TKITD-47
*****
Kung ganoon ay wala ng pag-asa pang pumasa kami. Napasulyap ako kay Zairan. Hindi ako makapaniwalang isa din siyang Zoldic dahil kung kumilos at makihalubilo ito'y aakalain mong nasa pinakababa lang siya ng antas ng lahi nila. Napatayo naman bigla si Mocha.
"Anong saysay ng pagtunganga natin dito. Ang mabuti pa'y mauna na tayo sa tore." Aniya na ikinabigla ko.
"Pero mamaya pa naman ang laro." Wika ko.
Ngayon pa lang ay natatakot na ako. Bugtongan!? Ano naman ang mga isasagot ko sa mga bugtong na iyan gayong wala pa naman akong panama sa palaisipan pagdating na sa mga ganyan. Larong kalye lang ang alam ko at hindi larong pampahasa ng kaalaman.
"Kailangan Catherine. Kunin mo na ang iyong mga gamit." Ani Mocha at umuna nang lumabas ng silid.
"Teka Mocha..." Tawag ko pa ngunit hindi na ito lumingon pa.
Wala akong nagawa kundi ang mapabuga na lamang ng hangin.
"Sundin mo nalang siya Catherine." Ani Zairan at kinuha ang mga gamit ko.Napapaawang nalang ang aking bibig habang tinatanaw ang paglabas nito sa aming silid. Pambihira! Wala na bang katapusang pagpaparusa ito sa akin! Wala akong nagawa kundi ang sumunod na lamang sa kanilang dalawa.
*****
Pagkababa ko'y bumungad sa akin ang isang karwahe, isang sinaunang karwahe.
"Sakay na Catherine." Gayak ni Zairan sa akin kasabay nang paglahad ng kamay nito.
Puno ng pag-aalinlangan sa akin. Paniguradong magagalit na naman iyon sa akin. Napakaseloso pa naman ni Steffano. Walang pasubali ko na lamang inabot ang aking kamay at sumakay na sa karwahe. Naupo ako sa tabi ni Mocha, abala ito sa pagbabasa ng kanyang libro. Napabuntong-hininga ako. Bahala na mamaya! Haharapin ko na lamang ang parusa nito sa akin. Sumakay din naman si Zairan at naupo sa kaharap naming upuan. Hawak pa din nito ang gamit ko at bahagya pa itong niyakap. Nakakailang na makita kong ipinaparamdam niya sa akin ang kanyang pagmamahal. Itinuon ko sa labas ang aking paningin. Pakiramdam ko'y napakasikip dito sa loob gayong maluwag naman. Siguro'y hindi lang ako nasanay na kaharap ko si Zairan. Pinilig ko ang aking ulo at bumaling kay Mocha. Sumagi sa isip ko ang nangyaring eksenang pagluhod ni Mang Isko at nang aking tiyahin. Ganoon na lamang ang pagkagulat ko ng ginawa nila iyon dahil lamang sa nakita nilang may hawak akong itim na rosas.
"Mocha, maari ba kitang abalahin kahit saglit lamang?" Panimula ko. Nag-angat ito ng kanyang paningin at bumaling sa akin.
"Oo naman." Bahagya pa itong napangiti.
"May ibig sabihin ba ang itim na rosas?" Biglang nagsalubong ang mga kilay nito at napatingin kay Zairan. Maski si Zairan ay naagaw ko rin ang atensyon nito.
"Bakit Catherine? May nagbigay sa iyo ng itim na rosas? Ang iyong nobyo ba?" Tila atat na atat itong malaman kung sino ang nagbigay sa akin. Napalunok ako.
"W-wala. Nakita ko lamang ang mga talulot nito na nakaipit sa libro ni Ginang Zoldic." Pagsisinungaling ko na naman.
Mapunta man sa empyerno ang kaluluwa ko dahil sa dami ng kasinungalingang nagagawa ko'y wala akong pakialam. Alam ng Diyos kung gaano ko kamahal si Steffano, kung gaano katindi ang pagtatakip ko sa kanya. Napabuga ito ng hangin.
"May simbolo ang itim na rosas para sa amin. Simbolo iyan ng pagiging maharlika." Napangisi pa ito ng kaunti at napailing.
"Ang nakakamangha lang ay tanging pili lamang ang may alam kung saan ito makukuha. Hindi basta-basta ang rosas na iyon Catherine. Matagal itong malanta kumpara sa isang ordinaryong rosas na nakikita mo sa inyo. Hindi ba Zairan?" Ani Mocha at napatingin kay Zairan.
Kumikit-balikat lang din naman ito ngunit duda kong alam ni Zairan kung saan iyon makukuha. Isa siyang Zoldic, ano pa nga bang bagay ang hindi nakakamangha sa lahi nila. Napatango na lamang ako. Simbolo ng dugong bughaw. Para akong nabunutan ng tinik sa aking utak. Nakakagaan lang ng pakiramdam dahil unti-unti ko na nalalaman ang mga lihim na pilit ikinukubli sa akin.
*****
Habang nasa biyahe ay pansin kong makipot na daan ang tinatahak namin. Tanging kalesa, bisikleta at tao lamang ang maaaring makadaan dito.
"Malayo pa ba?" Pukaw ko sa matinding katahikmikan.
"Medyo Catherine. Ngunit nakakairita lang dahil mas mabilis pa ang takbo namin kaysa sa karwaheng ito." Bahagya pang napatawa si Mocha at ganoon din naman ako. Tama nga siya.
"Hindi naman tayo nagmamadali at kay aga pa naman kaya pagtiisin nalang natin." Ani Mocha. Napatango ako bilang tugon.
"Zairan, ibigay mo sa kanya iyong pagkain." Baling nito kay Zairan.
May kinuha naman itong supot sa ilalim ng kanyang kinauupuan at inabot sa akin. Napatanga ako saglit sa hawak niya at si Mocha na mismo ang kumuha nito para sa akin. Kung tutuosin ay abot na abot ko naman ngunit madadagdagan na naman ang parusa ko kay Steffano.
"Kumain ka na Catherine." Ani Mocha.
Tipid akong tumango at inusisa ang laman ng supot. Tinapay at inoming gawa ni Mocha.
"Catherine..." Bulong ng hangin sa akin kasabay nang paghampas nito sa sinasakyan namin.
Sa pagkabigla ko'y nabitawan ko ang supot. Mariin akong napakagat ng aking labi. Sinasabi ko na nga ba! Nagseselos na naman ito. Pinulot ko ang supot at nagsimula nang kumain. Darating kaya siya mamaya? Sana naman ay huwag niya akong biguing muli.
BINABASA MO ANG
THE KNIGHT IN THE DARK [Zoldic Legacy Book 1] (WATTYS2016 WINNER)
VampiroSeries 1 Highest Rank on Vampire Genre #1 Highest Rank on Vampire Genre #2 (3-9-2018) Highest Rank on Vampire Genre #3 (3-12-2018) WATTYS2016 WINNER Zoldic Legacy Series Si Catherine, isang inosenteng babaeng walang kamuwang-muwang sa mundong pina...