nagalit siya pero hindi na rin pa nagtanong tungkol sa mga sumunod na nangyare dahil tiwala naman daw siya sa pamilya ni Zeeian. Ibinigay pa nga niya ang spare key ng bahay kay Zeeian, sobrang tiwala niya talaga rito.
"Solene, are you ready?" tanong sa akin ng manager ko.
Naka-ayos na rin naman ako, suot ko ang pinaka-inaabangan na product ng isa sa pinakamalaking clothing company sa Pilipinas. Ako rin ang pinakahuling rarampa kaya medyo kinakabahan ako.
Pero mas lamang na ang pagkamiss ko kay Zeeian kaya gusto ko na talagang matapos 'to.
This fashion show is exclusive lang para sa mga sikat na business owners or fashion enthusiasts. Kilala at may kaya lamang ang naimbitahan ngayon kaya buong puso talaga ang ginagawa ko sa nagdaang limang araw nagbabaka sakaling may makadiscover sa kakayahan ko.
"Galingan mo, last day na 'to. Nakakareceive naman na ako ng mga offer for you kaya do your best, okay?" masayang saad ng manager ko na ikinatuwa ko.
Gaya ng sinabi ng manager ko ginawa ko ang best ko sa pagrampa. I maintain my emotionless face while walking elegantly wearing the most expensive dress for tonight.
I saw a lot of people taking a picture of me habang ang iba ay titig na titig lamang sa akin at sa dress na suot ko. But, what caught my eye is Zeeian's parents together with Ate Zianah na nanonod sa akin ngayon.
Naka-upo sila hindi gaano malapit sa stage at hindi rin gaano kalayo rito. Bakit ba hindi ko naisip na Ate Zianah and Tita Ash are into fashion?
YOU ARE READING
Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)
عاطفيةSolene and Zeeian have been best friends since they were kids. They share everything-secrets, laughter, and adventures. Recently, Solene has started to feel differently about Zeeian. The hugs linger longer, and the jokes spark butterflies in her sto...