Chapter 30

4.3K 109 30
                                    

Warning: R18

Solene Akasha POV

"Happy Birthday, Calix!" sabay na bati namin ni Zeeian pagkarating namin sa table nila ni Iyah. May dala kaming Mocha flavored na cake na paborito ni Calix.

"Salamat, Sol at tol." sabi ni Calix at nagbeso sa akin at yumakap naman kay Zeeian. Pagka-upo namin ay doon ko lang napansin na narito rin pala ang malandi kong pinsan na kaharap si Zendrick ngayon.

"Dito ka, Zeeian." malanding saad niya at sinenyasan si Zeek na ma-upo sa tabi niya. Nagkatinginan kami ni Iyah bago siya bumulong kay Calix na nasa tabi niya.

"Zendrick, pre. Baka pwedeng kayo na lang ni Kriztelle ang magtabi. Gusto kase ng girlfriend ko na katabi si Solene eh." malumanay na saad ni Calix kay Zendrick.

Walang nagawa si Zend kung hindi tumayo at tumabi sa pinsan kong masama ang tingin sa akin ngayon. Inalalayan ako ni Zeeian na maupo sa tabi ni Iyah bago siya umupo sa tabi ko.

"Anong balak natin mamaya, tol? Inom?" tanong ni Zeeian habang hinihiwa ang tonkatsu sa plato ko.

"Nagrent si dad ng club para mamaya, pre. Mag-iinom tayo magdamag." masayang sagot ni Calix kay Zeeian. Ramdam ko ang ngisi ni Kriztelle habang mapang-akit na nakatingin kay Zeeian.

Nakita ko kung paano niya dahan-dahang ipadausdos ang paa niya sa legs ni Zeeian papa-angat sa hita niya na papunta ata sa..

"Ouch!" sigaw niya ng apakan ko pababa ang legs niyang malapit ng mapunta sa gitna ni Zeeian. Tinaasan ko lang siya ng kilay habang siya ay dumadaing sa harapan namin.

Ilang linggo na siyang ganiyan. Nagsimula yun noong mag-away kami ni Zeeian ng dahil kay Zendrick at pagkatapos non ay hindi niya na nilubayan si Zeek. Palagi niyang nilalandi ito sa tuwing may chance siyang makalapit kaya wala akong magawa kung hindi paulit-ulit din siyang itaboy.

"Mauna na kami." sabi ko at tumayo na mula sa pagkaka-upo. Tapos na rin naman kaming kumain at may huling klase pa kami ni Zeeian ngayong araw.

"See you later, Zeeian. Susunduin mo ba ko?" malanding tanong niya kay Zeek. Kumukulo na talaga ang dugo ko sa gagang ito.

Hindi pa ba sapat sa kaniya ang lahat ng ginawa nila sa pamilya namin? Magulang niya ang rason kung bakit namatay si tatay. Sila ang dahilan kung bakit nawala sa amin lahat ng ari-arian na buong buhay pinagsikapan ni tatay.

"Sabay kami ni Solene pupunta. Ayun oh si Zendrick pasundo ka sa kaniya gamit yung bulok niyang Civic." rinig ko ang mahihinang tawa ni Calix at Iyah dahil sa sinabi ni Zeeian.

She held my waist tightly at sabay kaming naglakad papa-alis sa cafeteria. Isa ito sa rason kung bakit kinakaya ko pa ang mga kagagahan ng pinsan ko, alam ko kaseng hindi magpapalandi si Zeeian sa kaniya. Hindi ganoon ang nga tipo niya, ayaw niya sa mga babaeng mabilis makuha.

She likes someone like Bernadett to be exact. Yung simple lang at hindi halatadong mayaman. Matalino, mabait, tsaka masiyahin. Simple manamit hindi yung nagpapakita ng balat. Kumbaga dalagang Pilipina talaga. Hindi katulad ng pinsan ko.. at hindi rin tulad ko.

Habang nasa klase ako ay nag-order na ako ng ireregalo ko para kay Calix. Sapatos ang napili ko dahil ayun ang hilig ng lalaking 'yun. Parehong-pareho sila ni Tita Ianah na mahilig sa sapatos. Daming shoes collection eh dalawa lang naman yung paa nila.

"Susunduin na lang kita mamayang gabi, bal. Mga 7pm ako pupunta. Pina-uuwi kase ako nila Momma at Mommy pero susunduin kita, promise." sabi niya ng makarating kami sa tapat ng bahay.

"I'll wait you, okay? Ingat ka, bal." saad ko bago ako bumaba ng kotse niya. Pinanood ko muna siyang maka-alis bago ako tuluyang pumasok sa bahay.

4:30 pm na kaya nagsimula na akong maghanap ng susuotin ko. Ang dami kong revealing dresses na mula kay ate Zianah at dahil party naman yun ay isang backless white fitted dress ang napili kong suotin.

Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)Where stories live. Discover now