TKITD-55
*****
Sumapit ang gabi at mas lalo yata akong namangha sa perya. Iba't ibang mga palamuti ang ginamit nila upang maging kaaya-aya ito sa mata ng mga tao, lalo na ang mga bata. Napasulyap ako sa aking suot na relo. Ala-syete na ng gabi ngunit hindi pa rin siya nagpapakita. Hindi tuloy ako mapalagay sa kakaisip kung nasaan na siya. Lumabas ako ng perya at tinungo ang simbahan. Doon ko na lamang siya hihintayin. Habang tinatahak ko ang daan papuntang simbahan ay may bigla na lamang pumigil sa akin.
"Catherine..." Ani Zairan."Zairan, bakit?" Taka ko pang tanong at pilit na kumakawala sa pagkakahawak nito sa aking kamay.
"Alam ko, ikaw si Ren, ang kasintahan ko. Pakiusap Catherine, huwag ka magpanggap bilang ibang tao." Pagsusumamo nito.
Bakas sa mga mata nito ang matinding lungkot sa kanya ngunit nagkakamali siya. Binawi ko ang aking kamay ng buong puwersa.
"Naging kasintahan mo si Ren?" Tila hindi ako makapaniwala sa natuklasan ko mula sa kanya.
"Oo at alam kong ikaw ay siya." Napailing ako at napaatras ng bahagya.
"Hindi nga ako si Ren! Pati ba naman ikaw Zairan ay ganoon din ang iniisip sa akin!" Hindi napigilan kong bulyaw sa kanya.
"Alam ko, ikaw talaga si Ren. Kawangis mo siya Catherine."
Mas lalong kumunot ang aking noo sa kanyang naging pahayag."Kawangis? Kabaliwan iyang pinagsasabi mo!" Akmang tatalikuran ko na sana siya ngunit bigla na lamang nito akong hinila at hinapit sa aking bewang.
"Zairan---"
Bumilog ang aking mga mata sa ginawa niya. Hinalikan niya ako!? Natulala at nagulat ako sa ginawa niya. Walang ano pa ay nagulat na lamang ako sa sunod na nangyari. Tumilapon si Zairan at halos malibing ito sa pader ng simbahan dahil sa sobrang lakas ng pagkatilapon nito. Mas lalong nanlaki ang aking mga mata dahil sa tindi ng pagkabigla ko. Pakiramdam ko'y nakapako ang mga paa ko sa sementong kinatatayuan ko.
Bigla namang may humila sa akin at hinapit ang aking bewang. Natutop ko ang aking bibig ng mag-angat ako ng aking tingin.
"Steffano..." Naiusal ko.
Wala akong emosyong nakikita sa kanya ngunit bakas sa mga mata nito ang matinding galit. Mariin akong napakagat ng aking labi at napayuko. Pakiramdam ko'y ang dumi ko na. Halik lang iyon pero pakiramdam ko'y hindi iyon katanggap-tanggap sa kanya. Pumaling ako kay Zairan. Nakatayo na ito at wari'y gulat pa ito sa kanyang nakita.
"Kuya..." Ani Zairan na ikinagulat ko din naman.
Magkapatid silang dalawa!? At isa din siyang Zoldic!?
"Binigyan kita ng mga pahiwatig sa iyong panaghinip ngunit sinuway mo ako." Ani Steffano.
"Steffan---" Akmang pagsingit ko ngunit umiling ito sa akin na para bang pinatatahimik niya ako.
Wala akong nagawa kundi ang sundin ito kahit na ang toto'y gusto ko siyang kumprontahin dahil sa paglilihim nito sa akin tungkol sa katauhan niya.
"Kuya, siya si Ren! Alam mong siya si Ren!" Ani Zairan.
"Hangal! Hindi siya si Ren. Matagal mo ng alam na wala na siya." Sagot din naman ni Steffano.
Hinawakan nito ang aking kamay at hinila na ako.
"Kuya!" Tawag ni Zairan kay Steffano.
Nahinto naman si Steffano at bahagyang nilingon si Zairan na umiiyak.
"Tumigil ka na bago ko pa makalimutang kapatid kita." Maawtoridad nito wika at tuluyan niya na akong hinila palayo kay Zairan.
Nang tuluyan kaming makalayo kay Zairan ay wala pa rin akong imik. Hinayaan ko lang siya na hilain ako. Rumihestro sa utak ko ang luhaang mukha ni Zairan kanina. Ipinipilit niya talagang ako si Ren, ang kanyang kasintahan. Hindi ko man alam kung totoo nga ang sinagot ni Steffano sa kanya na wala na nga si Ren. Ngunit bakas sa mukha ni Zairan na para bang alam niya ang totoo, ngunit pilit itong nabubuhay sa isang kasinungalingan.
Alam ko, masakit ang mawalan ng minamahal ngunit mas masakit ang mamumuhay sa kasinungalingan. Hindi niya matanggap na wala na nga si Ren at hindi ko siya masisisi.
"Catherine..." Pukaw nito sa akin. Nag-angat ako ng aking paningin.
"Nahihirapan na ako. Hindi ko na alam kung ano ang paniniwaalan ko. Paano mo naging kapatid si Zairan!? Hindi ko na alam." Paglalabas ko ng saloobin ko habang ang mga luha ko'y nag-uunahan.
Kinabig nito ako at ikinulong sa kanyang mga bisig. Ngunit bago pa man ako makapagsalitang muli ay bigla na lamang akong nawalan ng malay.
*****
Minulat ko ang aking mga mata at bumungad sa akin ang tiyahin kong humahagulhol. Agad akong napabalikwas ngunit natigilan din naman. Kasama ko lang kanina si Steffano kaya't paano ako nakauwi ng bahay.
Muling napahagulhol ang aking tiyahin kaya't napukaw nitong muli ang aking atensyon.
"Tiyang, bakit ho?" Nag-angat ito ng kanyang ulo.
"Mahal na mahal kita Catherine..." Muli na naman itong napaluha ng husto.
"Ngunit kailangang gawin niya ito dahil iyon ang dapat." Ani tiyang.
Nagsalubong ang aking mga kilay sa sinabi ng aking tiyahin. Naguguluhan ako at hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. Ginagap nito ang aking kamay at dinampian ng halik.
"Hindi ko alam kung makikita pa kita pagkatapos nito ngunit ipagdadasal ko na sana'y maging maayos ka at maisagawa niya ito ng maayos." Anito sa pagitan ng kanyang pag-iyak.
"Tiyang naman..." Hindi ko talaga siya maintindihan.
Bumukas naman ang pinto at iniluwa nito si Steffano.
"Catherine..." Inilahad nito ang kanyang kanang kamay.
Nagpalipat-lipat ako ng aking paningin sa kanilang dalawa. Naguguluhan ako at may halong pagtataka dahil hindi man lang nagulat ang aking tiyahin.
"Tiyang..." Untag ko rito ngunit nailing lamang ito.
"Sige na Catherine." Ani tiyang.
Napaawang ang aking labi dahil talagang hindi ako makapaniwala sa mga ikinikilos nila.
"Madali na Catherine." Utos pa ni tiyang sa akin ay bumaba ako sa aking kama.
Ngayon ko lamang napansin ang aking suot na damit. Para itong damit na pang-okasyon, na sa isang hawi lang nito sa magkabilang balikat ko ay malalaglag ito ng tuluyan.
BINABASA MO ANG
THE KNIGHT IN THE DARK [Zoldic Legacy Book 1] (WATTYS2016 WINNER)
VampireSeries 1 Highest Rank on Vampire Genre #1 Highest Rank on Vampire Genre #2 (3-9-2018) Highest Rank on Vampire Genre #3 (3-12-2018) WATTYS2016 WINNER Zoldic Legacy Series Si Catherine, isang inosenteng babaeng walang kamuwang-muwang sa mundong pina...