Solene Akasha POV
"Nanay, I want to go shopping." sabi ni Skye pagkapasok niya ng office ko na ipinagawa ni Zeek dito sa bahay namin.
She immediately sit on my lap. Yumakap siya sa akin habang busy ako sa pagcheck ng mga bagong design ng mga dresses na ilalabas para sa mother's day collection ng ZLN.
"Shopping? Again?" tanong ko dahil halos punong-puno na ng mga damit niya ang walk-in closet niya. Marami roon ay hindi niya pa naisusuot at ang iba naman ay isang beses niya pa lang nasusuot.
"Yup! The twins stole my clothes again and again, nanay!" pagsumbong niya sa akin.
Saktong pumasok ang kambal suot-suot ang damit ng ate nila. They just got home from school dahil bitbit pa nilang dalawa ang mga school bags nila.
"See, nanay?" pagsusumbong ni Skye at tumingin pa sa akin bago bumaling ng tingin ulit sa dalawa.
I know Skye is not mad about her sisters borrowing or stealing her clothes. Hindi naman siya maramot na kapatid, kapag mayroon siya gusto niya pati ang mga kapatid niya ay mayroon din.
She's just acting like she's upset dahil gusto niya talagang magshopping. Her momma freeze all of her bank accounts kase since last week pa maski ang daily allowance ay tinigil din dahil ipinatawag kami last week ng university kase napasali na naman si Skye sa isang away.
Ewan ko ba! Sa dami kase ng pwede niyang mamana kay Zeeian ay yun pang pagiging basagulera niya.
"Nanay!" bati sa akin ng kambal at nag-unahan pa sa pagpunta sa akin.
Soleir Kaiya and Soleil Kaiah are Zeeian and I's twins. Both of them looked exactly like their momma, siguro dahil si Zeeian talaga ang pinaglihian ko noong nagbubuntis ako sakanila.
"Magsho-shopping ba tayo, 'nay?" tanong ni Soleir na nagpakunot sa noo ko.
"Sabi mo 'te aayain mo si Nanay para pumayag si momma?" tanong naman ni Soleil kay Skye.
Hindi sumagot si Skye at sinamaan lang ng tingin ang kambal. Ang tatlo talaga na ito kapag dating sa gastusan ay ang gagaling mag-isip ng paraan.
"Ayan! Makipag-away ka pa! Pati tuloy kami nadadamay." sermon sakaniya ni Soleil. Nakapamewang pa ito at seryosong nakatingin kay Skye na parang akala mo ay siya ang ate.
"Wow! Look who's talking. Palibhasa kase kapag may ginagawa kayong kalokohan ako yung tinatawag ninyo samantalang ako wala akong matawag because I am the eldest!" sigaw naman nitong isa.
"So, bakit ka nga pala nakipag-away, 'te?" nakangising tanong ni Soleir.
Inirapan lang siya ng ate niya na ikinatawa naman ng kambal nang pagkalakas-lakas. Pakiramdam ko tuloy they know something I don't know pero impossible. They are very open to us na kahit maliliit na pangyayare lang sa araw nila ay kinukwento nila sa amin ni Zeeian but, we are always waiting for them to open it up by themselves. Hindi naman namin sila pinapangunahan ni Zeeian.
"Ayaw pa kaseng umamin na bading siya." bulong ni Soleil kay Soleir.
"I'm not gay!" sigaw ni Skye. "Ang kulit niyo!"
"Okay. I'll tell it to Ate Marina." nakangising sagot naman ni Soleir. "Para naman aware 'yang 'best friend' mo na you're not into girls."
Marina is Skye's best friend since she was a kid. Nagkakilala sila noong napagdesisyunan namin ni Zeeian na rito na rin tumira sa Isla del Bravo kasama ang mga kapatid niya. Si Marina yung apo nung matandang babae na kumatok sa amin noong nagbubuntis pa lang ako sa kambal para humanap ng trabaho.
"Then, tell her. She knows very well that I am straight." sagot naman nitong isa.
Itong kambal na 'to talaga ang lakas-lakas mang-asar. Hindi lang ata itsura ni Zeeian ang nakuha nila kung hindi pati na rin ang ugali. Ganitong-ganito rin kase si Zeeian noong nasa 12 years old pa lang kami. Mamamatay na lang talaga ako sa mga pang-aasar at pambwi-bwiset niya sa akin noon.
YOU ARE READING
Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)
RomanceSolene and Zeeian have been best friends since they were kids. They share everything-secrets, laughter, and adventures. Recently, Solene has started to feel differently about Zeeian. The hugs linger longer, and the jokes spark butterflies in her sto...