TKITD-45
*****
Niyapos nito ang sensitibong parte ng aking katawan. Nanghina ang aking mga tuhod at napakapit sa kanyang batok.
"Steffano..." Naiusal ko sa pagitan ng mga halikan namin ngunit parang wala man lang itong narinig.
Pinunit nito ang aking suot na bestida at wala itong itinirang saplot sa aking katawan. Tuluyang tumambad sa kanya ang matatayog kong hinaharap. Dumausdos ang mga halik nito sa akin mula sa aking labi hanggang sa aking dibdib. Napasinghap ako. Nakuha ko pang sulyapan ang ginagawa niyang pagpapala sa akin. Puna ko din namang mas lalong kumalat ang mga marka sa kanyang mukha ngunit hindi pa din iyon naging kabawasan sa pagiging magandang lalaki nito.
"...aah!" Napaliyad ako at napapikit ng mariin.
Damang-dama ko ang kirot kung paano dumiin ang mga kuko nito sa aking likod. Kakaibang pakiramdam ang ipinalalasap niya sa akin. Dumausdos pang muli ang mga labi nito at bahagyang nag-angat nang tingin sa akin. Bahagya nito akong kinarga at biglaang tinarak sa aking kaibuturan ang bagsik ng kanyang sandata. Napakapit ako ng husto sa batok niya at pinagdikit ang aming mga noo. Kinantilan nito ako ng halik. Tuluyan ng kumalat sa buong mukha nito ang itim na marka. Mabigat ang naging paghinga nito.
"Da mihi..." Sambit nito kasabay ng kanyang pagbayo.
"...aah!" Hiyaw ko. Hindi ko maintindihan ang katawan ko.
"Da mihi...amorem...tuum..." Sambit nitong muli.
Nakakabingi! Hindi ako mapalagay at halos mapadiin na ang pagkapit ko sa batok niya.
"...anima cor tuum...in fortitudine mea in...." Muli nitong sambit at para na naman akong kinukumbolsyon.
Ganitong-ganito ang pakiramdam noong huli kaming magniig.
"...saeculum saeculi..."
Masakit sa kalamnan!
"...aah! S-steffano!" Protesta ko ngunit tila'y para itong bingi.
"...ut amor sicut!" Muling sambit nito at halos hindi na ako magkamayaw sa paghiyaw. Masarap ngunit masakit sa katawan at hindi ko maintindihan kung bakit.
"Catherine..." Sambit nito habang patuloy sa pagbayo sa akin.
Ilang segundo lang ay abot ko na ang sukdulan. Napaungol ito ng malakas at mabilis nitong kinabig ang aking batok at ramdam na ramdam ko ang pangil nitong nakadiin sa leeg ko. Pakiramdam ko'y nalanta ang buo kong katawan. Hindi ko maigalaw ni isang daliri ko. Tanging pandama ko lamang ang gumagana sa akin ngayon. Hindi man malinaw ang aking nakikita ngunit damang-dama ko kung paano nito sipsipin ang dugo ko. Damang-dama ko rin ang sarili kong dugo na umaagos mula sa leeg ko pababa sa aking dibdib. Pansin kong tumigil ito at nag-angat ng kanyang paningin. Hindi man malinaw ang aking nakikita ngunit naaaninag ko ang mukha nito. Kumalat sa buong bibig at leeg niya ang aking dugo. Laking pagkamangha ko pa't nawala ang markang kanina lang ay halos lamunin na siya nito. Ramdam ko ang marahang pag-alalay nito sa akin at inihilig ang aking ulo sa dibdib nito. Hindi ako makagalaw at hindi ko alam kung bakit.
"Akin ka lang Catherine at walang sinuman ang hahadlang sa akin. Kahit pa ang Zairan na iyon." Anito.
Ungol lang ang aking naitugon bago ako hinatak ng aking antok.
*****
Nagising ako ng biglaan nang maramdaman kong may malamig na labing dumampi sa leeg ko. Napakurap pa ako ng tatlong beses bago tuluyang napadilat. Pumaling ako sa tagiliran ko at nasilayan ko ang mukha nito. Isiniksik ko ang sarili ko sa kanya, na siya ring pagkulong ng mga bisig nito sa akin. Puna kong sa sahig kami nakahiga at tanging kubre kama lang ang aming sapin.
"Akala ko'y panaghinip na naman iyon." Malungkot kong wika. Hinaplos nito ang aking pisngi.
"Patawad kung natagalan ako." Anito. Nangilid ang luha ko sa mata ng masagi sa balintataw ko ang eksenang naganap sa larong iyon.
"Ang akala ko'y iniwan mo na ako." Wika ko sa pagitan ng aking pag-iyak.
"Laro lamang iyon Catherine." Sagot nito at kinantilan ng halik ang aking noo.
"Ako ang dahilan kung bakit hindi ka makalabas sa kuwartong iyon. Ako ang pumigil sa mga bintana upang hindi mo ito mabasag. Ako ang nagkulong sa 'yo sa kuwartong iyon." Pagsisiwalat nito.
Napaawang ang aking bibig sa nalaman ko. Totoo ngang nakita ko siya sa replika ng mga salamin ngunit hindi ko talaga alam na totoong naroon nga siya.
"Bakit?" Puno ng pagtataka kong tanong.Hinaplos nitong muli ang aking pisngi hanggang sa umabot ito sa aking leeg.
"Hindi na kita mababawi sa oras na lumabas ka sa kuwartong iyon. Kailangang sumapit ang ala-sais ng umaga upang mawala ang bisa ng laro." Napayakap ako sa kanya.
Nagkamali ako. Dapat akong magtiwala sa kanya at huwag pagduduhan kung gaano ako kahalaga para sa kanya. Hinawi nito ang aking buhok at bahagya pang hinaplos ang parte kung saan naiba ang kulay. Pumaibabaw ito sa akin at siniil ako ng halik.
"Gusto ko ang kulay na iyan kaya't huwag mabahala." Anito na ikinakunot ng aking noo.
"Hindi ito normal." Tukoy ko sa aking buhok. Ngumiti lang ito ng kay tamis at hinalikan ang tungki ng aking ilong. Napapikit na lamang ako at nang magdilat ako'y wala na ito.
Napabangon ako at iniligpit ang ginamit naming kumot. Humarap pa ako sa salamin upang makita ang buhok ko. Lumawak ng husto ang pag-iiba ng kulay nito. Napangiti ako. Hindi ko kailangang magduda muli sa kanya bagkus ay dapat kong palawakin ang pagtitiwala ko.
Sinulyapan ko ang antigong orasan. Ala-sais na ng umaga at kailangan ko na ang pumasok sa iskuwela. Matagal din akong namahinga dahil sa pag-aakala kong wala na ang pinakamamahal kong si Steffano. Wala sa sarili kong hinaplos ang aking leeg. Wala akong matandaan na kinagat niya ako pero bakit parang pakiramdam ko'y oo. Pinilig ko ang aking ulo at tuluyan na akong pumasok sa banyo. Kailangan ko na ang gumayak upang huwag akong mahuli sa klase. Matapos kong mag-ayos ng aking sarili'y pumanaog na ako at tinungo ang kusina.
![](https://img.wattpad.com/cover/39701383-288-k941150.jpg)
BINABASA MO ANG
THE KNIGHT IN THE DARK [Zoldic Legacy Book 1] (WATTYS2016 WINNER)
VampirSeries 1 Highest Rank on Vampire Genre #1 Highest Rank on Vampire Genre #2 (3-9-2018) Highest Rank on Vampire Genre #3 (3-12-2018) WATTYS2016 WINNER Zoldic Legacy Series Si Catherine, isang inosenteng babaeng walang kamuwang-muwang sa mundong pina...