TKITD-56

23.2K 700 12
                                    

TKITD-56

*****

"Catherine..." Tawag muli ni Steffano sa akin kaya lumapit ako sa kanya ng husto at inabot ang kamay nito.

Bahagya ko pang sinulyapan ang aking tiyahin. Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala na hindi ko rin naman mawari kung bakit. Isinirado ni Steffano ang pinto ng aking silid at inakay ako paakyat ng hagdan.

"Saan mo ako dadalhin? Bakit kilala ka ni tiyang Nely?" Tanong ko agad sa kanya.

"Ssh..." Tanging tugon nito sa akin.

Wala kaming hinto sa pag-akyat hanggang sa umabot kami sa ika-apat na palapag.

"Bakit tayo nandito?" Tanong kong muli ngunit gaya nga ng dati ay wala itong imik.

Dinala niya ako sa palapag na ito kung saan naririnig ko ang pagkaladkad ng mga kadena at ipinagbabawal ito ni Mama na puntahan.

Binuksan nito ang pinto ng silid at bumungad sa akin ang napakalaking salamin. Walang ibang muwebles na nakalagay sa loob ng silid na ito, maliban sa malaking salamin na nasa harapan namin ni Steffano.

"Gusto mo malamang ang sagot sa lahat, ipapakita ko sa iyo." Ani Steffano at kinantilan ng halik ang aking leeg.

Kinuha nito ang aking kamay at sinugatan ang aking palad. Nang umagos ang dugo'y idinikit niya ang aking palad sa malaking salamin. Nagulat ako sa nakita ko sa salamin, mga eksenang naganap sa nagdaang taon.

*****

Ang Nakaraan...

"Masaya ka ba, mahal ko?" Ani Zairan sa akin ngunit nag-iwas ako ng aking tingin.

"Masaya, ngunit sa ay huwag
mo ako tawagin sa ganyang paglalambing." Wika ko.

"Ngunit Ren..." Napatayo ako.

"Alam mo ang totoo Zairan. Huwag na sana natin itong ungkatin pa." Umalis ako sa puwesto namin at tinungo ang bulwagan kung saan gaganapin ang kasiyahan.

Habang tinatahak ko ang daan ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapaluha. Nakukunsensya ako sa ginawa kong pagtanggap ng pag-ibig niya para sa akin gayong ang totoo'y iba ang laman ng aking puso. Mapilit ito sa nararamdam niya para sa akin, kaya't ng malaman ko na wala na akong pag-asa kay Cedrick ay agad akong nagpasya na maging kasintahan ni Zairan.

Ngunit taliwas iyon sa totoo kong nararamdaman. Ngayon ay para akong tanga na dadalo sa kasiyahan ng pag-iisang dibdib ni Cedrick at ni Akesha. Ngayon ay nagsisisi ako kung bakit pumasok pa ako sa mundo nila gayong masasaktan din naman pala ako sa huli. Napailing ako at muli na ang humakbang pa, ngunit bago pa man ako makapasok sa bulwagan ay nahagip ng aking paningin si Mattheaus na kasama si Akesha sa lilim ng malaking puno. Wari seryoso ang pinag-uusapan ng dalawa. Wala rin naman ako sa aking sarili na lumapit at magtago sa mayabong na damuhan.

"Nainom niya ba?" Wika ni Mattheaus habang may hawak pa itong maliit na bote.

"Gaya ng plano natin, mapapaibig ko siya gamit ang dugong iyon." Sagot naman ni Akesha. Natutop ko ang aking bibig dahil sa narinig ko.

"Mga hayop!" Pagpipigil ko ng aking galit.

Bago pa man ako lumabas sa aking pinagkublihan ay nagulat na lamang ako sa ginawa ni Matteaus kay Akesha. Ibinalibag niya ito sa pader.

"Hangal ka! Lason ang ibinigay ko sa kanya at hindi panlinlang ng nararamdaman. Sa oras na sumikat ang araw, tuluyan siyang magiging abo, iyon ay kung hindi siya magtatago." Napahalakhak pa ito.

"Hayop ka Mattheaus! Sarili mong kapatid ay gusto mong paslangin!" Naibulong ko sa kawalan, sa pagitan ng aking pag-iyak.

Agad ako kumaripas nang takbo palayo at tinungo ang bahay nila Cedrick. Nang makarating ako'y, agad na hinanap ng aking paningin si Nely.

"Nely!" Tawag ko rito.

"Nely!" Muling tawag ko at bumungad ito sa akin na dala ang libro ng mga ritwal.

"Senyorita Ren, bakit ho?" Tanong nito. Kinuha ko sa kanya ang libro.

"Ginamit ba ito ni Matteaus!?" Agad na punto ko.

"Kaninang umaga po, naiwan niya nga po sa kusina." Simpleng sagot naman nito.

Binuklat ko agad ang libro at agad na hinanap ang ritwal na ginamit nito. Natutop ko ang aking bibig at muling napaluha nang mabasa ko ang laman ng pahina.

"H-hindi ako makakapayag!" Hinarap ko si Nely na nasa aking likuran.

"Pakiusap Nely, kontrahin mo ang lason. Nagmamakaawa ako sa iyo." Agad na hiling ko at napaluhod sa harapan nito.

"Senyorita Ren, pakiusap! Tumayo ho kayo." Nailing ako at muling napahagulhol.

"Ikaw nalang ang pag-asa ko Nely. Pakiusap, iligtas mo si Cedrick. Sisikat na ang araw at tatlong oras na lamang ang natitira sa atin." Muling hinaing ko.

"Ho? Diyos ko, ang alaga ko." Natataranta din nitong sambit.

Tinulungan niya akong makatayo at kinuha ang libro.

"Diyos ko! Hindi ko magagawa sa inyo iyan, Senyorita Ren." Reaksyon nito ng mabasa niya ang lunas.

Hinawakan ko siya sa magkabilang braso.

"Gawin mo! Hindi na ito pakiusap! Inuutusan kita!" Mariin kong wika.

Alanganin itong napailing. Tinungo ko ang kusina at kumuha ng punyal. Sinugatan ko ang aking palad at isinalin sa kopita ang dugo ko. Bumalik ako kay Nely bitbit ang kopita at hinila siya paakyat ng hagdan.

"Senyorita Ren, may iba naman pong sulusyon dito." Ani Nely.

"Manahimik ka! Ito lang ang paraan para mawala iyon! Kailangan mo akong ialay sa buwan." Mabilis ko siyang hinila sa ikaapat na palapag at binuksan ang nag-iisang silid na narito.

Bumungad sa akin ang malaking salamin. Isinaboy ko ang aking dugo sa malaking salamin at binuksan ang bintana. Itinapat ko ang salamin sa buwan.

"Ngayon na Nely!" Utos ko bago tuluyang mawala ang buwan.

Humarap ako sa salamin. Patawarin sana ako ng pamilya ko ngunit mahal ko si Cedrick ng higit pa sa buhay ko.

THE KNIGHT IN THE DARK [Zoldic Legacy Book 1] (WATTYS2016 WINNER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon