Chapter 48

5.4K 123 19
                                    

Zeeian Kai POV

"Ate, papirma naman ako ng parents consent ko kailangan na kaseng ipasa bukas eh wala naman si Mommy at Momma tapos hindi rin uuwi sa bahay si Mamala or mommyla." sabi ko at kinuha ang plastic envelope ko na naglalaman ng mga important papers for school.

Nandito kami ngayon sa sasakyan pauwi sa bahay dahil sabay-sabay ang uwi naming tatlo nila Ate at Kuya. Tsaka kahit naman hindi ay sabay-sabay kaming umuuwi kapag wala sila momma at mommy.

"Ako ang pinakamatanda kaya dapat ako ang pipirma riyan, yan-yan." nakangising sabi ni Kuya Kad na naka-upo ngayon sa harapan.

Itsura pa lang niya ngayon alam mo ng hindi mapagkakatiwalaan eh.

"Ayoko! Tite lang ilalagay mo! Wala pa naman na akong extra nito kaya kay Ate Z na lang." sabi ko kaagad habang hinahanap ang paper sa plastic envelope.

"Ayaw mo yun? Lalagyan ko pa ng itlog tsaka buhok para makatotohanan." tumatawang sagot niya sa akin.

"Yuck! So gross!" maarteng saad ni Ate na mas ikinatawa pa ni Kuya.

Dahil hindi ko mahanap ang parents consent ay inilabas ko lahat ng papel mula sa plastic envelope. Nang mailabas ko ay saktong pumreno ang driver dahilan para magkandahulog-hulog ang mga gamit ko sa lapag.

"Manong, please, drive safely." paalala ni ate. Hindi kase si Mang Ben ang sumundo sa amin kaya kahit si Kuya Kad ay sa harap umupo to secure our safety.

Tinulungan ako ni ate na magpulot ng mga papel sa lapag ng kotse at saktong nakita ko naman ang consent paper na hinahanap ko kaya isa-isa ko ng ibinalik ang mga gamit ko sa loob ng envelope.

"I taught you this, right? Bakit hindi mo sinagutan?" seryosong tanong ni Ate habang hawak-hawak ang test paper ko sa Gen. Math.

"A-ah, na mental block po k-kase ako, ate." nag-aalangang sagot ko sa kaniya.

Pero ang totoo ay hindi ko talaga sinagutan ang part na yun. Nakita ko kase si Solene during exam na mukhang hindi alam ang gagawin sa part na yun kaya sinadya ko talaga hindi sagutan.

Palagi kong minomonitor ang grades naming dalawa sa laaht ng subjects simula pa lang noong mga bata kami. She has a scholarship to maintain at kung mataasan ko siya ay possibleng mawala sa kaniya ang scholarship niya.

"Impossible, yan-yan. We've reviewed it a couple of times kaya hindi ako naniniwalang namental block ka." nakakrus na ang mga braso ni ate Z habang seryosong nakatingin sa akin.

"P-promise, ate! Tsaka mataas naman po ako, oh? Huwag ka ng magalit sige ka magiging kamukha ko si Daddylo." pang-aasar ko sa kaniya kaya mabilis nagbago ang mood niya at iniabot na sa aking ang mga test papers ko na pinulot niya.

I can ace all of my exams this term pero I chose not to since, hindi ko naman kailangan ang scholarship. Kapag kase naging valedictorian ay libre na ang magiging tuition fee hanggang sa college. Sobrang laking tulong non kay Solene at Kuya Seve kaya sinasadya ko na lang na malian ang ibang items ng mga exams ko.

Masayang-masaya pa rin naman sila Momma at Mommy kahit top 2 or maybe salutatorian ako. As long as nag-aaral ako ay ayos na sila, nagagalit kase sila kapag nagvavalorant lang ako magdamag tuwing exam at walang sawa nila akong sesermunan.

Hanggang sa magfinal exams ay ganun pa rin ang ginagawa ko sa exams ko. Hindi ko yun pineperfect at araw-araw din akong nakila Bal para sabay kaming mag-aral para sa exam. Mathematics is Solene's biggest enemy. Hindi naman siya totally bobo when it comes to math medyo matagal lang niya itong naipa-process to the point na napag-iiwanan siya.

Kaya syempre nandito ako to the rescue. Pinadadali ko lahat para mas maintindihan niya kaagad ang lesson. Minsan  kapag hindi ko kaya na mapadali ay walang sawa ko lang itinuturo sa kaniya ng paulit-ulit hanggang sa makuha niya. Matalino naman siya kaya pagdating sa ibang subject ay wala na siyang problema at mas nag-eexcell siya roon kaysa sa akin.

Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)Where stories live. Discover now