TKITD-10
"CATHERINE..." mahinang bulong sa akin ng hangin.
Napalinga ako sa kung saang-saang dako ngunit walang kahit sino man ang nasa paligid ko.
"Catherine..." Narinig kong usal nito ulit sa kawalan. Sinundan ko kung saang tinig mang dako iyon naroon.
Sa paghawi ko ng isa pang baging na nakaharang sa harapan ko, bumungad sa akin ang isang mala paraisong hardin. Nakapalibot sa akin ang iba't ibang klase ng mga bulaklak na sa tanang buhay ko ay ngayon ko lamang nakita. Sa dulo nito, may malawak din na ilog na matatanaw. Pansin ko rin na kay haba ng mga biyas ng mga puno na nakapalibot sa akin. Natuwa ako sa nakikita ko dahil unang beses kong makakita ng ganitong lugar. Sa paglalakad ko, napadpad ako sa may ilog at doon tumunghay. Sa linaw ng tubig anito'y para akong nananalamin. Pero sa gitna ng kasiyahan ko ay narinig ko muli ang pagtawag sa akin ng pangalan ko.
"Catherine..." ani nito na parang ibinulong lang sa hangin.
Napapitlag ako at natigilan sa naaninag ko sa kabilang dako ng ilog. Napasinghap ako at napatakip ng bibig. Napaatras din ako dahil sa sobrang pagkagulat.
"Hindi ito totoo!" mariing sambit ko sa kawalan.
Ang mga bagay na nakikita ko sa panaginip ko ay ganoon din ang nakikita ngayon mismo ng mga mata ko. Hindi na ako nag-atubili pang napatakbo palayo habang napapalingon sa gawing likuran ko. Parang kinukumbulsyon ang katawan ko dahil sa sobrang takot. Sa isang iglap lang ay may kung anong bumangga sa akin na siyang ikinabagsak ko sa damuhan at napapikit ng mariin dahil sa sakit nang pagbagsak ko. Imumulat ko na sana ang mata ko pero natigilan ako. Namanhid ang buo kong katawan dahil sa pakiwari ko ay may mabigat na bagay ang dumagan sa akin.
"Manatili ka sa tabi ko, Catherine..." bulong nito sa may punong tainga ko at ramdam ko rin ang marahang paghaplos nito sa mga labi ko.
Gustuhin ko mang idilat ang mga mata ko ay hindi ko magawa. May kung anong bagay sa kanya ang nagpawala sa matinding takot ko.
"CATHERINE!" Napadilat ako sa malakas na pagtawag sa akin ng tiyahin ko.
Mukha niya agad ang nakita ko at napatanga ng ilang segundo. Imposibleng panaginip lamang ang lahat ng 'yon.
"Catherine? Ayos ka lang ba?" pukaw sa akin ng tiyahin ko. Napabangon ako.
"Po? O-opo!" tanging naisagot ko na lamang.
Matipid naman itong ngumiti at lumabas na ng kuwarto ko. Napababa ako agad ng kama ko, laking gulat ko na sobrang dumi ng kubre kama ko at nagkalat din ang lagas na mga dahon at talulot ng mga bulaklak. Napatampal ako sa aking noo. Hindi ko panaginip iyong kanina, talagang may nagbalik sa akin rito. Napasulyap ako sa antigong relo. Malapit nang mag-gabi. Nakapagtataka dahil umaga pa nang mapadpad ako sa lugar na 'yon. Nasagi sa isip ko ang sinabi niya. 'Manatili ka sa tabi ko Catherine'. Napakagat-labi ako at napayakap ng sarili. Kung sino man siya, pinagaan niya ang loob ko at pinalis ang matinding kong takot.
BINABASA MO ANG
THE KNIGHT IN THE DARK [Zoldic Legacy Book 1] (WATTYS2016 WINNER)
VampiroSeries 1 Highest Rank on Vampire Genre #1 Highest Rank on Vampire Genre #2 (3-9-2018) Highest Rank on Vampire Genre #3 (3-12-2018) WATTYS2016 WINNER Zoldic Legacy Series Si Catherine, isang inosenteng babaeng walang kamuwang-muwang sa mundong pina...