TKITD-33

27K 758 32
                                    

TKITD-33

*****

"Zairan, may naisip ka na bang plano?" Ani Mocha habang ang mata ay nakatuon sa binabasa nitong libro.

Yumuko ako ng kaunti para makita ang pamagat ng kanyang binabasa. Hindi ko mabasa ang pamagat ng libro dahil nakasulat ito sa ibang linguwahe. Kumikit-balikat nalang ako.

"Wala akong maisip." Ani Zairan. Napalunok ako. Wala nga ba? O sadyang wala itong balak na iligtas ako.

"Lalagyan ko ng tali ang totoong tulay." Ani Mocha.

"Binago nila ang laro kay imposibleng mahulaan mo." Tila seryoso si Zairan sa mga binibitawan niyang salita.

"Puwes mag-isip pa tayo ng iba!" Tila galit na si Mocha sa kakaisip ng paraan mailigtas lang ako.

Ibinagsak nito ang hawak na libro sa mesa at tila kaunting hampas pa nito ay matatangal na ang mga turnilyo ng mesa namin. Napapailing at napapapikit ako ng mariin. Nahihirapan sila sa akin.

"Maaari ba na huwag niyo na lamang pagtalunan ang bagay na iyan. Kung araw ko na, wala kayong magagawa." Buong tapang kong wika na ikinagitla nilang dalawa.

Napatiim bagang lang si Zairan at wari'y hindi ito sang-ayon sa inilahad ko. Ganoon din si Mocha na napapaawang lang ang bibig at ipinagpatuloy na lamang ang pagbabasa.

Ibinaling ko ang aking atensyon sa labas ng bintana. Parang simpleng baryo lang ang mga nadadaanan namin ngunit bakas sa mga kilos at mukha nila ang totoong kaanyohang nakakubli. Napukaw din naman ang aking atensyon nang may mailapag na tatlong kopita sa mesa namin. Para akong masusuka ng maamoy ko ang laman nito. Hindi ko man nakikita ang laman nito ngunit alam kong dugo 'yan ng tao. Iniusog ko ang isang kopitang nakalaan para sa akin.

"Ito..." Iniabot ni Zairan sakin ang isang supot ng tinapay at isang bote ng tubig.

Nagdadalawang isip pa ako kung kukunin ko ba ito o hindi, pero kumakalam na ang sikmura ko at kailangan kong kumain. Kinuha ko na lamang ito at nagpasalamat sa kanya. Hindi ito umimik at nilagok lahat ang laman ng kanyang kopita. Bahagya pang kumalat ng kaunti sa gilid ng labi niya ang dugo na kanyang nainom. Napalunok ako at napayuko. Naalala ko si Steffano at ang mga labi nitong kaakit-akit. Muli akong napatanaw na lamang sa labas ng bintana. Darating kaya siya ngayong nasusuong ako sa matinding panganib. Ngunit labis ko din na ikinabahala ang gagawin niya kung sakali mang magpapakita siya mamaya. Para sa kanila si Steffano ay mapanganib at taliwas iyon sa paniniwala ko sa kanya. Mabait ito sa akin at busilak ang pagmamahal na inilalaan nito para sa akin. Wala man akong kasiguraduhan sa kung ano mang relasyon ang namamagitan samin ngunit sapat na sa 'kin ang kanyang prisensya.

Napaigtad ako nang humito ang sinasakyan naming tren. Napasulyap ako kay Mocha. Halata sa mga mata nito ang matinding pag-aalala para sa kaligtasan ko. Hinawakan ko ang kanyang kamay, indikasyon na kaya ko itong lagpasan at magiging maayos ako. Niyakap naman ako nito ng biglaan, pilit nitong pinapatatag ang aking kalooban at labis iyong ikinagaan ng loob ko. Kumalas ito nang yakap sakin at ginayak na akong lumabas ng tren. Ngumiti lang ako rito ngunit hindi pa man kami nakakalabas ni Mocha ay bigla na lamang hinawakan ni Zairan ang kaliwang kamay ko. Napalingon ako sa kanya at takang-taka na napapatig sa kamay naming magkahawak.

"Itatakas kita dito, sumama ka lamang sa akin Catherine." Pabulong nitong ani.

Bago pa man ako makasagot ay malakas na hangin ang humampas sa tren.

"Catherine..." Bulong ng hangin sakin. Natigilan ako at agad na binawi ang aking kamay.

"Kung tatakas ako ay mas lalo lamang akong mapapahamak. Alam kong mabuti ang iyong intensyon ngunit ngayon pa lamang Zairan ay supilin mo na ang iyong nararamdaman sa 'kin dahil mapapahamak ka lang." Wika ko at agad na sumunod kay Mocha.

Napansin siguro nitong nakahawak si Zairan sa akin kaya umuna na itong pumanaog. Nang lumapat sa lupa ang aking mga paa ay siya ring pagbulong sa akin ng hangin.

"Catherine..." Pakiramdam ko ay nanghina ang aking mga tuhod sapagka't alam ko ang nais nitong ipahiwatig sa 'kin. Galit na naman ito at pilya akong napangiti ng kaunti. Talagang napakaseloso nito ngunit wala siyang dapat ipangamba dahil tapat ang pag-ibig ko sa kanya.

"Catherine..." Pukaw sakin ni Mocha at tila'y nag-aalala pa rin ito sa akin.

Maluwag akong napangiti upang ipahiwatig sa kanya na hindi ako apektado. Malakas ang aking loob at dahil iyon kay Steffano. Hinila ako ni Mocha at ngayon ko lang nailibot ang aking mga mata sa lugar na pinagdalhan sa amin. Naglalakihang mga puno at mayayabong na damuhan. Tila'y hindi naabuso ang kagubatang ito dahil sagana pa sa mga prutas na maaari lang pitasin.

"Maligayang pagdating sa kagubatan ng isla bakunawa, Catherine." Masigla pang wika ni Mocha sa akin at ngiti lamang ang naitugon ko.

"Natakam ka sa mga bunga na iyong nakikita?" Naitanong nito. Napatango ako at kunwarian pang hinaplos ang manipis kong tiyan. Sumersoyo ang mukha nito.

"Huwag kang padadala sa nakikita mo Catherine dahil ilusyon lamang ang nakikita mo. Subukan mong hawakan at makikita mo ang tunay nitong anyo." Anito. Nagsalubong naman ang aking mga kilay.

"Maligayang pagdating sa mundo ng ilusyon Catherine." Anito at hinawakan ang kamay ko.

THE KNIGHT IN THE DARK [Zoldic Legacy Book 1] (WATTYS2016 WINNER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon