TKITD-2
Nag-aalangan pa akong umupo sa harapan ng punong guro. Napahugot ito ng malalim na hininga.
"Hindi na ako magpapaliguy pa Catherine. Ayaw ko mang gawin ito pero hanggang ngayong araw na lang ang pagtuturo mo dito sa eskwelahan..." Napasinghap ako sa narinig ko.
"Patawad Catherine. Masiyado kasing mainit sa taas ang iskwelahang ito. Kumalat kasi na nag-hire kami ng isang gurong kagaya mo at may papalit na sa'yo bukas," malungkot pang napatungo ang punong guro sa harap ko.
Wala akong ibang masabi. Parang nawalan ako sa tamang huwisyo dahil sa narinig ko.
"Catherine?" pukaw sa akin ng punong guro. Mabilis akong napalunok at tipid na ngumiti.
"Ayos lang po. Alam ko namang sumusunod po kayo sa patakaran," kalmado kong sagot.
Ang totoo'y gusto ko nang maiyak dahil sa pagkadismaya.
"Patawad Catherine..." paumanhin niya ulit.
"Wala po iyon. Puwede po ba na huwag na lang akong pumasok ngayong araw? Baka ho kasi umasa pa ang mga bata." Pakiusap ko.
Malungkot naman siyang napatango at iniabot sa akin ang sobre. Hula ko, ito ang huling sahod ko. Kinuha ko 'yong sobre at yumukod ako bilang pagrespeto.
Walang imik akong lumabas ng opisina. Walang kibo rin akong kinuha ang mga gamit ko sa klase ko at 'di na nag-abalang magpaalam sa kanila. Hindi ko kayang magpaalam sa mga bata. Halos mag-iisang taon ko ding nakasama ang mga bata at masakit 'yon sa akin. Mabilis kong tinungo ang paradahan ng Jeep at sumakay rito. Pinipigilan ko pa rin ang umiyak. Nang makarating ako sa bahay ay agad kumawala sa mga mata ko ang mga luha ko. Napahikbi ako. Ang saklap yata ng kapalaran ko ngayon. Wala na akong trabaho, siguradong malulungkot ang tiyahin ko nito. Mabilis kong pinahid ang mga luha sa pisngi ko. Agad akong kumilos para makapagpalit ng damit. Kailangan kong makahanap ng ibang trabaho.
NANLULUMO akong umupo sa kahoy na bangko sa isang tindahan. Sobrang pagkadismaya ang nararamdaman ko ngayon. Wala man lang ni isa ang nagpaskil sa mga establesyemento para sa kung sinong naghahanap ng trabaho. Halos naikot ko na yata ang buong baranggay Pag-asa, makahanap lang ng trabaho. Napapailing na lang ako at napatayo na. Dapit hapon na rin naman kaya napagpasiyahan ko nang umuwi sa amin. Nang makauwi ako sa bahay, agad akong nagpalit ng pambahay. Sinimulan ko na ring magluto para sa magiging hapunan namin. Habang nagsasaing ako ay para bang may malamig na hangin ang dumaan sa likuran ko. Marahan akong napalingon sa gawing likuran ko. Siguro'y malakas lang ang simoy ng hangin.
"Catherine..." tawag sa akin ng tiyahin ko kaya agad akong napalabas ng kusina.
"Po?" Napangiti naman siya nang makita ako.
"Halika. Mag-usap tayo saglit," sabi niya pa sa akin. Lumapit ako at naupo sa tabi nito.
"Anong nangyari?" Napalunok ako sa tanong niya.
"Wala na po akong trabaho," malungkot kong sagot habang nakatungo.
Napahugot naman ng malalim na hininga ang tiyahin ko.
"Mamaya mag-empaki ka na," utos niya. Napaigtad ako sa narinig ko.
"Bakit po?" nagtataka kong tanong.
"Isasama na kita sa trabaho ko," tipid na sagot niya at may hinalungkat sa bag nito.
"Naalala mo 'to?" sabi niya pa habang hawak ang isang mamahalin na lalagyan.
Laman nito ang napakamabangog pabango. Ito ang gustong-gusto ko noong mabili na pabango kaya lang masiyadong mahal sa isang gaya nitong nakalagay lang sa maliit na lalagyan. Ibinigay sa akin ni tiyang ang pabango.
"Ito tatandaan mo Catherine. Huwag na huwag mo sanang kaligtaang gamitin ang pabangong 'yan sa oras na tumuntong tayo doon, kahit sa gabi," bilin niya pa.
"Po? Madali ho itong mauubos," kunot-noo kong sabi.
"Marami silang ganito para sa 'yo." Sagot naman niya.
Tumahimik na lang ako. Wala rin namang patutunguhan kung magtatanong pa ako kung bakit. Tiyak na iiwasan lang ng tiyahin ko ang mga nais kong itanong sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/39701383-288-k941150.jpg)
BINABASA MO ANG
THE KNIGHT IN THE DARK [Zoldic Legacy Book 1] (WATTYS2016 WINNER)
VampireSeries 1 Highest Rank on Vampire Genre #1 Highest Rank on Vampire Genre #2 (3-9-2018) Highest Rank on Vampire Genre #3 (3-12-2018) WATTYS2016 WINNER Zoldic Legacy Series Si Catherine, isang inosenteng babaeng walang kamuwang-muwang sa mundong pina...