TKITD-59
*****
Isa-isa rin nitong tinanggal ang saplot sa kanyang katawan. Napahugot ako ng malalim na hininga at lakas-loob na tinanggal ang aking suot na damit. Wala akong itinirang saplot na maaaring tumakip man lang sa aking kahubadan. Mabibigat ang aking hakbang habang lumalakad papalapit sa ilog. Pakiramdam ko'y nahihirapan akong huminga. Inilahad nito ang kanyang kamay kaya't tuluyan ko nang inilublob ang aking katawan sa ilog. Hindi malamig ang tubig, wari ay naghahalo ang malamig at tubig na mainit na nagmumula sa kagubatan ng islang ito.
"Mahal kita..." Bigkas nito nang maabot nito ang aking kaliwang kamay.
Napangiti ako. Bahagyang naibsan ang aking kaba.
"Mahal na mahal din kita." Tugon ko.
Hinapit niya ako sa aking bewang at masuyong hinaplos ang aking mukha. Bumaba ang haplos nito sa aking dibdib kaya't napasinghap ako. Hinapit nito ako ng husto hanggang sa magdikit na ang aming mga noo. Hindi ko maiwasang mamangha habang pinagmamasdan ko ang kanyang mga mata at mas lalong nakakamangha ang pagbabago ng kulay nito.
Walang ano pa'y masuyo niyang siniil ng halik ang aking labi. Mga kamay nitong naglalandas sa buo kong katawan ay para bang may sarili ring pag-iisip. Napapaungol ako sa tindi ng pakiramdam na idinudulot nito sa akin. Nagkusa na rin mismo ang aking mga kamay na kumapit sa kanyang batok.
"S-steffan---aah!" Muling pag-ungol ko.
Ang mga halik nito ay dumapo sa aking matatayog na hinaharap at walang pag-aalinlangan niya ito pinagpala. Wari'y uhaw na uhaw ito sa akin dahil panay ang pagdila nito sa rurok ng aking hinaharap.
Napapapikit man sa tindi ng sensasyon, ngunit hindi lingid sa aking mga mata ang unti-unting pag-akyat ng lason sa kanyang mga braso.
"G-gawin mo n-na..." Naiusal ko sa pagitan ng halikan namin.
Napatango lang ito at muling sinakop ang aking mga labi. Puna kong sinugatan niya ang magkabilang pulsuhan ko kaya't napaungol ako sa kaunti kirot. Hinapit naman nito ang aking bewang at ramdam ko ang pagtarak ng mabagsik nitong sandata sa aking kaibuturan. Napahiyaw ako sa pagkabigla ngunit agad din naman akong nakabawi.
"Tenebris noctris..." Namilog ang aking mga mata at napakapit sa kanyang batok. Masakit sa ulo ko ang binigkas nitong salita.
"...offero tibi ubera mea...corde suo..." Napabiling-biling ang aking ulo.
"...aah!" Daing ko.
Ngayon naman ay tinitira nito ang aking dibdib. Sa sobrang kirot nito ay napadiin ang pagkapit ko sa kanya.
"Animam suam...innocentia...et factus est mihi...ut curaret me...libera me...referantque ad me mea inmortalitatem..." Muling bigkas nito sa pagitan ng kanyang pagpapala sa kaibuturan ko.
Napayuko at napapikit ng mariin. Sunod na tinitira ng sakit ay ang aking sinapupunan.
"...aah!" Napapahiyaw ako sa sobrang sakit imbes na sarap.
Nanghihina man ngunit ramdam na ramdam ko pa rin ang patuloy na pag-agos ng aking dugo sa magkabila kong pulsuhan.
"Kaya mo pa ba?" Biglaang tanong nito.
Nag-angat ako ng aking paningin at ngumiti ng pilit sa kanya. Namimilipit man ako sa sakit ay hindi ako aatras. Puna kong unti-unting lumilipat sa akin ang mga markang nagkalat sa buo na niyang katawan.
"Per puro creavit sanguine..." Patuloy na pagbigkas nito.
Napaungol ako ng husto dahil pakiramdam ko ay gumapang ang sakit sa buong likuran ko. Hindi ko na napigilan ang aking sarili na mapaiyak sa sobrang sakit. Pakiramdam ko ay pinupunit ang aking kalamnan.
"...ah! S-steff---" Daing ko at halos bumaon na ang aking mga kuko sa kanyang batok at balikat.
"Redde mihi meum..." Muling bigkas nito.
Pakiramdam ko'y uminit ang buo kong katawan. Para akong sasabog at hindi ko alam kung bakit ganito katindi ang nararamdam ko sa aking katawan.
"Ah! T-tama n-na..." Daing ko.
Kahit namimilipit ako sa sakit ay tila baliwala ito sa kanya. Mukhang alam niyang ganito ang mangyayari sa akin.
"Mahal na mahal kita Catherine." Bulong nito sa akin.
Hindi ako makasagot sa kanya. Nanlulumo ang buo kong katawan, parang nawalan ng sigla. Pakiramdam ko ay para akong isang babasaging bagay na kapag nawasak na ay 'di maaaring buoin ulit.
"Tenbrae noctis offero amica pictore mentis innocentia! Ut meorumque necessitati sana me libera me! Reduc me in inmortalitatem! Per sanguinem, redde mihi meum!" Mahabang bigkas nito at halos bumilog ang aking mga mata sa tindi ng sakit.
"Ahh!" Hiyaw ko nang pagkalakas.
Wala ano pa ay ramdam ko na ang mga pangil nito sa aking leeg. Bumitaw ang dalawa kong kamay sa pagkakapit sa kanya. Hindi man malinaw sa aking mga mata ngunit ramdam ko ang paglipat ng mga marka niya sa katawan. Mainit! Masakit! Mahapdi sa katawan. Walang patid din sa pag-agos ang aking mga luha. Pakiramdam ko'y buto at balat na lamang ang natira sa aking gayong buong-buo pa naman ako.
Nang humiwalay ang kanyang bibig sa aking leeg ay napasinghap ako at napayuko.
"Ahh!" Muling hiyaw ko dahil sa sobrang sakit ng aking tiyan. Kahit na nanghihina ako'y kumapit ako kay Steffano.
"Catherine..." Narinig ko pang usal nito ngunit mas abala ako sa pamimilipit dahil sa sobrang sakit ng aking tiyan.
"...ahh!" Muling hiyaw ko at biglang napasuka.
Laking takot ko dahil itim na dugo ang isinusuka ko. Halos buong laman na yata sa loob ko ay gusto nang isuka.
"Tama na..." Awat nito sa akin ngunit tinabig ko siya at nagpatuloy pa rin ako sa pagsuka ng itim na dugo hanggang sa gumaan ang aking pakiramdam.
Nanghihina akong napahilig sa balikat nito. At ngayon ko lang napagtanto ang ritwal na ginawa niya. Ipinasa niya itong lahat sa akin at ako rin ang maglalabas nito sa aking katawan. Ramdam ko naman ang pagyakap nito sa akin at pinaliguan ako. Nagsisimula na ring magdilim ang aking paningin kaya't nagpatianod na lamang ako at tuluyang ipinikit ang aking mga mata.
![](https://img.wattpad.com/cover/39701383-288-k941150.jpg)
BINABASA MO ANG
THE KNIGHT IN THE DARK [Zoldic Legacy Book 1] (WATTYS2016 WINNER)
VampiroSeries 1 Highest Rank on Vampire Genre #1 Highest Rank on Vampire Genre #2 (3-9-2018) Highest Rank on Vampire Genre #3 (3-12-2018) WATTYS2016 WINNER Zoldic Legacy Series Si Catherine, isang inosenteng babaeng walang kamuwang-muwang sa mundong pina...