Solene Akasha POV
"Kumusta ang aking model?"
Pagkapasok ko ay bumungad sa akin si Kuya Seve na may dala-dalang isang bouquet ng tulips na sa tingin ko ay para sa akin. Hindi ko inaasahan na uuwi siya ngayon, ang alam ko ay sa sabado pa siya dahil ayun ang sabi niya sa akin sa chat niya.
"Surprise?" nakangiti niyang saad sa akin.
"K-kuya!" sigaw ko at tumakbo na papalapit sa kaniya para yumakap nang mahigpit.
Nangbumitaw ako sa yakap kaya inilahad sa akin ni Kuya ang mga bulaklak na dala niya para sa akin. Ang ganda talaga ng tulips.
"What's up, Seven!" masayang sigaw ni Zeeian.
"Kumusta, Eleven?" tanong ni kuya.
Seven? Eleven? Nagtataka akong tumingin sa kanilang dalawa na nakangiti lang ng nakakaloko sa isa't-isa. Itong si Zeeian akala mo ka-edad niya lang si kuya kung kausapin eh, at itong si Kuya Seve naman hinahayaan lang siya palibhasa kase close na close sila.
Noong buhay pa si nanay, close rin sila. Halos dito na tumira 'yan si Zeeian, umuuwi na nga lang ata siya para matulog at maligo sa kanila pati tuloy sa budget namin sa pagkain bilang siya. Pero palagi naman siyang may dala-dalang pagkain galing sa kanila dahil hilig ni mamala ang magluto at ganun din si Tita Ianah lalo na sa pagbabake.
"Kumusta ang pag-aaral niyong dalawa?" tanong ni Kuya Seve sa amin.
"Ayos naman, basic lang!" mayabang na sagot ni Zeeian.
"Malamang! Apo ka ng may ari ng university kaya hindi ka nila pwedeng ibagsak." tumatawang sagot ni Kuya.
Iniwanan ko muna sila sa may sala at nagtungo na sa kwarto para magbihis. Wala naman na akong gawain dahil tinulungan at tinuruan ulit ako ni Zeeian sa mga missing activities at lesson ko na namissed ko dahil sa fashion week.
Ipinatong ko na muna sa kama ang mga bulaklak na bigay ni Kuya para ilagay sa vase mamaya. Nagtungo na rin ako sa banyo para maghalf bath para pahinga na lang mamaya.
Nangmatapos ako bumaba na kaagad ako at naabutan ko sila na nasa kusina na. Nagsasandok na si Kuya ng kanin at ulam habang si Zeeian naman ay naghahain na ng mga plato at baso. Nandon na rin pala si Mang Ben na kumukuha ng inumin sa ref bago naupo sa tapat ng lamesa.
"Kuya Seve, ah? Nagpaalam na ako sa 'yo. Approved na ba ako, bayaw?" rinig kong pang-aasar ni Zeeian kay Kuya.
"Basta wala munang honey moon, ah?" natatawang sagot ni Kuya na ikinatawa rin ni Mang Ben.
Nakita ko namang namumula na sa hiya si Zeeian kahit hindi ko naiinintindihan ang pinag-uusapan nilang tatlo
"B-bal.. Kanina ka pa ba riyan?" kinakabahang tanong ni Zeeian sa akin.
"Kabababa ko lang, bakit? anong meron?" tanong ko.
"A-ah.. W-wala.. Tara kain na tayo." nakangiti niyang saad sa akin.
Ipinaghila niya muna ako ng upuan bago umupo sa tabi ko. May dala-dala siyang beef steak na niluto raw ni Mamala para sa akin. Nilagyan niya ako ng kanin at ulam sa plato ko, hiniwa-hiwa na rin niya ang beef into bite size at inilagay lahat ng white onions sa ibabaw ng rice ko dahil paborito ko 'yun.
YOU ARE READING
Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)
RomanceSolene and Zeeian have been best friends since they were kids. They share everything-secrets, laughter, and adventures. Recently, Solene has started to feel differently about Zeeian. The hugs linger longer, and the jokes spark butterflies in her sto...