TKITD-44

23.8K 712 29
                                    

TKITD-44

*****

Nakapikit ang aking mga mata ngunit rinig ko ang mga yabag nila. Mga kalansing ng mga gamit. Mahinang usapan din nila'y naririnig ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Sinapo ko ang aking noo dahil tila hindi maganda ang aking pakiramdam. Natigilan pa ako ng kaunti sa napuna ko. May mga benda ang pareho kong kamay. Napabangon ako.

"Steffano..." Unang naibigkas ko at nanginginig pa ang aking mga kamay.

Unahan sa pagtulo ang aking mga luha. Hindi iyon panaghinip dahil talagang totoo iyong nangyari.

"Ahh!" Daing ko at napatakip ng mukha ko gamit ang aking mga kamay na may benda.

"Hindi totoo iyon! Hindi! Ahh!" Pagwawala ko at tinapon sa sahig ang kumot na nakabalot sa akin, pati na ang mga unang ginamit ko.

Sinabunutan ko ang aking sarili sa sobrang pagdadalamhati ng aking dibdib. Para akong winawasak sa tuwing binabalikan ng aking utak ang mga eksenang naganap!

Pakiramdam ko'y nawalan ng saysay ang aking buhay. Nag-angat ako ng aking paningin ng magbukas ang pinto at iniluwa nito ang Mama. Agad nito akong dinaluhan at agad ko itong niyakap. Napahagulhol ako ng matindi sa balikat nito.

"Anong nangyari Catherine?" Tila bakas sa boses nito ang pag-aalala.

"Wala na siya! Wala na!" Napahagulhol akong muli.

Iniharap nito ako sa kanya at pinunasan ang aking mga luha sa mata ngunit walang humpay pa din ito sa pag-agos.

"Sabihin mo sa akin ang nangyari Catherine upang maunawaan kita." Anito. Umiling ako.

"Wala akong maalala." Pagsisinungaling ko.

"Ngunit bakit ka nagkakaganyan?" Napaatras ako at niyakap ang aking mga tuhod.

"Hindi ko alam." Tipid kong sagot at ibinaling ang aking paningin sa labas ng aking bintana.

Hindi nila puwedeng malaman iyon! Rinig ko ang pagbuntong-hininga nito at hinaplos na lamang ang aking buhok. Tumayo na ito at akmang lalabas ng aking kuwarto ngunit kita ko ang pagtigil nito dahil bumungad sa kanya ang aking tiyahin.

"May pagsusulit na naganap ang mga bata at ayon sa kanila'y isa ang nasawi." Ani ng aking tiyahin.

Rinig ko pa ang pagsita sa kanya ng Mama at tuluyang lumabas ng aking kuwarto. Napahagulhol akong muli. Hindi ako puwedeng magkamali. Si Steffano iyon!

"Diyos ko! Bakit siya pa! Hindi siya kasama sa kabaliwang laro na iyon! Hindi!" Parang pinipiga ang aking puso sa sobrang pagdadalamhati ko sa pagkawala niya. Hindi ko man lang siya natulungan. Wala akong kuwenta!

*****

Isang linggo ang lumipas...

Isang linggo akong hindi pumasok sa unibersidad.

Isang linggo na akong nagkukulong sa aking silid. Ni ang makipag-usap sa iba'y wala akong gana.

Binibisita ako ni Mocha ngunit hindi iyon sapat upang maibsan ang aking pakiramdam.

Isang linggo na akong nangungulila sa kanya. Pati ang hangin na dati'y bumubulong sa akin ay naging payapa.

Isang linggo ko na ring iniiyakan ang pangungulila ko sa kanya.

Talaga ngang totoo na nangyari iyon at ayaw tanggapin ng sistema ko ang pagkawala niya. Mahal na mahal ko siya ng higit pa sa buhay ko. Hindi ako makakatagal sa lugar na ito kung 'di dahil sa kanya.

Bawat araw akong nangungulila sa mga yapos niya, lalo na ang mga halik nito. Ngunit paano ko maibabalik ang nakasanayan ko na gayong wala na nga ito. Paano na? Pinahiran ko ang aking mga luha gamit ang aking mga daliri at marahang bumaba sa aking kama. Wala ako sa aking sarili na pumanaog at lumabas ng bahay. Alam kong malapit na ang hating gabi ngunit balewala ito sa akin.

Tinahak ko ang daan patungo sa tagong hardin at ramdam ko ang pagtatayuan ng aking mga balahibo sa katawan dahil sa tindi ng lamig na yumayakap sa akin. Ngunit balewala pa rin ito sa akin hanggang sa ako'y tuluyang makarating sa hardin. Walang ipinagbago ang paligid kahit na isang linggo rin akong hindi nagagawi rito.

Diretsong lakad ang aking mga paa sa ilog. Parang gusto ko ng mawala sa mundong ito. Gusto ko na tapusin ang sakit na nararamdaman ko. Dahil sa tuwing naaalala ko siya'y parang dinudurog ang puso ko sa sobrang paghihinagpis.

Sa bawat hakbang ng aking mga paa ay siya ring pag-agos ng aking mga luha sa mata. Hindi ko na kaya! Paglapat ng aking mga paa sa tubig ay gumapang sa katawan ko ang matinding lamig ngunit mas nangingibaw ang sakit dito sa aking dibdib.

Nang mailublob ko ng tuluyan ang aking sarili sa tubig ay parang mas lalong madudurog ang puso ko.

Nakikita kong buhay si Steffano sa harapan ko at tila'y bakas sa mukha nito ang pag-aalala sa akin. Mariin akong napapikit at ikinagulat ko ang biglaan kong pag-angat. Mga labi nitong nakalapat sa akin, mga bisig nitong nakapulupot sa baywang ko. Damang-dama ko lahat at para bang ito'y totoo.

Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Gulat akong napatitig sa kanya at bahagyang napaatras. Bahagya pang napaawang ang aking bibig dahil sa tindi ng gulat.

"B-buhay k-ka?" Naisambit ko. Pilyo itong ngumit sa akin na ikinais ko naman ng husto.

Wala sa sarili ko siyang nasampal dahil sa tindi ng pagkainis ko!

Isang linggo din akong naniwala na patay na siya. Pinagpapalo ko siya sa dibdib niya habang patuloy sa pag-agos ang luha ko. Galit ako! Galit! Ngunit hindi ko pa rin maitatanggi sa sarili ko na masaya ako ng sobra! Hinawakan nito ang magkabilang pulsuhan ko. Doon ko lamang napansin ang mga marka sa kanang kamay niya at mukhang gumapang ito sa leeg niya pati na sa pisngi. Itim ang kulay nito at para siyang tangkay ng mga rosas na kabit-kabit.

"Isang linggo ko ding pinilit na mawala ang mga markang ito ngunit talagang kailangan kita." Aniya.

Napatanga pa ako dahil hindi ko naman alam ang gagawin ko at hindi ko din siya maintindihan.

"Nagtatampo pa ako sa iyo alam mo ba---" Sinakop nito agad ang aking labi.

THE KNIGHT IN THE DARK [Zoldic Legacy Book 1] (WATTYS2016 WINNER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon