TKITD-6
PANAY ang sulyap ko sa mamahaling relong suot ko. Ayaw ko mang isuot ito ay masiyadong mapilit ang tiyang. Napabuntong-hininga ako. Binibilang ko ang bawat minuto. Pagkahinto ng sasakyan, agad na akong bumaba at hindi na nag-abalang hintayin pa na pagbuksan ako. Hindi naman ako baldado para tratuhin ng ganito ka espisyal.
"Tatlumpong minuto..." bulong ko sa kawalan.
Tatlumpong minuto ang itinagal nang biyahe namin mula sa bahay papunta dito sa paaralan. Kung tutuusin ay kaya naman nang lakaran lang. Mabagal lang din naman ang takbo ng sasakyan kaya wala pa siguro sa tatlumpong minuto 'yon. Pagkalabas ko ay agad din naman silang umalis. Sa unang tingin ko pa lang sa lugar ay namangha na ako. Ang laki ng unibersidad na ito para sa akin.
"Bb. Catherine Lumibao?" tawag pa sa akin mula sa likuran ko.
"Po?" nagtataka ko namang sagot.
Bahagya niya akong tinaasan ng kilay at tinalikuran ako.
"Sumunod ka sa akin," utos niya.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Habang papasok kami sa loob ay pansin kong matamang nakatingin sa akin ang mga estudyanteng nadadaanan namin. Sobrang lagkit sila kung makatingin sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay kung may dumi ba ako sa muka o may mali ba sa damit kong suot.
"Catherine..." untag pa sa akin ng babaeng may edad na ito at ginayak ako papasok sa isang malaking kuwarto.
Kung makikita mo, mga sinauna pang muwebles ang gamit at dekorasyon nito.
"Maupo ka..." utos niya muli kaya tumalima ako agad.
Binigyan naman niya ako ng isang maliit libro. Medyo may kalumaan na ito pero maayos pa naman ang bawat pahina.
"Nandiyan lahat ng patakaran, mga dapat gawin at hindi dapat..." paliwanag niya pa.
"At ako ang taga-pamahala ng eskwelahang ito..." dagdag niya muli.
Tango lang ako ng tango. Nakakatakot 'yong awra niya.
"Ito ang numero ng klase mo at makakaalis ka na."
Napatayo naman ako agad sa sinabi niyang iyon dahil hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa kanya. Simpleng paumanhin lang din ang itinugon ko at tuluyan nang lumabas ng opisina niya. Napatanga ako sa hawak kong susi ng magiging lagayan ng mga gamit ko at pati na sa klase kung saan man ako kabilang.
"Class A-R1..." naibulong ko sa sarili ko.
Tahimik na ang buong pasilyo at ako na lang ang mag-isang naglalakad at patingin-tingin sa mga pasilyo para hanapin ang silid-aralan ko. Sa pagpaling ko paharap ay tumilapon na lang ako bigla dahil sa lakas nang pagkakabunggo sa akin.
Napadaing ako dahil sa tindi nang pagbagsak ko pero hindi ko iyon inalintana dahil mas itinuon ko ang atensiyon ko sa kaharap ko. Pakapa-kapa ito sa sahig. Mabilis akong napatayo kahit na pakiramdam ko'y kumikirot pa ang balakang ko. Pinulot ko 'yong malaki niyang salamin na may grado. At ako na mismo ang nagsuot nito sa kanya at tinulungang makatayo. Nakasuot din siya ng unipormeng gaya ko. Nakalugay lang buhok nito at medyo maalon-alon na kulay itim.
"Ayos ka lang?" pang-uusisa ko.
Napaangat naman siya ng tingin sa akin dahil bahagya akong mas mataas kumpara sa kanya.
"Ha? Dapat ako magtanong niyan sa 'yo eh. Ayos ka lang din ba? Pasensiya na talaga, nagmamadali lang talaga ako," paumanhin niya.
Marahan akong napatango at tipid na ngumiti. Pinulot naman niya 'yong susi ko.
"Class A-R1!?" basa niya sa hawak nito at bahagyang nagulat.
Bahagya rin siyang napaatras at napayukod. Napakunot ako ng noo ko.
"May problema ba?" nagtataka kong tanong at kinuha ang hawak niya. Saka din naman siya napaayos ng tayo at hindi makatingin sa akin ng diretso.
"Wala! Tara na sa klase," yaya niya.
Nagtataka man ngunit mas pinili ko na lang ang sumunod nang lakad. Mukhang matagal na siyang nag-aaral dito, base na rin sa ikinilos niya kanina nang malaman niya kung anong klase ako nabibilang.
BINABASA MO ANG
THE KNIGHT IN THE DARK [Zoldic Legacy Book 1] (WATTYS2016 WINNER)
Ma cà rồngSeries 1 Highest Rank on Vampire Genre #1 Highest Rank on Vampire Genre #2 (3-9-2018) Highest Rank on Vampire Genre #3 (3-12-2018) WATTYS2016 WINNER Zoldic Legacy Series Si Catherine, isang inosenteng babaeng walang kamuwang-muwang sa mundong pina...