Chapter 27

3.5K 93 6
                                    

Solene Akasha POV

Sabi nila ang pinakanakakahilo raw na part ng pagsakay ng eroplano ay ang take-off at ang paglanding. Pero sa experience ko naman sa flight ng Piloto ko ay parang hindi naman.

Everything was so smooth to the point na hindi ko namalayan na nandito na kami sa Thailand hindi katulad sa naging byahe ko noong nagpunta kami ng Cebu.

"Bal! How's the flight?" nakangiting tanong agad sa akin ni Zeein na kalalabas lang sa cockpit. "Everything was smooth, bal! Ang galing-galing mo, Captain!" masayang sagot ko sa kaniya.

Wala akong naramdaman na pagkahilo or kahit jetlag man lang. Kaya parang ang dami ko pa ring energy to do some stuffs here if ever man na mag-aaya ang magpipinsan na gumala pagka-uwi namin.

"Hold my hand, bal." sambit niya at inalahad ang isang kamay niya para alalayan ako pababa ng eroplano.

So, ganito pala ang simoy ng hangin sa Thailand?

Pagkababa namin ay napakaraming body guards ang nag-aabang sa amin. Halos magkagulo ang mga tao na nag-aabang sa may labas ng makita nila ang magpipinsan na walang sawa lang na nagpapapicture sa mga fans nila.

"Bal, papicture raw sila sa atin." bulong sa akin ni Zeeian habang nakaturo sa isang karatula na hawak ng isang babae. Hindi ko gets dahil thai language ang gamit sa karatula.

Hinawakan ako ni Zeeian sa baywang at lumapit na kami sa mga nagpapapicture sa amin. Hindi ko nga alam kung bakit pati ako kilala nila kaya sumusunod na lang ako kay Zeeian sa tuwing may tinuturo siya sa akin nag gustong magpapicture sa amin.

It took us an hour para makalabas mismo sa airport. Hindi naman kami nahirapan sa paglabas dahil sa dami ng bodyguards, natagalan lang kami dahil nagpapapicture kami sa mga fans na naghintay ng matagal sa amin.

Ano ba naman yung isang oras na pagbibigay ng atensyon sa kanila, 'di ba?

"Let's go, bal!" aya sa akin ni Zeeian. Sumakay na kami sa isang coaster na naghihintay sa amin sa labas. Kung maraming taong naghihintay sa amin sa loob ng airport ay mas maraming tao ang naghihintay sa amin sa may labas.

Halos magtulakan na rin sila kaya imbes na magbigay pa ulit kami ng oras sa kanila ay nagdere-deretso na kami sa loob ng coaster para pumunta sa pagsstay-an namin.

"Ang sakit ng panga ko! Potek na yan!" sigaw ni Kuya Kian habang minamassage ang panga niya dahil sa kangi-ngiti kanina.

"Sino ba kaseng nagsabing ngumiti ka ng todo?" mataray na sagot naman ni Amora sa kaniya na walang sawang nagre-retouch ng mukha niya magmula ng makasamay kami ng coaster.

"Welcome to Thailand, bal!" bulong sa akin ni Zeeian. Sa totoo lang para rin siyang Pilipinas pero medyo mas maayos dito kumpara doon.

"Si Tita Ianah ba 'yun?" gulat na tanong ko sakaniya. Tinuro ko pa ang pagkalaki-laking billboard ni Tita.

"Omsim, bal. Eh ayun sino yun?" tanong niya habang nakaturo sa malayo. Pagtingin ko sa billboard ay nakita ko ang picture nilang pamilya na may hawak na mga baggages. Parang model ata sila ng traveling bags.

"Hala, bal! Bakit mas pogi ka roon kaysa sa personal?" pang-aasar ko sa kaniya. Pero ang totoo sobrang pogi niya sa billboard. Nakakindat pa siya habang nakangiti, hila-hila pa niya ang isang maleta  na kamukhanng maletang binigay niya sa akin.

"Malabo na ata ang mata mo, bal." bulong niya kaya mabilis akong lumingon sa kaniya. Kamuntikan ng magdampi ang labi naming dalawa dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Mabuti na lang at nasangga yung ilong ko ng matangos niyang ilong.

"M-mas pogi k-ka pala sa p-personal, bal." kinakabahan kong sagot sa kaniya. Kinindatan lang niya ako habang nakangiti katulad ng ginawa niya sa billboard dahilan para magtaasan lahat ng dugo ko sa mukha ko.

Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)Where stories live. Discover now