Chapter 28

3.3K 97 10
                                    

Solene Akasha POV

"Saan kayo galing kagabi? at anong oras na kayong umuwing dalawa?" seryosong tanong ni Kuya Seve pagkarating ko ng hapag dito sa bahay nila Tita Ianah sa Thailand.

Dalawa lang kaming nandito ni kuya sa loob ng bahay at walang kahit ni-isang pinsan o tita o tito man lang ni Zeeian.

"M-madaling araw na po, K-kuya." nakayukong sagot ko sa kaniya. Tinapos kase namin ni Zeeian yung lantern festival. Walang sawa ko lang yun pinanood kaya halos mag-uumaga na kaming umuwi dalawa.

"Paano kung may nangyare sa inyong dalawa, Asha? Hindi ka nagsabi sa akin! Inaya mo pa si Zeeian! Alam mo namang hindi tayo tiga-rito. Paano kung-"

"Chill, Seve. Nagpaalam si Zeeian sa akin kahapon tungkol doon." biglang sabi ni Tita Ianah na kapapasok lang sa loob ng bahay. She's wearing a black under armour sports bra and a black above the knee nike basketball short habang may towel na nakasampay sa kaliwang balikat niya. Her sweat is slowly dripping from her neck down to her chest, mukhang katatapos lang niyang mag-gym.

"G-good morning po, ma'am.." dali-daling tumayo si kuya at yumuko pa para bumati kay Tita. "Good Morning po, T-tita." Kabado kong bati ng tignan ako ng masama ni Kuya.

"Good morning din. Take it easy, Seve. We're here to celebrate your sister's birthday, just enjoy our short vacation." sermon sa kaniya ni Tita Ianah.

"And by the way, call me tita. Wala tayo sa company para tawagin mo akong ma'am." dagdag ni Tita bago nagtungo sa may kusina para kumuha ng baso at tubig.

"I'm sorry, Asha. Sige na kumain ka na. Kanina pa kita hinihintay para may kasabay ka." medyo kalmado na ang tono ng boses ni Kuya kaya tumabi na ako sa kaniya habang siya ay tumayo ulit para ipagtimpla ako ng chocolate milk.

Naupo rin si Tita Ianah sa harapan ko habang kumakain ng boiled eggs. Ang ganda ng katawan niya halatang alagang-alaga pa rin. Hindi rin naman halata ang totoong edad ni Tita sa itsura niya. Mukha pa rin siyang mga nasa late-20s.

Matapos magtimpla ni Kuya ng gatas ko ay naupo na rin siya sa tabi ko at sinabayan na akong kumain. Ramdam kong hindi siya ganoon kakomportable kay Tita Ianah dahil ang formal pa rin ng paggalaw nito kahit kumakain habang si Tita Ianah ay nakafocus lang sa kinakain niya.

"Good morning, ma!" rinig ko mula sa likuran ko. Boses pa lang alam ko na kung sino yun at tama nga ako dahil dumeretso si Zeeian sa momma niya para humalik sa pisngi.

"Good morning, Seven Eleven!" nakangiting bati niya at mas lumawak pa ito ng makita niya ako na kumakain sa tabi ni Kuya Seve. "Good morning, bal! Ang aga mo naman gumising? Dapat natulog ka pa roon." sabi niya habang nag-aalalang nakatingin sa akin.

"Pagbalik na lang natin ng Pilipinas ako babawi ng tulog, bal. Minsan lang akong makapunta sa Thailand kaya susulitin ko na." sagot ko sa kaniya.

"Oo nga pala, Kash. Aalis pala tayo kasama ang Tita Ash mo. Magbihis ka na lang muna pagkatapos mong kumain. Maliligo lang ako." sabi ni Tita Ianah at nagsimula ng magligpit ng pinagkainan niya.

"Saan kayo punta, Ma? Sama ako! Maliligo lang din ako." sabi ni Zeeian at nagsimula ng kumain nang mabilis habang nakatingin sa Momma niya.

"Hindi ka pwedeng sumama." pinal na saad ni Tita Ianah.

"Momma naman! Sama ako, please? Saglit lang ako maliligo, promise. 5 minutes lang." sabi niya habang tumatalsik ang mga kanin mula sa bibig niyang punong-puno ngayon.

"Hindi nga pwede, ang kulit."

"Bal.." paghinging tulong ni Zeeian sa akin. Tumingin ako kay Tita Ianah na umiling kaya wala akong nagawa kung hindi umiling din kay Zeeian.

Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)Where stories live. Discover now