TKITD-12

34K 976 17
                                    

TKITD-12

PAGKAUWI ko sa bahay ng mga Zoldic, diretso ako agad sa tagong hardin ng walang nakakaalam. Manghang-mangha talaga ako sa ganda ng lugar. Ni hindi ko na inalintana na ang hardin na ito ay siyang nasa panaginip ko. Marahan akong nahiga sa mga malalagong damuhan. Sa kalahating oras na pagliliwaliw ko ay bigla na lang nagpulasan ang mga ibon. Napabangon ako at napalinga sa paligid ko.

"Mapanganib ang mag-isa..." Napasinghap ako at nagulat sa nakita ko.

Isang lalaking nakasuot ng tsaketang itim at maong na kupas na kulay itim din. Nakaupo ito sa ibabaw ng sanga ng malaking puno at hindi ko makita ang mukha nito dahil sa suot nitong sumbrero ng tsaketa. Napaatras ako sa sobrang takot.

"Catherine..." sambit nito. Bahagya akong natigilan.

Ang boses niya ay yaong tinig din ang palagiang tumatawag sa akin.

"Ikaw!?" nanginginig kong sambit at panay ang pag-atras ko.

"Simula sa araw na 'to Catherine. Mananatili ka sa tabi ko." Sambit nito habang papalapit sa akin.

Sa hindi malamang kadahilanan ay bigla na lang akong nawalan ng ulirat. Pero bago pa man ako mawalan ng ulirat, naramdaman ko pa ang malamig nitong labi na marahang dumampi sa labi ko.

"CATHERINE! Nako bata ka, tuwing ala-sais ng gabi ka na lang laging natutulog. Napagod ka ba sa klase mo." Narinig ko pang sambit ng tiyahin ko kaya mabilis akong napabalikwas ulit nang bangon.

"Nako bata ka, mag-ayos ka na para makapaghapunan na tayo," bilin ni tiyang at umuna nang lumabas ng kuwarto ko.

Hinawi ko ulit ang kubre kama ko, ganoon din ang nangyari kahapon. Puno ng mga talulot ng mga bulaklak. Mabilis ko itong nilinis agad at nag-ayos na ng aking sarili.

Gaya nang nakagawian simula nang dumating ako rito. Lagi kong kasabay si Ginang Zoldic, na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang buong pangalan nito, maliban na lang sa apilyedo nito. Nakapagtataka din na kumakain ng normal na pagkain si Ginang Zoldic, gayong sa pagkakaalam ko hindi naman siya tao. Itatanong ko na lang bukas kay Mocha ang iba pang impormasiyon.

Nang matapos ang salo-salo sa hapag ay agad ko nang tinungo ang aking kuwarto. Naupo ako sa isang antigong upuan at humarap sa antigong salamin. Wala akong mahihita kung mananatili lamang akong magtatatanong kay Mocha. Gusto ring kumilos nang naayon sa maari kong matuklasan sa pamamalagi ko rito. Ang lalaking 'yon, na nasa panaginip ko. 'Di ko lubos na maunawaan ay kung bakit ganoon na lang ang epekto nito sa akin. Siya ang palagiang pumupukaw sa akin sa tuwing nasa kawalan ako. Masarap sa pakiramdam ang pagsambit niya sa pangalan kong iyon. Ngunit, hindi ko man lang maaninag ang mukha nito. Ngayong nagpakita na ito mismo sa harapan ko ay hindi ko lubos na maitatanggi ang matinding pagkabahala. Gusto niyang manatili ako sa tabi niya at para bang may kusa itong kaloob-looban ko ang magpatianod sa nais nito. Napahawak ako sa ibaba kong labi. Hanggang ngayon ay dama ko pa rin ang malamig na pagdampi ng labi nito sa akin. Alam kong kahangalan ito pero gusto ko siyang masilayan muli. Ang dami kong gusto itanong dito. Siya ba talaga ang nasa panaginip kong iyon? Ngunit nakakagimbal ang tagpong iyon. Isang tagpong gusto kong takbuhan at huwag na sanang masilayan pa sa reyalidad. Napabuga ako ng hangin at tumayo na. Marahan kong inilapat ang katawan ko sa malambot kong kama at nakipaghilaan ng antok.

THE KNIGHT IN THE DARK [Zoldic Legacy Book 1] (WATTYS2016 WINNER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon